Chapter 9

2.6K 119 18
                                    

Chapter 9
Watch

"Boys, humanay na po!"

Sigaw ni Sunny sa mga players na mga hindi pa napunta sa gitna ng arena dahil bago pa lang ipakikila ang team. Ang mga babaeng players naman ay kanina pa nakapwesto dahil madali namang mga pasunurin.

Today is Saturday and the opeing day of Saints League. Hindi na kami magkaintindihan dahil sa dami ng inaasikaso namin. Kailangan naming maayos na magawa ang coverage nito dahil televised ang Saints League. Mas pressured ang nasa news team kaysa sa aming mga side court team. Ang kaso lang, ang kinakatakot ko ay ang matamaan ng bola. Nakakahiya iyon.

"M, pakikuhanan naman 'yong paglabas nila, please? Side ka lang. Sa court ako," pakiusap sa akin ni Eljham kaya mabilis akong sumunod at sumabay sa kaniya sa paglabas mula rito sa labas ng dugout ng bawat team.

We're wearing our black polo shirt with PresSaint at thr front. Nagpantalon ako na ripped at white sneakers.

May sweldo kami rito kaya sa tingin ko ay makakabili na ako ng sapatos na pinag iipunan ko.

Pumwesto ako sa side ng exit ng court na papuntang dugout at doon naghanda sa paglabas ng bawat team. Una ngayon ay ang St. Regidor at panghuli ang team nila River. Basketball team ang ipapakilala at last na ito dahil naipakilala na ang ibang sports.

"Presenting... our basketball teams!" panimula ni Mikael na isa sa mga commentator na kasama nila Chantal at Amber.

"Let's give it up for St. Regidor's basketball players!" si Amber naman.

Isa-isa nilang tinawag ang bawat players. Ang mga tao naman ay hindi na magkaintindihan sa paggawa ng ingay maipag-cheer lang ang kanilang paboritong team at player.

"St. Louis, let's go!"

Gaya ng ginawa sa nauna ay isa-isang ipinakilala ang players ng St. Louis. Kasama na roon si Rad na nakatitig lang sa akin the whole time na inaabangan niya na siya ang tawagin. Nagpanggap naman ako na wala lang siya roon at ipinagpatuloy ang aking trabaho.

Nagpatuloy ang pagpapakilala bawat teams. Ngayon ay ang Lucianna na ang nakasalang. Ang team nila Payton. Pangalawa sila sa huli.

"Naks! Ipag-ch-cheer mo si Rivs?" napalingon ako kay Payton nang sabihin niya iyon. Siya ang panghuli sa tatawagin dahil siya anh star player ng kanilang team.

"Ano?" maang kong tanong.

Payton shrugged and smiled. Bumaling na siya sa court at tila walang sinabi sa akin.

"Payton Andrew Meiran!"

Nang tawagin na ang pangalan ni Payton ay doon na nagkagulo ang mga tao na akala mo ay susugod na yata sa court para lang ipakita na chini-cheer nila siya.

"And for our last team..." panimula na nila Chantal sa team nf Sebastian. Ang mga tao ay nagkani-kaniya nang ingay. "Our defending champion. The team who holds the highets number of wins for the past four years. The team who has the MVP of the league for the past years..."

"Let's all welcome, St. Sebastian University's Baste Warriors!"

Nang tuluyan nang ipakilala ang Sebastian ay nagtayuan ang mga para magbigay pugay sa kanila. Ang mga players naman ay naglabasan na mula sa dugout na pinangungunahan ni Pike. Nakita ko si River na nasa pinakang dulo ng linya at nakikipagkwentuhan sa mga kasama.

"Let's welcome the team captain... Jersey number 9, Pierre Kelson Rivero... our very own Pike!"

Sinalubong si Pike ng masigabong palakpakan. Kumaway siya sa lahat at bumaling sa akin.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon