Chapter 3

3.1K 110 142
                                    

Chapter 3
Grass

"Bilis na kasi, M! Tara na! Bakasyon pa rin naman, ano ba 'yan?!"

It was Attila who's busy putting make up on her face.

Narito siya sa kwarto ko ngayon at kanina pa ako pinipilit na sumama sa plaza ng village dahil may laro raw sila Kuya. Alam ko naman iyon, sadyang ayaw ko lang lumabas.

Paniguradong marami ang tao roon at hindi rin kami makakanood. Pumunta sila Ate Mira at Shawntell doon at inaya rin ako. Sadyang mas gusto kong dito na lang sa bahay.

This is the last week of our vacation before another school year starts. Magkakasabay lang ang pasok ng elementary, highschool, at college sa lahat ng saint schools.

Wala si Troye. Nasa Pampanga sa mga lola niya. Wala tuloy akong kasama nitong nakaraan. Itong si Attila ay kauuwi lang din naman galing sa bakasyon.

"Bilis na, M! Saglit lang naman tayo e! Magsisimula na 'yon!" Attila pouted.

Napabuntong hininga na ako dahil hindi talaga ako titigilan nitong babae na ito.

Mula sa pagkakaabala ko sa aking laptop dahil sa mga picture ni Kuya Ren na ine-edit ko ay tumayo ako.

Makakapaghintay pa naman siguro iyang pang post ni Kuya sa IG niya.

"Sasama ka na? Yehey!"

Hindi ko na pinalitan ang suot ko na floral dress na kulay puti. Hanggang sakong ko iyon. Ang tsinelas na ginamit ko ay pambahay na lang din. Hindi ko lang maunawaan si Attila kung bakit siya pormado gayong manonood lang naman kami ng laro.

Dinala ko na rin ang camera ko.

Attila is a friend of mine. Kapit-bahay namin sila at kalilipat lang nila nitong nakaraang taon. Kaedaran ko lang din. Louis s'ya.

"Pupunta na kayo sa plaza?"

Si Mommy iyon na kagagaling lang sa bakuran dahil naglinis ng mini garden niya.

"Yes po, Tita!" si Attila ang sumagot, kaya naman ngumiti si Mommy at tumango.

"Mapapadaan naman kayo sa church nila Pastor Raul, 'di ba?" Mommy asked at muling lumabas. Sumunod naman kami ni Attila.

Mukhang pagdadalahin pa kami ng halaman.

"Pabigay naman. For new decoration ito sa may labas ng church," just like what I've expected. Mabuti na lang ay maliit na halaman lang iyon.

"Sige po, Tita! Kami na po ang bahala!"

Itong si Attila ay siyang-siya dahil makakasilay na naman sa madalas niyang silipin na lalake sa simbahan. Sabado ngayon kaya naroon ang karamihan sa kabataan sa simbahan para sa kanilang practice para sa Sunday service bukas.

Iyong drummer yata ng music ministry ang sinisilip nitong si Attila.

Nilakad namin ang kahabaan ng village at sobrang init na naman. Mabuti na lang at may payong sa bahay.

Ang payong ni River... nasa bahay pa rin. Itinago ko na sa ilalim ng kama dahil sa takot ko na baka makita na naman nila Ate. Mas kinakatakot ko ay makita ito ni Kuya Eren. Paniguradong alam niya na kay River iyon dahil madalas niyang kasama ito.

Hindi ko alam kung paano ko ibabablik dahil hindi ko rin naman alam kung paano ko siya makakausap. Nahihiya ako.

"Good afternoon po, Pastor! Pinapabigay lang po ni Mrs. Manzanilla!"

Napaka energetic talaga ni Attila. Halatang halata. Palibhasa ay break time yata ng music team kaya nagkalat ang members nila.

"Maraming salamat, Attila at Maria! Tuloy kayo!" ngumiti sa amin si Pastor Raul.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon