05

944 26 5
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mataman akong bumuntong-hininga nang makita na nadampot na ng ibang costumer ang huling stuck ng Persuasion ni Ms. Jane Austen. Palihim ang bawat pag-irap ko habang ang babae ay nagpapasya pa kung bibilhin niya iyon o hindi. 

Hindi ako madamot pero matagal na kasing nakatambak ang librong iyon sa reading list ko since matagal ko na ring natapos ang iba pa niyang libro. At ngayong kaharap ko na iyon, hindi ko mapigilang ipagdasal na sana magbago ang isip ng dalaga, o sana hindi kasya sa budget niya.

Well, books are one of the most expensive things recently so being a bookworm is not as good as it is when books are at a lower price. Hindi ko rin namang magawang mag basa sa website dahil sa tingin ko, deserve ng author ang kinikita sa bawat nobela nila.

Tinapunan kong muli ng tingin ang nobela na tangan ng babae bago tumingin sa aking wristwatch. Inilagay ko sa basket na hawak ni Adam ang dalawa pang libro at lumunok para pigilan ang sarili kong agawin ang libro doon sa babae.

"Dito ka lang muna," sabi ni Adam sa'kin at mahinahong tinahak ang direksyon nung babae na kaagad namang ngumiti paglapat ng mga mata sa mata ng binata. Umirap na lang ako.

Humalukipkip ako at pinanood silang mag kwentuhan nang saglit bago tumango yung babae at malugod na inabot kay Adam ang libro. The lad bit his lower lips, gesturing a telephone beside his right ear that made the girl flushed.

Ang landi talaga.

Inilagay ko sa loob ng kanan kong pisngi ang aking dila saka pinasadahan ng inip na tingin ang babae simula sa paa hanggang sa mukha niya nang makita kong naglabas siya ng maliit na papel at ballpen, pinatong niya iyon sa shelf at nagsulat ng kung ano. Inabot niya ang papel kay Adam bago nakangiting iniwanan ang binata.

Adam shook his head and curled his lips in an upward manner as I was walking toward his direction. Aaminin ko na, napahanga ako sa ginawa niya pero hindi ibig sabihin no'n, maganda na ang ginawa niya. Pinaasa niya iyong babae!

Mukha pa namang kinilig iyon.

"Alam na alam mo talaga kung paano mag paikot ng babae ano?" masungit kong wika rito bago sinubukang agawin sa kaniya ang libro ngunit mabilis niya iyong itinaas sa hindi ko maabot. "Huwag ka ngang magulo riyan! Baka matumba yung mga shelves sa ginagawa mo!"

"I want to hear something." Adam bent his upper body a bit so we could face each other. "I might look tough but a genuine 'Thank you' will flatter me, Miss Diamond. Kahit iyon lang."

Ilang beses akong kumurap. Hinahanap pa rin ang tamang salita na pwede kong itugon sa kaniya ngunit bumuka na ang labi ko, wala pa ring lumalabas na salita doon. 

Ngumisi ako at mas inilapit pa ang mukha sa kaniya, ramdam ko na ang malamig na hininga niya sa aking balat. Nanginginig na ang tuhod ko dahil sa sobrang kaba ngunit mas pinili kong huwag magpatalo sa binata na mapaglaro pa rin ang ngiting ginagawad sa akin.

Our Sunlight Escapade (Epiphany Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon