Chapter 21

2.8K 112 144
                                    

Chapter 21
Neighbor

"Manzanilla!"

Mula sa pagiging abala ko sa pagpupunas ng bola, iniangat ko ang aking paningin nang patakbong lumapit sa'kin si Johan.

"Yeah?" tanong ko.

Kinuha ko mula sa aking bulsa ang panyo, ipinahid ko ito sa aking pawis. Today's Saturday kaya narito ako ngayon sa trabaho ko. Maghapon ito dahil weekend. Walang klase.

"You're free tomorrow?" sinundan ako ni Johan nang maglakad ako papunta sa lalagyan ng bola. Ipinatong ko roon ang bola ng bowling na katatapos ko lang punasan.

"Why? I have a shift here. Half day," sagot ko. Muli akong bumalik sa kanina kong pwesto, ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa.

"Oh! It's okay! This deal will happen tomorrow evening!" tumawa si Johan. Ngumuso ako at tumango.

"What deal?" usisa ko. Tuluyan kong itinigil ang aking ginagawa.

"Photoshoot. Halloween theme," Johan bit his lower lip. "You're in? You're the photographer I recommended," dagdag niya.

Saglit kong pinag-isipan ang sinabi ni Johan. Mukhang wala naman akong ibang gagawin bukas. I nodded. "Sure. Text me about the location and time."

Itinabi kong muli ang bola. Si Johan ay sumunod na naman kaya natawa ako.

"You sure you don't want me to send you there?" makulit na tanong niya. I smiled and shook my head.

"I'm pretty sure I can handle myself," sagot ko.

"Oh well. Sometimes, I hate how tough you are," he said honestly. Natawa na ako nang tuluyan doon.

Toughness is my only weapon now.

"Text me tomorrow," pagtatapos ko ng aming usapan.

Inubos ko ang aking maghapon sa pag-aasikaso sa bowling club na pinapasukan ko. Whole day ang trabaho ko kapag weekend at shifting naman kapag weekdays.

I'm currently in my third year as a college student. Actually, late na ako ng isang taon na pag-aaral dahil hindi ko naman kakayanin ang mga gastusin ko. Isang taon ang iginugol ko sa pagtatrabaho at pagre-review para lang mapaghandaan ang college.

Natupad ang pangarap ko na makapag-aral ng Stanford. Kaya nga lang, may sariling gastos at pamumuhay na ako. Pero ayos lang naman. Ang mahalaga'y natuto na ako. Marami akong natutunan sa buhay indibidwal nang... palayasin ako ni Mommy.

I get to pursue my dream without her invalidating me as a person.

My siblings are visiting me every now and then and so as my friends, mas pinipili ko nga lang na hindi na humingi pa ng kahit anong tulong. Ayos na sa'kin  'yung pagbisita nila. Ayaw kong tumanaw ng utang na loob kahit kanino, para hindi ako mapagsalitaan sa dulo kapag... pumalpak ako.

I hated my mom noong una. Nawala na lang din iyon kalaunan nang matuto na akong mamuhay at sumaya mag-isa. Sa mga araw at taon na lumipas ay sobrang dami kong pinag-daanan. I used to work in a fastfood chain here in Santa Clara, I was a janitress. Nakapagtrabaho na rin ako bilang assistant sa school ng Stanford bago ako pumasok doon. Tapos, ngayon naman ay may part-time job na ako rito sa isang arcade na katabi ng street na tinitirahan ko. I am also now a freelance photographer.

Maraming gastusin sa course na architecture ko kaya naman hindi p'wedeng pumahinga na lang ako. Nariyan naman sila Raciela at Troye kapag walang-wala na ako, pero pinipilit ko pa rin na huwag humingi ng tulong.

At saka...

"You have a gig tomorrow pala? Nakasalubong ko si Johan, he told me about it," sinalubong ako ni Rad. Kinuha na rin niya mula sa akin ang aking bag, sinamaan ko siya ng tingin.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon