03

1.2K 30 2
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tinanggal ko ang suot na headset at inalis ang tingin sa video clip ng last competition ko sa singing contest. Bata pa ako non pero alam ko na ang kahihinatnan ko kapag hindi ako ang nanalo. Iyon na ang huling contest na masasalihan ko dahil katulad ng sinabi ni Mama, hindi ako maaalis sa tuktok ng isang bagay na para sa akin naman talaga.

I strode toward the piano across the bed in an instant. It's been so long since I laid a finger on it so there's a fair chance that I'm not as good as I was when I was still active with my lessons.

"Don't you have homework to do?" I heard the door shut open, Mama is leaning against the doorframe.

"Tapos na po, Ma." Pinunasan ko ang mga alikabok na namumuo sa takip ng piano at dahan-dahan iyong binuksan para silipin at tingnan.

"Good." She walked toward me and patted me on the head. Her thin and slender finger brushed through my dark medium length hair before shutting the fallboard back in its place. "I am planning on selling this to a friend since you're not into it anymore. Is it possible?"

"I just don't have time but I still want it in my room. You know how important this is to me..." sambit ko sa mahinang boses.

Sinimulan niyang suklayin ang malambot kong buhok habang nananatiling alerto ang katawan ko. She never hit us nor yelled at us because her presence alone could send a shiver down on us. 

"We already talked about it. Hindi ba meron tayong usapan na mananatili lang ang bagay na ito kung papasa ka sa MEU?"

"I'm trying, Ma. Ilang beses na nilang ni-reject ang mga requirements ko. Baka hindi talaga ako para sa college na iyon..." pangangatwiran ko kahit na maging ang loob ko ay sumasama.

"Try harder."

Pinanood kong lumakad palabas ng silid ko si Mama bago umalpas ang malalim na hininga mula sa aking bibig. Kadalasan ay nagiging ina sa akin si Mama ngunit kapag dating sa career ko, hindi niya gustong may mas magaling kesa sa akin. I find it so cruel.

I never found time to rest. I stood up before running my fingers through my hair, I hated it when my mother brushed it using her commanding fingers. Because it'll just surely lead to another request.

I am in the school library again. Feeling so anxious because it's my piano we're talking about.

"Hello!" Tumingala ako at pinasadahan ng tingin ang isang babaeng nakaupo na sa harapan ko. "You must be Diamond Alvaro, right? The elite daughter!" bumungisngis at humalakhak pa ito.

Itinuwid ko ang aking likod at pinagpatong ang braso sa harap ng dibdib ko. I've seen her face somewhere. I'm certain but I can't recall when or where! Naglahad siya sa'kin ng kamay na naga-alinlangan kong inabot at niyugyog.

"It's a pleasure to meet you, Miss?" tanong ko, lukot ang mukha. Pinatakbo niya sa buhok ang maninipis na daliri saka tumitig sa akin.

Goodness, she's beautiful.

Our Sunlight Escapade (Epiphany Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon