Epilogue

6.2K 233 300
                                    

Aaaaaaaahhh hi! Another epilogue means another goodbye na naman (oh how i hate goodbyes). Anyways, thank you again for making it here! Here's River Lacoste Lopez's POV! Sana ay na-enjoy at napatawad n'yo na s'ya sa mga katangahan n'ya hehe char! Btw, bid ur goodbye to him if u have time! Again, maraming salamat! Chano's next! See you!

Ps. Listen to the song above  (Hero/ Heroine || Boys Like Girls) for the feels. Tnx!

Ps. Wala akong time na i-edit at i-proof read ito kaya pasensya na po sa errors huhu ingat!

-G





Epilogue

"Lopez's third three pointer play!"

Malakas na sigaw ng P.E teacher namin nang maka-tres ulit ako. Kaagad na nag-iritan ang mga kababaihan sa bench, mapa-lower o higher year man. Itinaas ko ang dalawa kong kamay para mas ilakas nila ang kanilang pagsigaw. Tumawa ako nang gawin nila ang aking gusto, may kinindatan akong babae kaya mas nagkaingay ang lahat.

"Tarantadong 'to!" said Eren nang makalapit sa akin. Inakbayan pa ako ng aking kaibigan at ginulo ang mahabang buhok ko.

Today's our delayed Baste Day, heto kami at kalaban ang STEM strand. Hindi sana ako lalaro dahil masakit ang ulo ko sa aking hangover, wala lang akong nagawa nang pilitin ako ni Eren kanina.

"Tyamba," pa-humble kong sabi kaya naman pinagkaguluhan nila ako. Wala akong nagawa kun'di ang tumawa.

Natapos ang aming laro, naipanalo ng aming strand at naging MVP ako. Kaagad kaming nagbatian at nagkantyawan.

"Congrats, babe!" bati sa akin ni Gain. Mabilis niyang ipinulupot ang kaniyang braso sa akin.

"Hoy, mamaya na 'yan! Huddle muna!" sigaw ni Peeko.

"Wait lang, ha?" malambing kong sabi kay Gain at binitawan siya sa kamay. Mabilis akong sumunod sa aking kaibigan.

"Sayang, 'tol, 'di mo nakita 'yung bunso nila Ren. Napaka-ganda. Top of the class pa raw lagi. Kaaalis lang," bulong sa akin ni Peeko nang makalapit ako sa kaniya.

Ngumisi ako at tumango. "Anong section?"

"Grade seven. Inaalam ko pa ang section —"

"Gago, ang bata!" bulong ko pabalik. Natawa siya at nginisian ako.

"If you want to see her, sumama ka sa kila Jabz mamaya, may inuman daw," bulong pa niya bago lumayo sa akin.

Saglit kaming pinaalalahanan ni Coach patungkol sa darating na mga liga. College na ako sa susunod na pasukan kaya naman hinahanda na kami sa Saints League.

"Babe! Ang sabi mo'y ngayon tayo pupunta sa place mo!" angal ni Gain nang sabihin kong hindi ako pwede ngayon...

At wala naman talagang pwede na pumunta sa dorm. Tsk! Kapag nalaman ni Mommy ay mayayari ako.

"Look, ayaw ko na. Let's breakup—"

"What?! No! Who told you we're breaking up?" mabilis na putol niya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Napadaan sa aking likuran sila Ren at tinapik ako sa balikan kaya napailing ako. "Ang sabi mo pa'y tayo hanggang dulo! Ako ang nakikita mong magiging asawa mo!"

"Kahapon 'yon, Gain. Sorry, it's not you, it's me. We don't work out—"

"Anong we don't work out, e, kahapon lang naging tayo!" sigaw niya. Napahugot na ako ng hininga at hinawakan siya sa pisnge.

"Sorry. Iba pala ang gusto ko. Hindi na ikaw ang nakikita kong magiging asawa ko," paliwanag ko at iniwan na siya sa likuran ng library.

Nagmamadali akong nagtatakbo papunta sa parking lot kung saan naghihintay ang aking mga kaibigan. Sinalubong pa nila ako bg may pang-aasar bago kami tumulak papuntang mga Manzanilla.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon