Chapter 19
ApartPatak ng ulan, malamig na simoy ng hangin, at mga nagtatakbuhang saint students galing sa school ang nakikita ko sa mga oras na ito habang narito ako sa loob ng Giga Pizza para katagpuin si River. Katatapos lang ng klase ko.
I sighed as I take a look at my phone.
Umaasa na may text siya o 'di kaya ay tawag para i-inform ako kung darating pa ba siya o hindi na para makauwi na ako.
It's been a week since that incident happened.
Nagpanic noong una ang lahat nang malaman ang nangyari pero nakalma rin naman nang makisali na si Lolo sa imbestigasyon ukol doon.
Hindi ko na ipinaalam sa iba ang nangyari sa akin dahil mas magiging malala ang sitwasyon. Masyadong madudungisan ang Saint Avenue. Ang mahal kong avenue.
Hindi ko na rin hinayaan na ipakalat nila Mommy ang nangyari kahit galit na galit s'ya kay Job Crisologo. Ang namumuno ng BlackLeaf, isa sa may ari ng Saint Avenue.
River texted me this morning that he'll meet me today. Hindi ko lang sigurado kung darating pa ba siya dahil sigurado akong nasa kila Astrid siya.
Nag-aalala rin ako dahil nagi-guilty rin ako.
Kung... hindi siguro ako tumawag kay River, baka sakaling nasundan kaagad niya ang mga myembro ng BlackLeaf at napigilan ang pagkuha kay Astrid.
Muntik nang ma-rape si Astrid. Mabuti at nakarating si Kuya Reego. Ang kaso, she was traumatized big time. Walang sinasabi sa akin si River dahil hindi naman kami nagkakausap. Si Kuya Reego ang nagkwento ng isang beses. Hindi siya nakakalapit kay Astrid dahil natatakot daw ito.
Mas mabuti siguro kung hindi ko na tinawagan si River noon. Baka sakaling nailigtas niya si Astrid.
Ayos lang din sa akin kung... mas pipiliin niyang damayan muna si Astrid. Mas mapapanatag ako. Ayos lang sa akin na hindi niya ako puntahan basta ay maging ayos si Astrid.
Hindi naman ako makakalapit kay Astrid dahil hindi naman niya ako kilala at mahihiya lang ako. Ayos nang si River ang naroon. Matalik naman silang magkaibigan, e.
I looked at my phone to see what time it is.
5:40 PM.
Alas quatro ay narito na ako dahil iyon ang usapan naming dalawa. Hindi ko naman alam na ganito pala ang mangyayari.
Exactly six in the evening, I packed my things and ready myself to go home.
"Hi..."
Natigilan ako nang saktong palabas na ako sa shop ay nakasalubong ko si River na mukhang pagod na pagod pa.
Ang iilang tao sa loob ay napalingon kaagad sa amin. Hindi ko na iyon pinansin pa. I looked at River.
"Nakaabot ka pa. Pauwi na sana ako, e," I smiled at him.
Nakita kong napaiwas siya sa tingin ng mga tao.
Nahihiya siguro na... makita na kasama ako.
I tried to pass through him. Lumabas akong tuluyan habang siya ay nakasunod sa akin.
He's wearing his jersey uniform.
Akala ko ay galing kung saan. Practice pala.
"Mababasa ka," mahinahon niyang sabi nang makalayo kami at umuulan na ng mahina sa aming pwesto.
Hinawakan niya ako sa balikat habang ang isa niyang kamay ay nakapatong sa aking ulo para hindi mabasa.
"Sa dorm na lang muna tayo? Maraming tao, e," usal niya na tinanguhan ko.
BINABASA MO ANG
A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)
Roman pour Adolescents5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's friends with some but closer to her cousins, brothers, and sisters. She's a bit of antisocial and afraid of the world but a pageant monster at th...