Chapter 16
ShootTahimik kong pinapanood si Stefano na ngayon ay katawanan si Raciela sa couch ng dorm namin ni Ate Mira.
I just can't believe with these two.
Noong nakaraan lang ay inereto iyan sa akin ni Payton tapos ngayon ay kalandian na si Rash. Sila na, to be exact.
Ayos lang naman sa akin. Wala naman siyang mapapala sa akin. Mukhang ayos naman si Raciela sa kaniya. Hindi na niya nilalandi si Kuya Reegs.
Raciela is a good friend. Sabihin man ng iba na malandi siya and such pero napakabait n'ya. Ni hindi pumasok sa isip ko na siya pa itong magtatanggol sa akin nitong isang araw nang bigla akong sugurin ni Attila dahil pinagsabihan daw siya ni River dahil sa kalokohan niya.
Wala naman na akong masabi kaya hinayaan ko na lang. Itong si Raciela ang inis na inis dahil sumasapaw pa raw si Attila gayong alam na may namamagitan sa amin ni River.
Nangunot ang noo ko nang lumapat na sa hita ni Raciela ang kamay ni Stefano.
I cleared my throat.
Mabilis namang inalis iyon ni Stefano at si Raciela naman ay natatawang lumapit sa akin.
"Anong plano mo? Bistado ka na pala nila Kuya Gi?" usisa niya.
I sighed and pouted.
I tapped her well-shaped face.
"Wala."
"Ha?! Anong wala?! So iyon na 'yon?! You'll cut ties with Kuya River na?!" inilapit ni Raciela ang kaniyang mukha sa akin. Halos maduling ako roon.
"Girl, ipaglaban mo naman si Kuya Rivs! Grabe iyon ka-inlove sa'yo!" humalukipkip si Raciela. She then pouted. Napangiti ako dahil ang cute n'ya.
"Pero ano ngang sabi ni Kuya Gi?"
"What would you expect? Of course he told me to stay away from him."
I shrugged.
Si Stefano naman ay kunot ang noo na nakatingin sa akin.
"Akala ko ay si River at Astrid?" he asked curiously.
Sabay kaming napalingon sa kaniya ni Rash.
"Baliw, hindi! Mag best friend sila!" asik ni Raciela at umirap sa nobyo na tinaasan siya ng kilay.
I saw how she blushed.
Tsk.
Kinikilig.
"Para silang kami ni Troye. Mula bata ay magkasama na—"
"By the way, hindi ka nagseselos sa kanila?" tanong bigla ni Raciela na ikinakunot ng noo ko. "I mean, they're 'that' close kaya!" she bit her lower lip.
"Oo nga," segunda naman ni Stefano. Tumango-tango pa ito.
Pinaningkitan ko siya ng mata.
Gwapo.
Bagay sila ni Raciela.
He's a Political Science student.
"Kung may kaibigan kayo na opposite sex n'yo mula bata ay mauunawaan n'yo ako," I sighed. Muli kong binalingan silang dalawa. "Iba ang pakiramdam ng may kapatid ka na hindi mo kadugo."
I nodded at that.
That's the truth.
I can see how protective and giving River to Astrid kaya natutuwa ako. Alam kong kagaya ni Troye, nami-missunderstood din ng iba ang nagagawa n'ya para sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)
Teen Fiction5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's friends with some but closer to her cousins, brothers, and sisters. She's a bit of antisocial and afraid of the world but a pageant monster at th...