"Tita, are you going home now?" tanong ni Koen habang nagliligpit ako ng mga gamit ko.
Marahan ko siyang nilingon saka hinaplos ang malambot niyang buhok. Napangiti 'ko sa'king sarili nang makitang namumungay pa ang bilugan niyang mga mata, paano ba naman ay tumakbo raw 'agad ito papunta sa tent namin ni Katia nang malaman na sasabay na 'ko sa pag-uwi kay Adam. Plano ko kasing bisitahin sina Mama't Papa dahil nag luto raw sila nang mga paborito naming pagkain ni Emerald para nalalapit naming kaarawan.
Pero bago iyon, nais ko sanang daanan ang tinitirhan ni Dane para magkausap kami at nang sa gano'n, mapayapa na, 'di lang ang loob ko pero pati na rin ang kanya. Kinulit ko talaga si Katia na ibigay sakin ang kasalukuyang address ni Dane para lang sa kagustuhan kong magka-ayos kami.
I don't even know if he'll want to see me but let's just hope for the best.
"That's right, honey. So, why don't you go back to sleep and make sure that you have all the energy to go to the aquarium later?"
Kinusot niya ang kanang mata at tiningala muli ako.
"You're with Tito Adam?" I nodded. "Can't you just go home tonight? The aquarium won't be good without you there..." then he pursed his lips.
Humalinghing ako at pinisil nang marahan ang magkabila niyang pisngi dahilan para lalo siyang sumimangot. Yumuko pa ito at nagsalita.
"Tito Dane won't be there, and now even you won't be there as well... I, I'm sure that Paz can't go either..." he muttered under his breath before heaving a sigh.
Napadila ako sa pang-ibaba kong labi saka napalunok dahil sa malungkot niyang hitsura.
"You poor dear... don't worry about it, we'll see each other again tomorrow, all right? I just have an important thing to finish right now."
His lips curved downward as he looked down at the floor, his face screamed gloominess but soon after, as if he finally understood, nodded his head. I grinned at him in return.
"I should head back to our tent now before Ginnie wakes up. Have a safe trip, Tita Dee!" He kissed my left cheek and then held my hand so we could head outside together.
Nagpaalam muna ako saglit bago pumasok sa truck ni Adam at nang akmang aalis na kami ay bigla namang kumatok si Katia sa bintana ng passenger seat. Napaisip tuloy ako kung meron ba akong naiwan sa tent dahil sa pagmamadali.
"Kung wala siya sa current address niya, try mong puntahan iyong tinutuluyan niyo dati," payo niya na mabilis kong tinanguan kaya nagmaneho na rin kaagad si Adam paalis doon.
Napupuno ang loob ng sasakyan ng tugtog ng The Hurricane. Meron ding mga oras na kanta naman ng ibang banda at singers ang tumutugtog ngunit nahuhuli ko talaga ang sarili kong bumabalik-balik sa kanilang debut single na Epiphany. Sariwa pa sa alaala ko iyong mga araw na bumibisita ako sa bahay nila Adam para i-record ang demo no'n.
BINABASA MO ANG
Our Sunlight Escapade (Epiphany Series #1)
RomanceGrowing up dominating the household, Diamond Alvaro finds no solution rather than get away to reduce the pressure she's having around her mother, leaving her sister all behind. If only she was as mighty and smart as everyone paints her to be, she wo...