Chapter 2
Umbrella"Sino raw ang candidate n'yo for SSG's muse?"
Tanong ng kasalukuyang presidente ng SSG. Naroon sila sa unahan para kuhanin ang pangalan ng mga kakandidato.
Wala akong plano na makisali dahil wala naman akong hilig sa ganoon. Hindi ko rin kakayanin na magpakilala manlang sa unahan ng bawat classrooms.
Hindi ko rin maunawaan kung bakit kay muse ang mga saint university pagdating sa SSG officers.
Pwede namang magpa audition sila sa tuwing may pageant.
They're weird.
"Ilista n'yo na raw si M!"
Mula sa pagkakasubsob sa aking tinatapos na requirements para sa clearance ay napaangat ako ng tingin dahil sa kahibangan na naman ni Troye.
Naroon siya sa may unahan dahil siya ang kasalukuyang Vice President ng aming room. Hindi ko alam na pinapayagan pala ang ganoon kagulo na officer
"M who? May I see who this is?"
Istrikta na tanong ng kasalukuyang muse ng SSG kaya naman pigil-inis akong nagpanggap na hindi sila narinig.
Nakakainis naman!
Ni hindi ko nga kaya mamasahe mag-isa tapos isasali ako d'yan?
"Maria, tawag ka, hoy," siniko ako ni Beatrice.
"Pumayag ka na! Sure na panalo ka," si Ruby naman.
"Ayaw ko," mahina kong sabi at mas yumuko. Inayos ko pa ang aking salamin na halos mahulog na dahil sa pagyuko ko.
"Iyon s'ya o!"
Lagot talaga sa akin itong Troye na ito pagkauwi namin.
"Miss, kindly stand,please," seryoso na sabi ng presidente. "We just have to check your height if you're passable to join the pageant -"
"H-hindi... po ako sasali," pigil ko na at umiling nang sunod-sunod. Hindi na ako nag abala pang tumayo.
"Her height?"
Pagbaling ng presidente kay Troye. Hindi ako pinansin.
"She's 5'5 right now. She just turned 13 last month!"
"Okay. Just assist her tomorrow at the SSG office so we can accommodate her about the rules and such for the election."
Matapos iyon ay umalis na ang mga officer. Saktong lunch time na namin iyon kaya naman mabilis ko nang dinampot ang aking mga gamit dahil susunduin ako ni Kuya Luigi.
Wala kaming pasok mamaya dahil sa seminar ng mga teacher. Si Kuya Luigi naman ay vacant kaya sinabi niyang isasabay na niya ako ng lunch at ihahatid pauwi.
"Hoy, Maria, pasama!"
Pagsunod na naman sa akin ni Troye nang makalabas na ako at nasa hallway na kami.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad nang mabilis. Ayaw ko siyang pansinin dahil nakakainis siya.
"Galit ka ba? Muse lang naman, M!" at tuluyang nakasabay sa akin ang nakakainis na si Troye.
"Ayaw ko nga kasi, T! Hindi ko kaya iyon!" daing ko nang harapin ko siya at nasa may gate na kami. "Mapapahiya lang ako roon! Ayaw ko talaga!"
Natigilan si Troye at pinakatitigan ako saglit bago siya dahan-dahan na tumango.
"Sige na nga. Huwag ka na lang sumulpot bukas. Basta isama mo ako sa lunch n'yo ni Kuya Gi!" he smirked.
I sighed and nodded hopelessly dahil hindi naman magpapatalo itong si Troye. Saglit pa kaming naghintay sa labas ng school bago ko nakita ang chevy ni Kuya na papalapit na sa amin.
BINABASA MO ANG
A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)
Teen Fiction5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's friends with some but closer to her cousins, brothers, and sisters. She's a bit of antisocial and afraid of the world but a pageant monster at th...