Chapter 23

3.1K 125 174
                                    

Chapter 23
Acquaintance

I yawned after rolling my eyes over Kuya Jabez. Hindi ko maiwasang mainis dahil sa kalokohan niya.

"Anong tingin mo? Lalabas na s'ya?" Kuya Jabz asked nervously.

I sighed. Nilingon ko si Kuya Jabs. Buhat ko ngayon si Mezzo, kay Ate Mira naman si Amora.

"Hindi ko alam, Kuya!" I hissed. Natawa si Ate Mira dahil sa inis ko. Umiling siya at nahiga couch, hindi inisip kung makakahinga ba ang pamangkin.

We're currently here at the ice cream shop. Couch ang lahat ng upuan kaya nakakahiga si Ate Mira. Reason why we're here? Gawa ni Kuya Jabez na akala mo ay teenager.

Isinama pa kami para sundan at silayan si Sally. Hindi ko mawari kung bakit hindi niya lapitan kung talagang gusto niya. Nagpapakahirap siya rito para lang masilip ang kaniyang gusto na kasalukuyang nasa kabilang shop, kausap si Jacos.

Nagtataka lang ako kung bakit sila madalas na magkasama. Hindi ko naman matanong si Kuya Reego tungkol kay Jacos dahil ilang taon ko na rin siyang hindi nakikita. Halos lahat ng kamag-anak namin sa Pinas ay wala akong contact. Ganoon din si Kuya Jabz. We chose a peaceful life here. Kahit ang kambal niyang mga anak ay kaunting-kaunti lang ang may alam.

Si Ate Mira nama'y dumadalaw lang sa'min. Hindi nagkukwento ng ganap doon sa bahay dahil ayaw niyang may malaman pa akong kung ano. Ang alam ko'y sa Barcelona siya nagtuturo ngayon.

Hindi ko in-expect na kung gaano kaming ka-tight ang bond dati ay nawala sa isang iglap nang umalis ako. Hindi ko alam na gano'n palang epekto sa lahat.

"Hay na'ko, Kuya! Uuwi na ako! May pasok pa ako mamaya!" pagsuko ko. Kanina pa kasi kami payuko-yuko rito para lang hindi mapansin ni Sally.

Dinamay pa ang mga anak!

"Sunday, ah! Rest day mo, 'di ba?" nagtatakang tanong ni Ate Mira. Naupo na siya matapos daganan si Amora.

"Yeah. Pero may site kaming bibisitahin nila Boss Rico,," sagot ko. Ibinaba ko na sa couch si Mezzo. Abala sa cellphone.

"Na'ko 'yang boss mo ay maliligalig!" tumawa si Ate Mira. I nodded. "Isang taong ang age gap n'yo ni Martin, 'di ba? Tapos, si Rico ang ka-batch mo? Akala ko pati ay sa Pinas 'yan?" sunod-sunod na usal ni Ate.

"This year lang siya mamumuno, Ate," paliwanag ko. Dinampot ko na ang aking mga gamit. "Aalis na rin yata," I added and shrugged.

"Sana all ayos na," umiling si Kuya Jabz.

"You make your move, ayos ang lahat," payo ko. Tinapik ko ang  kaniyang balikat. Tuluyan akong namaalam sa kanila.

"Inuman na!" malakas na sigaw ni Enrico matapos itaas ang bote ng alak na hawak niya.

Yes. Walang trabahong naganap. Hindi ko alam na dito pala sa bar ang trabaho namin. Kasama namin ang aking secretary at si Raven.

"Akala ko pa nama'y trabaho! Inuman pala!" asik ni Brenda.

Pagod akong tumango, mabilis na nilagok ang alak na nasa harapan ko. Sumandal ako sa couch, ramdam ko na ang pamumula ng aking pisnge dahil doon.

"I can send you two now. Balik na lang ako rito," pagsali ni Raven sa aming usapan. Napagigitnaan nila akong dalawa ni Brenda. Secretary ko.

"Na'ko, Engineer, huwag na po! Sure naman pong saglit lang ito," tanggi ko.

Natigilan si Gabbi na siyang dapat na sasagot. Si Raven ay tahimik kong nginitian, nakatitig lang siya sa akin. Tila binabasa na naman ako.

"Paalis na kasi ako next week kaya dapat tayong mag-inuman! Sagot ko! Inom lang!" Enrico announced. Nagkatinginan kaming lahat dahil do'n.

"Why so sudden?" taka kong tanong.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon