Chapter 7

2.6K 108 77
                                    

G: iextra ko lang twitter account ko hehe (@/gereyziwp). A friend of mine told me to make one para daw mas madali makipag usap sa mga gusto makipag usap sa akin. Huhu sana lang ay wala akong maencounter na kaguluhan para ituloy ko paggamit .  Fresh na fresh pa yon hehe. Yun lang.

Chapter 7
Investment

"Pre, dito!"

Malakas na tawag ni Kuya Reego kay Kuya Luigi para sa kaniya ipasa ang bola.

Narito kami sa bahay nila Kuya Samson dahil nagkayayayaan sila na maglaro. Ngayon lang kasi silang lahat nagkalibreng oras kaya nag-uwian.

It's just nine in the morning at naglalaro sila ng basketball ngayon habang ako ay abala sa report na gagawin ko sa lunes. Wala sila Ate Mira at Shawntell dahil mga abala na rin sa schoolworks.

Wala naman akong nagawa nang isama ako ni Kuya Eren dito kahit mas gusto kong sa bahay na lang.

"Akala ko may photoshoot kayo?" tanong ni Kuya Reegs nang magpalit sila ni Kuya Jabz.

Naupo siya sa tabi ko.

"Mamaya pang after lunch, Kuya," sagot ko at bumaling na uli sa aking laptop. "Wala kang gig ngayon?" tanong ko naman. Umiling siya.

"May fashion show akong... papanooran," he smiled and shook his head.

Nagtaka ako sa naging reaksyon niya at tumango na lang din kalaunan.

"Anong oras kita susunduin?" Kuya Gi kissed my forehead when he sent me to the Saint Arena.

Dito gaganapin ang opening ng Saints League. Dito rin kukuhanan ng mga litrato ng basketball players.

"Kapag hindi makakapunta si Troye ay alas tres mo ako sunduin, Kuya," sagot ko at bumaba na sa sasakyan.

Inayos ko pa ang dress ko na medyo nagusot. May dala rin akong bagpack dahil doon nakalagay ang camera ko.

Ang buhok ko ay hanggang bewang ko na yata ang haba. It is wavy naturally. I love its curls but if I have to cut it, I'll cut it.

"All right. Just text me. Kapag hindi kaagad ako dumating ay manatili ka sa loob. Huwag sasama sa kung sinong lalake," payo niya habang nakasilip sa bintana.

Tumango ako. "Opo."

Hinintay kong mawala si Kuya Gi bago ako tuluyang naglakad na papasok. Malapit na akonsa entrance nnag may tumigil na sports car sa parking lot. Malakas ang ugong noon kaya napabaling din ako.

Nagulat pa ako nang bigla na lang may naglabasan na mga tao sa paligid. May ilang reporters pa ang naroon na nakapalibot sa sasakyan.

Bumaba mula roon si River... na may kasamang dalawang babae.

I shrugged at that sight at tuluyan nang pumasok sa loob.

Dalawang babae? Ayos. That's his normal.

"Hi, M! Ang ganda mo!"

Bati sa akin ng isang lalake na kasamahan namin na journalist na assigned din.

Tumango ako at ngumiti, "Maraming salamat, Salazar!"

Pumunta na ako sa bench at inilapag ang aking mga gamit doon. Ang mga kasamahan ko ay naghahanda na. Nakaayos na rin ang lahat at ang mga players na lang ang kulang. May interview rin kasi na gagawin para sa mga team captain.

I have to photograph each of them.

"Okay, guys! Be ready na po!" sigaw ng head ng Saints League nang magpasukan na ang ilang teams ng basketball.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon