Chapter 20
FailureToday is 25th of December. Narito ako sa balcony ng aking kwarto, inaabala ang sarili sa pagbabasa ng reviewer habang abala naman ang lahat sa paghahanda ng aming kakainin ngayong araw na ito.
Sa isang araw na kasi ang schedule ko for online entrance examination sa Stanford. Hindi kami pumunta ng ibang bansa ngayon dahil nga ako ang tinanong nila kung pupunta raw ba kami.
Pinili ko na huwag na lang umalis.
Baka mamasyal pa kami roon tapos makasalubong ko pa si River. Though malaki ang US pero kahit na. Mas gusto ko na narito na lang ako sa bahay. Mas makaka-pokus pa ako.
Do I hate him? No. Do I have regrets? None. Sa ngayon.
Huwag lang n'ya sana ako bigyan ng rason para magsisi na nakilala ko s'ya. Ayaw ko noon. Mas ayos na sa akin na ganito.
Naging masaya ako kasama siya sa mga nagdaang taon, walang makakasira sa respeto na ibinibigay ko sa kaniya kahit hindi naging malinaw ang hiwalayan namin.
It's just that... it's painful as hell.
Hindi ko na minsan alam ang gagawin para lang makatulog sa gabi nang hindi siya iniisip at nasasaktan.
Napakalungkot. Sobrang lungkot.
I remember, nitong first week of December ay nakita ko siya. Hindi ko alam kung bakit siya umuwi noon. Basta ang alam ko ay sila na talaga ni Jia.
Kuya Reego confirmed it to me, kaya galit na galit siya. Gusto pa nga niyang sugurin si River pero nakiusap ako na hayaan na lang, at kung talagang galit siya ay huwag na lang pansinin. Mas pinili ko na lang na manahimik at huwag nang pagtuunan sila ng pansin, lalo na ngayon. Baka bumagsak ako kaiisip sa kan'ya.
He'll always be in my mind and forever in my heart.
Iyon na lang. Ayaw ko na ng kung ano pa. Whatever happened, happened.
"You seriously won't hear me, huh?"
Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang biglang buksan ni Kuya Gi ang pintuan ng kwarto ko. Halatang galit na naman dahil binatukan ako ng mahina.
Kainis talaga 'to.
"B-bakit, Kuya?" kabado kong tanong, inayos ko ang aking buhok na nagulo.
"Ang sabi ko, magbihis ka r'yan dahil may inuutos sa atin si Mommy na bilhin! Bilis!" hinigit niya ako sa braso para patayuin.
Bahagya akong natawa at tumango na lang.
"Bilisan mo magbihis! Baka abutin ka na naman ng isang oras!" sigaw pa n'ya mula sa labas nang pumasok ako sa'king walk-in closet.
Alas onse ng umaga nang umalis kami sa bahay. Kasama namin ay si Kuya Rokko, Kuya Sam, at Kuya Eren. Si Kuya Gi ang driver kung saan katabi niya si Kuya Rokko. Napagigitnaan naman ako nila Kuya Sam at Kuya Eren.
Naging maingay ang mga kasamahan ko all along sa byahe papuntang mall na malapit lang naman. Doon yung mall na... una akong umiyak kay River dahil sa takot ko noon kay Rad. Doon din kami... unang nag-date.
So many memories with him.
"Kailan balik n'yo sa YRigo?" usisa ni Kuya Eren sa tatlo naming kasama.
"After new year," Kuya Rokko bit his lower lip. I saw how he secretly smiled.
Mukha siyang excited bumalik, ah? Samantalang nagdadabog iyan nung malaman niya na ipapadala siya ni Lolo sa Rigodon. Baka nasisiyahan na sa mga tao roon.
Nakarating kami sa mall. Wala masyadong tao kaya mabilis kaming nakahanap ng parking space. Private mall ito kaya bihira lang din talaga dumami ang tao. Dumeretso kaagad kami sa isang department store dahil mahaba-haba ang listahan ng ipinabibili ni Mommy.
BINABASA MO ANG
A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)
Teen Fiction5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's friends with some but closer to her cousins, brothers, and sisters. She's a bit of antisocial and afraid of the world but a pageant monster at th...