"Ikaw nga muna rito, sasagutin ko lang itong tawag." Tinanguan ko si Katia at pinanood siyang lumakad papalayo sa grocery counter habang nakadikit sa kanyang kanang teinga ang cellphone niya.
Nang makabalik siya ay patapos na ang bagger sa pagsusupot ng mga pinamili namin. Siniguro talaga namin na nabili namin lahat ng bagay na nakalista sa papel na binigay sa amin ni River dahil aalis na rin kami mamayang gabi para sa birthday camp trip ni Koen. Hindi maaaring magkulang pa ang dadalhin namin dahil naurong na nga itong plano ng ilang araw, nagkasundo kasi si River at Wane na a-attend nalang sila ng concert ng The Hurricane sa gabi ng birthday ni Koen. Naiwan naman sa pangangalaga ko si Ginnie.
"Nagkita na ba kayo ni Dane?" kaswal na tanong ni Katia.
I turned to face her so fast as astonishment filled my countenance. God knows how much I hate myself for hurting him and I never really had the chance to give him the closure I know we both needed so bad because I believe that if I were to see him again, everything that I did to him will come back rushing to me like a big wave prepared to eat the whole city, and I would die together with the peace I tried so hard building. That will only mean that the two years I spent to fix and heal myself is for nothing.
Umiling ako saka tahimik na tumanggi. Simula nang umalis ako ng Pilipinas, nawalan na rin ako ng balita tungkol sa kanya siguro dahil unti-unti na rin niyang binubura ang koneksyon na minsan namagitan sa amin.
I know for a fact that he unfollowed me on every social media platform because Katia once asked me if I saw his latest post so I instantly went to his page only to see that he was slowly cutting his ties to me and it bothered me for quite a while but Dane is a good friend of mine. He deserves all the peace he could get and I won't be taking it to heart if forgetting me was the best option to gain that.
"Bakit mo naitanong?"
"Wala lang, akala ko nagu-usap pa rin kayo kasi 'lagi ka naman niyang kinu-kumusta kapag nag kikita kami tapos no'ng sinabi kong sasama ka sa camp trip biglang nagback-out. Meron pa raw pala siyang tatapusin."
Ramdam ko ang unti-unting panunuyo ng aking lalamunan kaya nagpokus nalang ako sa hilang grocery cart. Nakasunod sa akin si Katia habang pinaglalaruan ang Tryst pear-shaped diamond engagement ring na nakasuot sa kaliwa niyang palasinsingan. Kung tama ang pagkaka-alala ko, apat na buwan na rin magmula nang ma-engage si Katia sa nobyo niya ng tatlong taon na si Eli, isa ring vocalist ng isang sikat na banda.
"Ang gulo rin talaga ng buhay mo, ano? Akalain mong engage ka ng walong taon tapos sa isang iglap biglang tapos na lahat..." Matotonohan ang pagka-sarkastiko sa boses niya. "Pero ganoon siguro talaga kapag hindi mo naman talaga mahal iyong tao. Kahit anong pilit mo, hinding-hindi mo maloloko ang puso mo."
"Why are you telling me this?"
She looked over to me before heaving a deep sigh. "I just want you to know that I'm very proud of you for choosing yourself. I know that the loneliness was unbearable and that the choice itself is not easy but trust me, it'll get better."
BINABASA MO ANG
Our Sunlight Escapade (Epiphany Series #1)
Storie d'amoreGrowing up dominating the household, Diamond Alvaro finds no solution rather than get away to reduce the pressure she's having around her mother, leaving her sister all behind. If only she was as mighty and smart as everyone paints her to be, she wo...