Chapter 30

3.8K 155 145
                                    

Hellooooo hehehhe here we are again huhu I just wanna express my gratitude to those who made it here! Salamat sa patience at pang-unawa nyo hehehehe. Masaya at ramdam ko na minahal nyo si MM gaya ng pagmamahal ko sa kaniya (the way u got mad at everyone hahaha). Mahal na mahal ko si MM kasi there's one character lying peacefully inside her na gustong-gusto ko talaga. Yun lang! Sana ay may natutunan kayo at ma-enjoy nyo ang last chapter na ito. Kita-kita tayo sa epilogue which is River's pov. Ingat!

Ps. Hindi ito edited kaya sorry sa errors :<
Ps ulit. Ang gwapo ni John Mayer sa MV ⬆
- G

Chapter 30
Melted

Pasimple kong sinundan ng tingin si River matapos niyang tahimik na inilapag ang aking bag sa lamesa. Mabilis niyang hinubad ang kaniyang coat at niluwagan ang necktie.

"River, I'm so sorry-"

"Asikasuhin mo ang pamangkin mo. I'll attend my virtual meeting," putol niya sa akin.

Tahimik akong tumango at hinawakan na sa kamay si Rica para isama sa kwarto. Kanina ko pa gustong umiyak dahil simula noong isang araw ay hindi na niya ako pinapansin. Kagabi lang ako tinamaan ng katangahan na ginawa ko.

Yes, inaway ko si Jia nung pinuntahan namin siyang magkakaibigan. Hindi niya ako pinatulan kaya mas nainis ako noon. Napalakas ang tulak ko sa kaniya, hindi ko alam ba buntis din pala s'ya. Maayos naman ang bata. Natakot lang din si River para sa kaniya dahil naranasan ko iyon.

Kanina ay galing kami sa aking Ob. Napagalitan ako dahil bakit daw ako naglalakwatsa gayong hindi pa ako ayos. Naiiyak na ako kanina dahil pinabayaan ni River na sermonan ako. Si Rica lang ang naging sandigan ko kanina dahil taksil si River. Hindi ko lang siya maaway dahil may kasalanan pa ako at hindi pa ako nakakabawi. Alam ko ring mali ako kaya I'll take my consequences. Kung magagalit sa'kin nang matagal si River ay ayos lang, sana lang ay huwag sobrang tagal dahil miss na miss ko nang panggigilan s'ya sa umaga. Napakahirap ng ganito dahil siya ang pinaglilihian ko. Sana ay hindi na lang. Lubos-lubusan na ang aking tampo.

"Come here, baby. Change your clothes na muna," tawag ko kay Rica. Ngumiti siya sa akin at kaagad lumapit. Yumakap pa siya at tila kino-comfort ako.

"I know this is little, 'Ta, but I'll give you hugs! Warm hugs!" she said in her very little voice. Dahil sa kaniyang yakap ay naiyak na ako ng tuluyan.

"Ayaw ako pansin Tito River mo!" sumbong ko. Mas niyakap ko siya ng mahigpit.

"It's okay. It's okay, Tita! Don't cry, cry! Amca is here!" she said. Mas naiyak ako dahil sa kaniyang kabaitan. Naaawa rin ako dahil mas madalas na gusto niya rito dahil abala ang kaniyang ama sa kaniyang ina. Ayaw siyang pansinin ni Shawny dahil hindi kilala.

"I love you! Your Daddy loves you! Your mommy loves you!" sabi ko sa kaniya. Bahagya siyang natigilan, kalauna'y humagikgik siya at hinaplos ako sa ulo.

"I know, Tita! You also love me!"

Sasagutin ko pa sana si Rica nang biglang pumasok sa kwarto si River. Umurong ang luha ko nang dumiretso siya sa closet at kumuha ng kaniyang damit at inilagay sa kaniyang gym bag.

"You're going somewhere?" tanong ko at nilapitan siya. Nilingon niya ako saglit bago ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. "If you're going because of my attitude, I am so sorry. I'll try to change -"

"I'll be out for a practice tonight. We have a game tomorrow. Hindi ko naalala na may laro ako dahil sa kakulitan mo," tangi niyang sabi. Dumiretso siya kay Rica at saglit itong niyakap bago tuluyang umalis. Wala akong nagawa kun'di umiyak nang mawala siya.

"Hindi na n'ya ako mahal!" madrama kong sumbong kay Troye nang dalawin nila ako nang gabing 'yon.

"O.A, 'Te! Ako nga palaging walang asawa, e!" ani Raciela.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon