Chapter 1

4.9K 113 20
                                    

Chapter 1
Brows

Mabilis akong tumatakbo sa kahabaan ng hallway ng St. Clark habang dala ang aking modules. Kabadong-kabado ako dahil sa takot ko na baka naiwan ako ng mga kasamahan ko at nakaalis na sila.

Nang makita ko sila sa tapat ng junior highschool building ay nakahinga ako ng maluwag at nagpatuloy sa paglapit.

"Maria Margarita S. Manzanilla? Is she coming?"

Iyon ang naabutan kong tanong ng aming teacher nang malapit na ako sa kanila.

"Siyempre naman po, Ma'am! Hindi pwedeng hindi papasok ang top 1!"

It was Troye who said that. All my classmates agreed.

"P-present..." hingal na hingal kong usal nang tuluyan na akong nakalapit.

"See, Ma'am? She'll make it, I told you!"

Inakbayan pa ako ni Troye kaya hiyang hiya na naman ako kasi kinakantyawan na naman nila kami. Inalis ko iyon ng pasimple at saka ko hinawi pabalik sa dating ayos ang aking buhok.

"At saka papayag na 'yan sa next intramurals na sumali sa pageant!"

Mabilis akong umiling sa sinabi ni Beatrice.

Bakit ba kasi ako ang ipinipilit nila roon? Maraming maganda na kaklase ako. Mapapahiya lang pati ako. Hindi ko kaya. Hindi rin ako sanay sa maraming tao na nakatingin sa akin. At lalong hindi ako sanay na maglakad na walang salamin.

"Okay, that's enough! Let's go!"

Nang sabihin iyon ng teacher ay pumila na kami alphabetically. Medyo gitna ako nakapwesto habang sa medyo dulo naman si Troye dahil letter M ako at siya naman ay P.

Tahimik kong iniayos ang aking makapal na salamin. Ang pagkakaipit ng buhok ko ay saglit ko pang inulit dahil nagulo ito.

We're going to St. Sebastian's gallery today for this year's last campus tour. Ang section namin ang huli sa hindi ko malaman na kadahilanan. Lahat ay nakapag tour na last week pa.

Pumasok kami sa school bus ng St. Clark at nagbyahe na papuntang Sebastian Avenue. Halos hindi na kami magkarinigan dahil naka mic ang adviser namin habang nagbibigay ng instructions, at ang ibang kaklase ko naman ay kani-kaniyang kwentuhan na akala mo ay hindi kami araw-araw na nagkakakita.

"Mantes, palit naman tayo!"

Napalingon ako kay Troye nang kuhitin niya si Ruby na siyang katabi ko sa upuan.

Dahil gwapo at mabait si Troye ay mabilis na pumayag si Ruby at namumula pang lumipat ng upuan. Napailing na lang ako kay Troye at saka nagpaka abala sa notes na dala ko.

May quiz kasi kami bukas. Hindi ako nakapag study kagabi dahil sa family gathering na naganap kahapon. Masyado akong napagod kaya nakatulog kaagad.

Natatakot akong bumagsak.

"Saan kayo magbabaksyon, Maria?"

Panimula ni Troye sa kaniyang kadaldalan.

Saglit ko siyang nilingon at muling nagbasa ng notes.

"Hindi ko alam. Sana ay sa bahay na lang," I shrugged. Pinilit na mag pokus sa binabasa.

Bumuntong hininga si Troye at pabalang na sumandal sa upuan. Mabuti na lang at natapos na si Ma'am sa pagsasalita. Hindi ko na rin naintindi. Pang ilang beses na rin kasi 'yon.

"Ang no fun mo talaga!" he exclaimed. "Sama ka na lang sa'min ni Kuya! Plano namin ay mag hiking na lang," he then wobble his brows.

Tumango ako. "Kapag hindi nangulit si Lola na umuwi kami sa kanila."

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon