Chapter 10
EscortMalamig na ihip ng hangin na galing sa bukas na bintana ang nagpagising sa malamig na umaga ko. Maingay ang mga tao sa yard ng aming bahay kaya naman wala akong nagawa kun'di ang bumangon na dahil baka mamaya ay katukin na naman ako ni Kuya Luigi na galit palagi.
Saglit akong naghilamos bago ko kinalkal ang mga gamit na pwede kong madala na hindi masyadong mabigat kahit na ipagdadala naman ako ni Kuya Eren. Usapan na namin iyon.
Today's 20th of December. Papunta kami ngayon ng California. May bahay kami sa Santa Clara County. Mamayang alas otso ng gabi pa naman aming byahe kaya marami pang oras. Sa mga Sage kaming side ngayon. Syempre kami lang na pamilya. Hindi naman pwede na isama ang mga Manzanilla dahil first and foremost, hindi magkasundo si Lolo na Manzanilla at si Lola na Sage.
S'yempre sasabay na sa amin sila Tita Rashida dahil ayaw naman daw nila na iba't ibang araw at oras pa ang aming pagpunta roon.
Lagpas kalahating araw din ang byahe mula rito hanggang California kaya naman kailangan kong masigurado na kumpleto ang gamit ko para hindi ma-bored.
Pasado alas dyes ng umaga nang mataposnako sa aking ginagawa. Nakapaligo na rin ako at nakapagbihis dahil may ilan akong kailangang bilihin sa mall na mga kakailnganin ko sa ibang bansa.
Medyo matagal kami roon. Ayon sa nalaman ko ay after new year pa ang uwi namin.
Nagsuot ako ng kulay puti na high waisted cargo pants at Nike na kulay puti with the touch of blue na sneakers. Ang top ko ay white cropped top shirt na pinatungan ko ng denim jacket. I bought my white small sling bag bago ako tuluyang lumabas ng aking kwarto.
Sinigurado kong dala ko ang aking bucket hat na kulay puti at salamin syempre at facemask dahil napakalakas ng hangin sa labas. Nakakaubo ang alikabok.
At mukhang kakailanganin ko rin talaga ito mamaya.
"Saan lakad mo?" taas isang kilay na nilingon ako ni Kuya Luigi. Nasa sala siya at abala sa laptop at ilang patong ng libro na nasa center table. Si Kuya Eren naman na galing sa kung saan ay inakbayan ako.
"Nagpapabili ako ng ilang gamit. Ako maghahatid at susundo, Kuya," paglilinaw niya kay Kuya Gi.
"Bakit hindi mo samahan? Mapahamak 'yan, Ren. Ako talaga sasapak sayong gago ka!"
Napailing ako dahil sa pagiging mainitin pa rin ng ulo ni Kuya Gi.
"Ayos na ako, Kuya. Saglit lang ako. May ilang gamit din akong bibilihin," pagsali ko na bago pa makumbinsi si Kuya Eren na buntutan na rin ako.
Tuluyan akong binigyan ni Kuya Gi ng atensyon. Ibinaba niya ang kaniyang libro na hawak at itiniklop ang kaniyang laptop. He stood up and walked towards me. Pinaningkitan niya ako ng mata.
"Ikaw, umayos ka, ha. Malaman ko lang na may boyfriend ka na ay ipapakulong ko talaga," banta niya na naiinip kong tinanguhan. "Hangga't hindi ka pasado sa course mong architecture na kukuhanin mo ay umayos ka."
Pinigilan kong sumimangot sa buong byahe namin ni Kuya Eren papunta sa mall.
"Intindihin mo na lang ang Kuya kung ganoon iyon. Alam mo naman na mainitin lalo ang ulo noon dahil sa nawala nilang anak ni Ara."
Hinawakan ni Kuya Eren ang kamay ko ng pababa na sana ako ng sasakyan.
"Ayos lang naman sa akin kung mag boyfriend ka. Kahit ilan pa 'yan. Ang sa akin lang, huwag muna ngayon. Pag-aaral muna, Be. You have to pass architecture in Stanford para maging malaya ka. Lolo and the rest will let you go once you pass the entrance exam there."
BINABASA MO ANG
A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)
Teen Fiction5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's friends with some but closer to her cousins, brothers, and sisters. She's a bit of antisocial and afraid of the world but a pageant monster at th...