Chapter 12
Everything"Yey! Uwian na, finally!"
Tuwang tuwa na sigaw ni Troye nang makalabas na ang aming teacher. Nagmamadali ko namang niligpit ang mga gamit ko.
Dinampot ko ang aking cellphone nang mag vibrate ito mula sa desk ko.
"Guys, punta kayo mamaya, ha? Aasahan ko kayong lahat!" paalam ni Troye sa mga kaklase ko na mga nagmamadali na rin sa pag-uwi para makapaghanda sa birthday celebration ko. Today's my 18th birthday.
Hinayaan ko si Troye na mag-feeling celebrant at binuksan ko ang message ni River. Sinabi niya na paalis na ang varsity bus nila para makapunta sa Saint Arena dahil may laro sila mamayang alas quatro. Kailangan kasi ay nasa arena na lahat ng may laro sa araw nito bago mag alas dos. Required iyon.
Mommy invited him. Sadyang siya lang itong hindi sigurado kung makakapunta dahil baka abutin hanggang alas sais o alas syete ang kanilang laro. Alas singko ang simula ng party ko.
Today's his first game in finals against Rad's team kaya importante iyon dahil kailangan nila na makakuha kaagad ng panalo. Gusto raw niyang champion na ga-graduate ang seniors nila. He's currently a fourth year student. He's awarded at the conference MVP already. Final's MVP na lang ang goal niya ngayong finals.
Ang alam ko ay hindi lalaro si Rad ngayon kaya kukuhanin daw niya ang tyansa na makakuha kaagad ng first win para isang game na lang ay champion na ulit sila.
"T, tara na!"
Tawag ko kay Troye habang abala mag reply kay River.
Ako: Wait for us. May ibibigay ako.
"Bye! Kitakits!" huling paalam ni Troye bago tuluyang sumunod sa akin. "Bakit ba nagmamadali ka? Masyado kang excited sa party ko-"
"Daan muna tayo ng Sebastian," putol ko na at saka hinigit sa kamay si Troye na takang-taka.
"Ha? Bakit?!"
"Happy birthday, Maria!"
"Omg! I'm so excited to see you with your ball gown later! Happy birthday!"
Mas nataranta ako nang palibutan na ako ng ilang higher graders. May ilang college pa ang bumati sa akin bago kami ni Troye tuluyang nakalusot.
"Ano bang gagawin natin? Bakit masyado kang nagmamadali?" gulong-gulo na tanong ni Troye.
I pouted before biting my lower lip. I looked outside his car. Hinigpitan ko ang kapit sa paper bag na dala ko. It's just a towel and Gatorade inside. The towel has his name on it. Pina-personalized ko pa iyon sa store nila Kuya Reegs.
"I'll just give this to River, " pag amin ko. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ko sa pagbibigay nito sa kaniya, sa totoo lang.
Biglang napa-preno si Troye at mabilis akong nilingon.
"Naks! Dalaga ka na talaga! Ipagpatuloy-"
"Ikaw ang magbibigay," matamis na ngiti ang ibinigay ko kay Troye. "It's my birthday, T, please?" pakiusap ko pa.
Sinamaan niya ako ng tingin bago tumango at nagpatuloy na sa pagmamaneho.
"Kung hindi mo lang birthday ngayon, e!" he murmured and rolled his eyes bago binilisan ng maneho.
"T, bilis!" paghigit ko na ulit sa braso ni Troye nang makarating kami sa entrance ng Sebastian University.
Napakaraming tagasuporta nila River ang nasa labas ng bus na ngayon ay naghihintay na sa mga players.
Bumaba kami ni Troye at binilisan ang pagpalapit sa bus dahil nakita ko na sila Pike na nagsisakayan.
"T, 'yun sya!" itinuro ko kay Troye si River na abala sa cellphone habang palabas ng gate ng University. Naka headphone pa siya at naka jersey uniform na.
BINABASA MO ANG
A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)
Teen Fiction5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's friends with some but closer to her cousins, brothers, and sisters. She's a bit of antisocial and afraid of the world but a pageant monster at th...