Chapter 25

4K 143 244
                                    

Chapter 25
Demand

Ilang buwan ang lumipas. Today, I am preparing my things for my flight to Philippines. Pakiramdam ko'y isang linggo na akong walang tulog dahil sa kabang nararamdaman ko. Shawny and Pay's wedding is happening next month. Hindi pwedeng hindi ako uuwi. Nakapag sabi na rin naman ako kay Romulo.

Ilang beses na rin naurong ang kasalan na ito. It should be early this year, pero dahil sa ilang problema ay kinailangang i-delay ang kasal. Naging November 30th.

Ang alam ni Shawntell ay nasa tamang date pa ang kasal nila. Si Pay naman ay hindi na pinalaki ang usapin tungkol dito. Hinayaan na lang niya na isipin ni Shawntell ang gusto niyang isipin.

Kabado akong pumunta sa tapat ng aking full-length mirror. Sinipat ko ang aking suot: black round neck shirt for the top inside the gray unbuttoned flannel. Ang pang-ibaba ko ay beige slacks na siyang naka-tuckin sa aking shirt. Suot ko ang sapatos na bigay ni River.

I took a quick video of myself in front of the mirror. I sent it to Raciela. Ilang buwan na rin silang nasa Pinas. Seven months, I guess? Mabilis si Rom. Nauto kaagad si Shanne. Tsk. Marupok.

"Wow! I'm so excited to see you!" salubong ni Raciela nang tawagan niya ako.

"Me, too!" I smiled kahit hindi niya kita.

"M, let's go!"

Rinig kong sigaw ni Kuya Luigi mula sa labas ng aking kwarto. Hinigit ko naman pababa sa kama ng aking maleta. Kasunod kong narinig ay ang katok ng impatient na kapatid ko.

"Opo!" sigaw ko na.

"I'll see you! Punta ka agad dito, ha?" paalam ni Raciela nang marinig din siguro si Kuya Gi.

"Yeah, yeah, yeah!" nagmamadali ko nang sabi at pinatay ang tawag.

Pinagbuksan ako ni Kuya Gi ng pintuan, kinuha rin niya ang aking maleta. Binuhat niya iyon pababa ng second floor.

"Ano bang laman ng maleta mo at parang sobrang bigat?" kunot-noong tanong ni Kuya nang makababa ako.

"Papeles at... papeles?" lito kong sagot.

"Bakit?"

"Ewan ko kay Rom. Ang sabi ay dalahin ko raw lahat ng records ko sa company nila. May titingnan daw siya sa performance ko," I explained.

"Weird," takang-taka na usal ni Kuya. Tipid akong tumango ro'n. Totoo kasi.

What's this for? He's upto what again?

Nang masiguro na handa na ang aming mga gamit ay lumabas na kami. Kami lang dalawa ang magbabyahe dahil naunang umalis sila Kuya Ren.

Bumalik ako sa pintuan ng bahay para siguraduhin kung locked na ba iyon. Si Kuya Gi nama'y nasa garahe para kausapin ang aming driver. We can't bring cars outside the country. Masyadong hassle.

And yes, one of my fruits is a car. I bought one using my first ever salary as licensed architect. I took my licensure examination months ago. I'm only aiming to pass but I topped the exam. What a blessing to have.

"Oh! Nandyan ka na pala, e!" rinig kong pagkausap ni Kuya sa driver. Binilisan ko ang pagche-check ng paligid at sumunod na sa garahe.

Kaagad tumabang ang hitsura ko nang makita ko si River na siyang kausap ni Kuya. Napangiwi ako nang makita ko ang suot niya. Halos kagaya ng sa akin pero pinagbali-baliktad: white roundneck for top na pinatungan ng beige coat. For the bottom nama'y kulay gray na slacks at sneakers na katulad ng sa akin.

Binalewala ko siya at pumasok na sa frontseat ng sasakyan. It's Kuya Gi's car so I'm pretty sure that he'll sit at the back—

"Let's go?" tanong ni Kuya Gi matapos umupo... sa backseat. Si River ay naupo sa driver's seat.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon