Chapter 26
Voice"Where are you going?"
Natigilan ako sa paglakad palabas ng bahay dahil sa tanong ni Kuya Reego. Maging sila Kuya Eren ay nagtataka akong tiningnan. Kaagad akong kinabahan at nag-isip ng sasabihin.
Tsk! Baka mabuking kami nito.
"It's too early and we have family lunch here," ani Ate Aia. Katabi niya si Lincoln.
"Paalis ka na pala, anak?" biglang tanong naman ni Mommy na galing sa kusina. Tahimik akong tumango. Nakita ko ang paglabas ni Tita Rashida sa pinanggalingan ni Mommy.
"You're scheduled to meet them today?" tanong ni Tita. Nagtataka ako roon, pero tumango ako.
"I have to buy things for the condo, too," I replied. Nagkatinginan sila Mommy at tumango.
"You don't want Kuya Ren to send you?" biglang singit ni Daddy na kapapasok lang mula sa backyard. Kumunot na kaagad ang noo ko. Narinig ko naman ang tawa ni Kuya Ren.
"Dad, she's not a child, come on!" tumatawang sigaw naman ni Kuya Gi mula sa ikalawang palapag. "Kaya n'yan mamuhay nang wala ta'yo!"
Nang dahil sa sinabi ni Kuya Gi ay pinakawalan ako nila Mommy. Para siguro hindi na ako magpaka-throwback at maghinanakit kaya pinayagan ako. Wala rin naman sila Shawny dahil honeymoon na nilang mag-asawa. Sila Ate Mira nama'y balik trabaho na. Wala ako masyadong makakausap dahil paalis din si Ate Aia maya-maya.
Gaya ng plano, saglit akong bumalik sa aking condo. Mabilis akong nagpalit ng aking damit dahil nakapang-tulog lang ako nang umalis sa bahay. Nang mag-text si River na nasa parking lot na siya ay lumabas na ako sa aking kwarto.
"Yeah, see you."
Napalingon ako sa kabilang pintuan nang may lumabas doon na dalawang tao. Saglit na kumunot ang noo ko bago ako tuluyang umalis.
Ang ganda naman pala ng kapit-bahay ko. Ang alam ko ay kilalang-kilala s'ya, e. She was the known Sylvia Ameliah Zeich. Nagtataka lang ako kung bakit iba ang kasama niya. Weird.
"What's with that confused look?" salubong sa akin ni River. He opened his arms sideward para yakapin ako. Sa halip na yumakap ay tinapik ko ang braso niya pababa at sumakay na sa sasakyan niya.
"Mahal, isang yakap lang!" sigaw niya mula sa labas ng sasakyan. May ilang tao na napapatingin kay River. Mabuti na lang at nakapasok na ako sa sasakyan
"Just get inside the car. It's getting late!" I replied. Nakangusong pumasok sa sasakyan niya si River.
"Nahihiya ka ba na Mahal ang tawag ko sa'yo—"
"Ang cringey, River," agap ko. Nanlalaki ang mata niya na napalingon sa akin. Natigil ang pagpapa-andar niya ng sasakyan. Umiwas ako ng tingin.
"Liar!" asik niya. "You're blushing kaya!"
Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si River at ituro ang aking mukha. Naiilang ko namang itinulak siya palayo kaya natawa siya.
"Ikaw, ha! Ang cute kaya ng mahal!" aniya at ini-start ang sasakyan. "Mahal. Simple but is saying everything. Just like whenever I call you that. Not just a word but expressing, too."
I bit my lower lip. I looked away and smiled secretly.
"Mahal because the comfort is you. Mahal dahil ang tahanan ay ikaw," mahina pang sabi ni River. Nilingon ko siya na ngayo'y sa kalsada nakatingin at tumatango sa sarili.
"You were vocal before already. Mukhang mas lumala," saad ko. Muli akong umiwas ng tingin dahil sa biglaan niyang lingon sa akin.
"S'yempre mas lumala ang nararamdaman ko sa'yo," he replied gently. "Dati pati, ayaw kong madaliin 'yung sa'tin kasi deserve mo ng, oo mabagal, pero sigurado na pagmamahal, Maria Margarita."
BINABASA MO ANG
A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)
Teen Fiction5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's friends with some but closer to her cousins, brothers, and sisters. She's a bit of antisocial and afraid of the world but a pageant monster at th...