Chapter 4
MDays, weeks, months, and a year have passed. Ngayon ay grade 9 na ako. Hindi ko alam kung sadyang masaya ba ako sa nakalipas na taon o sadyang naging abala lang ako sa mga bagay-bagay na nangyayare sa buhay ko dahil sa dami ng mga ito.
I am currently a top of the class student, a journalist, have a photography class every Wednesday afternoon, and now will have a workshop training for my modeling just in case I finally get the chance.
I don't want to get the chance.
"Ilan na ang vote count ni Maria?" tanong ni Troye na sure win na sa pagka president ng Supreme Student Government.
We're grade 10 next school year so he's finally qualified. Matagal na niyang gusto ang posisyon. Bagay naman siya roon dahil talaga namang responsable siya. Hindi ko lang inaamin dahil paniguradong lalaki lalo ang ulo ng isang iyon.
Pagod akong yumuko sa desk sa loob ng SSG office. Kanina pa ako kating-kati na umalis at umuwi dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. Ramdam ko kasing talo ako sa botohan sa pagka muse.
Yes, I'm an official candidate now of SSG's muse. Hindi na ako nakaangal dahil natalo ako ni Troye sa isang laro namin. Patagalan magpigil ng hininga. Yes.
Hindi ko rin talaga alam kung bakit napaaga ang election ngayon para sa mga bagong SSG officer para sa next school year. Advance ng halos isang bwan ang election ngayon.
"She currently have... 2,503 votes..." sagot ni Athena. Ang kasalukuyang President ng SSG. Lahat sila ay nakatutok sa monitor dahil sa principal's office ginaganap ang bilangan ng boto at tanging video lang mula roon ang nakikita namin. "She's leading. Ang pumapangalawa ay si Shakira with... 1,557 votes."
"Nice! Nice! I'm proud of you , my friend!" akmang makikipag apir sa akin si Troye nang titigan ko lang ang kamay niya.
He gulped and looked away.
"Congrats sa newest pageant presentor ng Saint Clark High school!"
Sigaw ni Kuya Rokko at saka siya nagtaas ng kaniyang juice. Hindi sila makapag labas ng alak dahil narito si Lolo Robert. Takot lahat na gumawa ng kung anong kabalbalan.
It's Friday night and we're currently having a family dinner. Natapos kanina ang botohan at nanalo ako. Hindi ko alam ang eksaktong boto pero ang alam ko ay nanalo ako. Halos alas sais na kami nakauwi dahil sa tagal ng botohan.
Batas sa school iyon tuwing SSG election. Lahat ay bawal umuwi hangga't hindi tapos ang bilangan ng boto.
"Finally! Jia will have her most spotted customer!" Ate Mira announced at tumango naman si Shawntell na nasa tabi niya.
"I'm so excited for you! Keep it up, my love!" Shawntell said.
"No bikinis or anything," seryosong usal ni Lolo na siyang nasa dulo ng lamesa.
Nagtawanan ang mga pinsan ko dahil doon. Ako naman ay tumango habang namumula na ang pisnge dahil sa hiya. "Syempre naman po, Lo. Hindi... ko rin kaya."
"Good. At ayaw ko rin na mag nonobyo ka kaagad. You're the youngest here, Maria," he replied.
"Pa, tigilan mo nga si Margarita at baka tumandang dala 'yan!" si Daddy ay tumawa. I pouted.
"Wala pa naman po sa isip ko, Daddy, kaya po sang-ayon ako kay Lolo," mabilis kong dagdag pa sa maaring sabihin ni Dad.
Nakita ko ang pagngisi ni Lolo. "That's why she's my favorite," he shrugged.
"Hey! Unfair!" mabilis na sigawan ng mga pinsan ko at doon na nagkaasaran.
"Lo, sa gwapo kong 'to?! Masunurin pa ako!" asik ni Kuya Gi na nginiwian lang ni Lolo at hindi pinansin.
BINABASA MO ANG
A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)
Teen Fiction5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's friends with some but closer to her cousins, brothers, and sisters. She's a bit of antisocial and afraid of the world but a pageant monster at th...