20

472 14 0
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Madilim pa rin ang buong silid nang magising 'ko ng alas kwatro dahil sa tunog ng sinet kong alarm gamit ang aking cell phone. Bumaba sa bewang ko ang tingin ko saka nakitang prente pang nakapatong ang hita ni River doon. Wala tuloy akong nagawa kung hindi unti-untiin ang pagalis noon.

Nang makatayo ay binalik ko kaagad ang takip na kumot sa kanila dahil malamig ang kwarto. Gusto ko pa sanang samahan sila pero meron akong klase ng 8 AM kaya kailangang bumalik na ako sa dorm. Nag-iwan na lang ako ng note at idinikit iyon sa isang ref magnet para alam nila na bumalik na ako.

Kwarenta minuto akong nagmaneho bago nag pahinga nang kaunti dahil medyo masakit pa ang ulo ko sa dami ng nainom ko kagabi. 'Buti at madaling nalasing si River kaya nakasunod na rin kami kaagad ni Kai Shen pagkatapos ng ilan pang shot.

"Oh? Saan ang lakad mo?" gulat kong tanong sa gulat na si Dane. Dahan-dahan niyang sinara ang pinto bago ako nakasimangot na hinarap.

Halatang nagulat siya sa akin ngunit pilit niya iyong tinago sa pamamagitan ng pagtingin sa akin ng malamig. Gutom na naman kaya siya kaya sobrang sama na naman kung tumingin?

"Hell. Wanna come?" he asked coldly.

"Even the hell will kick you out because of that attitude of yours, you know? Good luck to Lucifer."

Inirapan ko siya at binuksan ang pinto sa tapat ng unit nila ni Katia. Inaasahan kong sasagot siya sa akin ngunit nagkibit-balikat lang siya at sinimulan nang tahakin ang daan papunta sa elevator, walang pakielam sa akin. Ano kayang panaginip no'n at sobrang sungit naman 'ata sa akin?

Pinanood ko siya hanggang sa maglaho siya sa aking paningin. I wonder what Dane was up to at this early morning, specially that he looked more dressed than usual and his perfume was different as well. It would be more shocking if it turns out that he's having a date because I'm actually convinced that he's committed to food and has no interest in interacting with another human-being.

Pinagkibit-balikat ko nalang ang sinabi niya at pumasok na sa loob para maligo at pagkatapos ay nagpalit ng aking puting uniform. Pinatuyo ko ang buhok kong umabot na sa aking balikat gamit ang blower saka iyon pinlantsa para mas maging maayos iyon.

I was waiting for the elevator to open when the haughty voice of Dane reverberated in the hall which makes me turn my head to him. He was carrying his backpack on his left shoulder, and his white headphone hanging on his neck.

"So, you're in a mood to talk right now," I said.

"I always am." He entered the elevator. "You're going in or not?"

I throw myself in reluctantly and volunteer to push the ground floor button since it looks like he doesn't have any intention of doing so. Such gentleman there, huh? He didn't even pretend to be like one as though he know that he has nothing to prove to me. And I hate it so much.

Our Sunlight Escapade (Epiphany Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon