"Anong gusto mong kainin? Ako na ang bibili."
Umangat ang nakasimangot kong mukha nang marinig ko ang mababang boses ni Katia na nakaupo na pala sa harap namin ni Dane saka bumaling sa mahabang pila sa iba't ibang stall.
Bumagsak kaagad ang balikat ko dahil bente minuto lang ang meron ako bago magsimula ang susunod kong klase. Mabuti pa itong si Dane, hindi na kailangang pumila dahil iyong mga kababaihan na mismo ang bumibili ng pagkain para sa kanya. Paano naman kami ni Katia?
Napakaganda kasi ni Katia kaya marahil iniisip nilang wala silang pagasa sa dalaga. Well, wala naman talaga.
"Hindi ako nagugutom."
Hinila ko pababa ang suot na puting uniporme para mawala ang gusot noon. Hindi rin kumportable ang pagkakaupo ko dahil sa iksi ng aking pencil skirt. Hindi ako sanay na kita ang binti ko.
"Huwag mo nga akong artehan nang ganiyan dahil nagugutom din ako. Unang araw mo pa lang dito sumusuko ka na, paano pa sa third at fourth year?"
"I'm not giving up, Kat. I'm adjusting..." I said.
Nagkibit-balikat nalang siya at tinalikuran ako para pumunta sa pinaka malapit na stall. Wala pang limang minuto nang makabalik siya na merong hawak na dalawang hotdog sandwich at canned soft drinks. Inabot niya sa'kin iyong isa bago inilahad ang palad sa aking harapan.
"Bakit? Mahirap kumita ng pera! Walang libre rito. Akin na iyong bayad," singhal niya sa'kin.
"Magkano ba?"
"Otsenta."
Inubos ko nang mabilis ang pagkain ko at do'n na nagpaalam na pupunta na sa susunod kong klase. Kung sa mismong oras kasi ako pupunta ay tiyak na malalate 'ko dahil lang naligaw ako.
Ganoon lang ang naging routine ko hanggang sa matapos ang unang linggo ko sa MEU. And I'm freaking tired because of the load of works that need to be done next week. Unang linggo pero parang nasa hell week na kaagad dahil sa dami ng assignment at sunod-sunod na short quizzes.
"How are you doing?" tanong ni Mama sa akin.
Nakaupo kami sa bench na nasa tapat ng dorm namin. Sinabi ko na kanina sa text na hindi ako pwedeng makipagkita dahil abala ako pero ang sabi niya ay kahit saglit lang. Nauna na tuloy si Katia sa Pub Palace habang naiwan 'ko rito.
Honestly, I'm happy to see her here. Magmula kasi nang lumipat ako rito, nalulungkot pa rin ako kahit na madalas sa aking tumatawag sila Emerald. I feel homesick even though I'm not that far from our house. I feel alone here and I can't even show it to anyone.
BINABASA MO ANG
Our Sunlight Escapade (Epiphany Series #1)
Storie d'amoreGrowing up dominating the household, Diamond Alvaro finds no solution rather than get away to reduce the pressure she's having around her mother, leaving her sister all behind. If only she was as mighty and smart as everyone paints her to be, she wo...