Chapter 27
Attack"Hi, good morning" mahina at malambing na bati sa'kin ni River nang buksan ko ang aking mga mata. He was looking at me gently while playing with the strand of my hair.
Napaiwas kaagad ako ng tingin nang maalala ko kung bakit siya narito ng gan'to kaaga. Mabilis kong binalot ang aking katawan ng kumot at tumayo, dumiretso ako sa aking walk-in closet para kumuha ng damit.
"I cooked breakfast already, let's go," ani River nang makita na nagbibihis ako. Saglit ko siyang nilingon at tahimik na tinanguhan. Bigla siyang natawa at nilapitan ako. "Aww, you shy?"
"No. Let's just eat breakfast and you go home," I replied. Mabilis kong inalis ang kapit niya sa aking braso. Mas natawa siya.
He's on his white shirt and maong pants now. Tila kanina pa gising.
"I'll be out for days," he suddenly said in the middle of our breakfast. Natigilan ako bago dahan-dahang tumango. Tahimik kong ipinagpatuloy ang aking pagkain. "Business trip lang. I'll update you every now and then."
"B-bakit?" naiilang kong tanong. Bahagya ko siyang nilingon, at nang makita na pinapanood niya ako ay mabilis akong nag-iwas tingin. Hinawakan naman niya ang aking kamay.
"Of course, you're my girlfriend! You have the right to ask me things," marahan niyang sabi.
"Si-sige. Ingat ka," tangi ko na lang nasabi.
Walang isinagot na salita si River kun'di pagtawa. Mas nahiya ako dahil doon. Matapos naming kumain ay naligo na siya. Hindi ko alam kung saan galing ang damit niya pero mayroon s'ya.
Inabala ko ang aking sarili sa paglilinis ng condo dahil... nagkalat pala ang damit namin kung saan-saan.
Hindi ko pa rin lubusang matanggap na gano'n akong naging sobrang rupok sa kaniya. Damn! What's worse? I let him took my virginity! Akala ko'y biruan lang iyong sinabi niya sa sasakyan kagabi, hindi ko alam na seryoso pala ang isang 'yon. Tsk.
"Wow..."
Naiilang na sinundan ko ng tingin si Feliciano na ngayo'y tinitingnan ako from head to toe. Nang makabawi ay lantaran ko siyang inirapan.
"Hoy! Inaano ka d'yan?!" gulat na gulat niyang tanong. Bahagya pa akong sinundot sa braso. Narinig ko na ang tawanan nila Rom.
Kasalukuyang narito kami sa site dahil inihatid ako ni River. Sa officr kaming lahat nagkatagpo-tagpo. Walang ibang may alam ng tungkol sa amin bukod sa limang kaibigan ni River. Kanina pa tuloy masama ang tingin ni Kuya Reegs kay River.
"Quit looking at me like that! As if I did something wrong!" asik ko kay Chano.
Hindi ko ba alam! Palagi ko na lang kaaway ang isang 'to! Palagi kasi akong inaaway!
"Hindi ba pwedeng napapaisip lang kung pa'no mo pinatulan si Ilog? High standard ka masyado, e!" aniya. Inilingan ko na lang siya at hindi pinansin.
"I'll be going. My phone is with you, right?" biglang bulong sa akin ni River. Hindi ko maiwasang mahiya sa tuwing nakikita ng iba na nag-uusap o 'di kaya ay magkalapit kami.
Nasanay kasi ako dati na may sarili kaming mundo. 'Yung tipong kami lang ang may alam? The best!
"Y-yeah. Diretso ka na?" tanong ko. Nakita kong bahagya siyang pumikit bago tumango nang nakangiti. He this kissed my cheek quickly.
"Gagong 'to! Mag-usap tayo!" biglang salita ni Kuya Reegs at hinigit sa braso si River. "Ikaw, Maria, mag-uusap tayo mamaya!"
"Yes po," agap kong sabi. Binitawan ko ang kamay ni River na pilit pang humahawak sa akin kahit halos kaladkarin na siya ng pinsan ko palabas.
BINABASA MO ANG
A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)
Teen Fiction5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's friends with some but closer to her cousins, brothers, and sisters. She's a bit of antisocial and afraid of the world but a pageant monster at th...