Chapter 18

2.6K 117 76
                                    

Chapter 18
Came

Tahimik kong pinapanood si Troye habang abala siya sa pagsusukat ng costume niya para bukas nang gabi.

Today's October 30th. Kanina pang naghahanda si Troye para sa music festival na pupuntahan niya bukas. Costume party rin kasi iyon kaya pinaghahandaan niya.

"Sure kang hindi ka sasama? I'll be there naman, M!"

Pagpupumulit sa akin ni T at saka siya nag pose sa malaking salamin. Ang costume na napili niya ay kay Newt na character sa Maze Runner. Napakagwapo ng kaibigan ko kaya pumayag na ako na gayahin niya ang paborito kong si Sangster.

"I think you should not," mahinang sabi ni River at saka umiling.

Nasa tabi ko siya at nakapangalumbaba na nakikinood lang din sa paghahanap ni Troye ng isusuot.

"Why?" kumunot ang noo ko at nilingon siya.

He sighed.

Iniunat niya ang kaniyang dalawang braso at saka iyon pinatong sa sandalan ng couch kaya parang nakaakbay na siya sa akin.

"That's a huge crowd. Mas gusto kong nasa bahay ka na lang," umiling si River. Talagang mukhang desedido na huwag akong papuntahin. Mas nagtaka ako.

"Seriously, what's going on? Pupunta ka naman, 'di ba?" I fired. Doon siya natigilan.

Si Troye na abala sa pagsusukat ay nagtataka na sa amin ni River na mukhang magtatalo pa rito sa mall.

"Just... just don't, please," at napakamot na siya sa ulo. Hinawakan pa niya ako sa dalawang kamay at saglit na dinampian iyon ng halik.

Hindi ako nakapalag.

Nilingon niya si Troye. "Huwag mo na lang isama si M."

Ako naman ang lumingon ngayon kay T para humingi ng tulong. He gulped.

"S-sige, Kuya. Hindi ko isasama."

Umiwas ng tingin sa akin ang magaling na si Troye Zoren Pascual!

How could he?!

Ako ang kaibigan n'ya!

"Ngayon lang ako nakiusap, Margarita... Please?" mahinang pagkausap naman sa akin ni River makalipas ang ilang sandali na pananahimik ko nang lumabas na kami sa boutique na pinuntahan ni Troye.

Actually, sumaglit lang dito si River dahil may seminar sila. Hindi ko alam kung bakit siya narito gayong bawal silang umalis doon.

Humawak siya sa aking kamay habang ako naman ay abala sa pakikipag-usap kay Troye.

Nagulat ako roon pero hinayaan ko na. Walang katao-tao ngayon dito sa mall dahil nasa bakasyon ang karamihan at gabi na rin naman.

"Oo na, hindi na nga," tumango ako sa kaniya.

Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Sure? Hindi ka pupunta basta, ha?" paninigurado pa niya.

Naiinis ko nang binitawan ang kaniyang kamay.

Si Troye naman ay natigilan na dahil sa kanina pang pasimpleng pag-aaway namin ni River. Hindi na malaman kung ngingiti ba o aawatin kami.

Pagkarating kasi ni River ay nainis ako dahil hindi ko matanggap na tumakas siya sa seminar para lang makita ako.

Ang nakakainis pa roon ay magkasama na naman sila ni Ate Jia kahit sa bus.

Hindi sila schoolmates.

Naipaliwanag na naman niya sa akin na hindi naman niya kinausap si Ate Jia at ayos na sa akin na iyon. Doon ako nainis sa pagtakas niya.

Hindi sa hindi ko na-appreciate ang effort n'ya, ang sa akin lang, huwag sana ako ang unahin niya kapag mas may importante na bagay na dapat unahin.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon