Y'all can listen to this song ⬆ (Always// Keshi) while reading this whole prologue to get the feels hehePrologue
"Architect Manzanilla, Engineer Pascual needs you in his meeting with the group."
Mula sa pagkakasubsob ko sa lamesa ay tumango ako sa aking secretary. Tumayo na ako kalaunan at niligpit ang mga gamit ko dahil paniguradong madugong meeting ang mangyayare lalo na at ipinatawag na ako ni Raven.
He's our Mechanical Engineer at kaming dalawa ang na-assign na magkapartner sa project na ito. He's a good and an intelligent Engineer kaya naman kapag ipinapatawag niya ako ay ibig sabihin lang noon ay mabigat na usapan ang mangyayare.
"So, what are your plans for tomorrow?"
Tanong ni Boss Enrico namin nang matapos mag-discuss ni Raven. Magkatabi kami ngayong nakaupo rito sa loob ng meeting hall kasama ang mga board members at ilang architects at engineers para sa briefing ng mga project... at pakiramdam ko ay ako itong kinakabahan kahit si Raven lang naman ang concern nila rito. It's his part, anyway.
"We're planning to visit the site tomorrow, Boss. We'll update y'all tomorrow right after the visitation," pormal na sagot ni Raven.
Natapos ang aming meeting at bumalik na rin ako sa aking opisina kasama si Raven para maplano namin ng tama ang mga dapat lang naming gawin bukas para hindi hassle kapag nasa site na kami.
"Bukas ba 'yan? Pasama!"
Biglang pasok ni Troye sa opisina ko at may dala pa itong kape na mabilis niyang iniabot sa akin. Binuksan ko naman kaagad iyon at humigop.
Tamang-tama para sa stressful na araw.
"Team D lang ang involve. Hindi ka namin ka-team," umiling ako at binuksan na ang aking laptop.
Naupo si Troye sa upuan na katapat ng inuupuan ni Raven at iyon ang hinarap niya. "Kuya, pasama!"
Ngumiwi si Raven sa kapatid. "Para ka na namang bata," he shook his head.
"Dali na kasi! Nood na rin tayo ng practice game sa malapit doon!"
"Ano na namang practice game 'yan?" tumaas ang kilay ko at iniabot na kay Troye ang pinaluto niya sa akin na adobong manok. Pera niya ang ginastos dahil request naman niya iyon.
"Ang sabi ay may mga Pinoy daw eh," he shrugged. Kinuha niya ang ballpen at sticky note ko na nasa table at may isinulat doon. "Dali na, M! Saglit lang tayo pagkatapos n'yo!"
Nagkatinginan kami ni Raven at nagkibit balikat lang siya.
Syempre papayag 'yan at ang kaniyang baby ang may gusto nito. He's such a father to his sibling kaya kahit graduate na kami ni Troye ay sunod sa layaw ang isang ito at spoiled brat.
"Saan ba 'yan?" tanong ko kay Troye na ngayon ay nakangisi.
Natapos siya sa kaniyang ginagawa sa aking sticky note at mabilis ko siyang pinalo sa braso nang makita ko iyon dahil pinagbubura na niya ang nakasulat sa schedule ko na gagawin ko after ng site visitation namin.
"So kulit!" sermon ko. Natawa lang ang magkapatid at kalaunan ay tumayo na si Raven.
"Saan ba? Para makapagdala ako ng kotse," usal niya.
"Maples Pav lang, Kuya. Mas mabuti ngang magkotse ka," ngumiti ng pagkatamis si Troye sa kaniyang kuya habang hawak hawak ang kamay ko na pilit na kumakawala para masabunutan siya.
Nakakainis!
"Sige."
Nang makaalis si Raven ay pinakawalan na ni Troye ang kamay ko kaya mabilis ko siyang nakurot sa braso.
BINABASA MO ANG
A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)
Teen Fiction5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's friends with some but closer to her cousins, brothers, and sisters. She's a bit of antisocial and afraid of the world but a pageant monster at th...