Chapter 24
Pursue"Architect, makiki-send naman sa'kin ng floor plan!" habol sa'kin ni Engineer Salvador.
Kaagad naman akong tumalima at sinunod ang sinabi niya. Kinuha ko ang aking cellphone.
"Through e-mail, Engineer," I informed him. Tumango siya.
"Yes, please. Thank you!"
Matapos kong i-send ang hinihingi niya ay nagmamadali na akong naglakad palabas ng site. It's just two in the afternoon pero nakapagsabi na ako kila Enrico na maaga ang out ko today.
Malapit na'ko sa parking lot nang makasalubog ko si River. He's wearing this plain black roundneck shirt. Ang kaniyang lower attire ay black slacks at black leather shoes.
Mukhang galing siya sa photoshoot. Hindi kaya siya nilalamig?
"H-hi..." bati niya nang makita ako. Tumango lang ako at nilagpasan siya. Tumuloy ako sa paglabas. Pumunta ako sa bus stop para makapag-abang na ng sasakyan.
"Hey, wait!" rinig kong tawag sa'kin ni River.
I bit my lower lip. Tensyonado ako na nag-abang ng bus. Palinga-linga na ako sa magkabilang side ng daan, pero wala pa akong nakikitang sasakyan.
'No ba 'yan!
"Where are you going? Maaga yata ang out mo?" tanong ni River nang maabutan ako. Tumabi siya sa akin at casual na tumayo ro'n. Kita ko mula sa kabilang kalsada ang repleksyon namin sa malaking salamin.
I am wearing my white long sleeves, black slacks, and stilettos under my brown coat.
Kitang-kita mula sa salamin ang height difference namin. Mukhang... mas tumaas siya ng kaunti.
"I have another work," sagot ko na lang.
Nabuhayan ako nang may makita na akong bus na paparating. Sigurado kasi akong hindi siya makakapasok doon. Marami kasing Asian dito sa lugar na ito. Maraming makakakilala sa kaniya, at 'pag nagkataon, pagkakaguluhan siya.
"Another work?" he asked. Nilingon ko siya saglit. Nanlaki ang mata ko nang makita na tinatanaw na rin niya ang bus na papalapit sa'min.
"Photography," huli kong sabi. Tumigil na ng tuluyan ang bus sa'ming harapan. Nang bumukas iyon ay kaagad na akong sumakay. Hindi ko na nilingon pa si River.
Kaagad akong humanap ng komportable na upuan sa unahang bahagi ng sasakyan, likuran ng driver. Sinabi ko sa bus driver ang aking destinasyon. Pagod at kabado akong sumandal nang umandar na ang sasakyan.
Niyakap ko ang bag na aking dala. Pumikit ako at dinama ang kapayapaan nang wala si River...
"Same location with her."
Natigilan ako nang may maupo at magsalita sa'king tabi. Napamulat ako nang wala sa oras. Gulat na gulat kong nilingon si River na ngayo'y pinagtitinganan na ng mga tao. Mabilis kong itinaklob sa'king mukha ang aking coat, humarap ako sa bintana para hindi makita ng mga tao.
What the heck is he doing here?! Oh, God!
"Hey..." tawag niya sa'kin. Hindi ko siya pinansin.
Frustrated akong bumuga ng hangin.
"Sasamahan lang kita," bulong pa niya. Kinuhit niya ako matapos iyon. Hinawakan niya ako sa balikat, hinihintay na humarap sa kaniya. "I won't do such commotion, I swear."
Another sigh. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking coat at hinarap siya. "At bakit ka narito? Anong pakana na naman 'to?"
Nagulat pa ako nang makita na nakatitig siya sa'kin. Napa-iwas ako ng tingin. Mababaliw yata ako. Kakaiba talaga ang ka-gwapuhan ng isang 'to. Para bang kagaya nung prinsipe sa Little Mermaid? Gano'n! He's frustrating!
BINABASA MO ANG
A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)
Teen Fiction5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's friends with some but closer to her cousins, brothers, and sisters. She's a bit of antisocial and afraid of the world but a pageant monster at th...