14

521 16 1
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ang ganda dito..." rinig kong bulong sa hangin ni Emerald habang nakatingala sa kalangitang nagsisilbing tahanan ng nagkikintabang bituin at buwan.

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon bago inilagay ang aking mga palad sa bandang likod ko bilang suporta. Hinayaan kong dumikit ang pinong buhangin sa mga palad at hita ko dahil manghang-mangha pa rin akong nakatitig do'n sa payapang dagat.

Crescent moon, the coast is clear.

I have always preferred the beach over hills or mountains and even the cities. There's a thing about the combination of sand and sea that brought me solace and paradise. It gave me the calmness I need whenever life throws so much to me.

Like these days.

Mabuti na lang at nagawa kong kumbinsihin si Papa na hayaan kami na dito mag celebrate ng bagong taon sa Batangas. Kasama namin itong si Keane na wala nang ibang ginawa kung hindi ang mang-inis at mang-asar. Kung hindi pa sawayin ni lola, wala siyang balak na tigilan ako.

"Tang ina ka talaga, Keane!"

Nabaling ang tingin ko sa lumalayong boses ni Emerald bago napagtantong hinihila na pala ni Keane ang kanyang mga paa papalapit doon sa mahihinang sayaw ng alon. Nagpupumiglas ang kapatid ko pero tawa lang nang tawa itong pinsan namin.

Wild kids.

"Keane, gago ka! Ang lamig-lamig ng tubig sira ka!" Huling sigaw ni Em bago siya binitawan ni Keane na siya namang tumakbo papalayo roon  kaya nang umupo si Emerald, sumalubong sa mukha niya ang malamig na tubig galing doon sa dagat dahilan para muli siyang mapahiga sa buhanginan.

Basang-basa ang buong katawan.

Binatukan ko ang tumatawa kong pinsan bago bumaling ulit kay Emerald, nakatayo na ito at merong hawak na buhangin sa kanyang palad, handa na itong ibato sa binata ngunit dahil sa pagtago niya sa aking likuran, mukha ko iyong sumalo ng buhangin.

What the hell?!

Unti-unting tumahimik ang kapaligiran at pati ang mga tawanan nila Keane ay nawala rin na parang bula. Kumurap ako... Isa, dalawa, tatlo. Pinunasan ko ang aking mukha at hinanap ng tingin ang pinsan kong halos naestatwa na sa kinatatayuan, ganoon din si Emerald na hindi pa nakakalapit sa amin.

"Keane, you are so dead to me!" I exclaimed as I joined Emerald and ran after Keane toward the nearest beach house that our grandparents own.

"Oh, kambal, anong nangyari sa inyo?" tanong sa amin ni Lolo Fernando habang nakaupo sa tumba-tumba na nakapwesto sa terrace sa tabi ng duyan.

Nagkatinginan kami ni Emerald. Mabilis kasi sa takbuhan si Keane kaya marahil nasa loob na iyon. Sina lolo at lola lang ang tumatawag sa amin nang ganoon, at sa malambing pang boses. Sila lang ang tumuturing sa amin bilang equal.

Our Sunlight Escapade (Epiphany Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon