Chapter 8

2.5K 118 49
                                    

Chapter 8
Thanks

"Bilis naman!" sigaw ni Kuya Luigi mula sa labas ng bahay.

Kanina pa kaming mga babae nakasakay sa loob nitong sasakyan at talaga namang napakatatagal ng mga lalake. Nakailang sigaw na yata si Kuya Gi dahil mga nag aayos pa sila sa loob.

"Grabe, may bagong endorsement na naman pala si River," ngumiwi si Ate Mira habang abala siya sa kaniyang cellphone. Si Shawntell naman ay nakipikit lang sa isang tabi dahil masakit na naman ng ulo.

Palagi naman.

"Anong product?" tanong ni Kuya Gi na nakasilip sa bintana. Nakatayo siya mula sa labas ng van.

"Hindi pa raw sure kung ano pero ang sabi sa rumor, clothing brand daw," Ate Mira shrugged.

Ako naman ay nanatiling tahimik at nakasilip lang sa bintana habang tinatanaw sila Kuya Eren na nasa balcony ng bahay at humihirit pa ng tiktok.

Napailing ako roon at sa iba na lang tumingin dahil nakakasawa na ang mga ginagawa nilang steps na paulit ulit na inilalagay sa iba't ibang kanta. Hindi ko makuha na mas gusto sila ng girls na makita na nakahubad at gumigiling kaysa nag aaral nang matino.

Ilang minuto pa kaming naghintay bago kami umalis nang tuluyan, kaya naman nang makarating kami sa church ay nagsisimula na ang praise and worship. Punong puno na rin ng tao sa loob.

"M, dito!" tawag sa akin ni Kuya Gi na kaagad dinaluhan ng usher team ng simbahan.

Umiling ako at ngumiti na lang dahil ayaw kong makipagsiksikan pa sa mga tao gayong may upuan pa naman na bakante rito sa likod. I mean, pinakang likod, pinakang sulok. Ang pwesto kung saan walang naupo dahil masyadong malayo sa ibang tao.

I don't have a choice.

Nilingon ko ang pwesto nila Kuya at nakitang nakaayos na silang lahat doon at mga tahimik na habang sumasabay sa awitin. Nakita ko rin si Attila at Raciela. Nasa may bandang unahan sila. May upuan pa roon pero nakakahiya na kung lalakad pa ako sa gitna at pupunta roon. Masyadong agaw atensyon.

Nanatili akong nakatayo at pasimpleng sumasabay na sa mga awitin. Natapos ang praise and woship ay pasado alas diyes na. Nakakapawis iyon pero masayang masaya sa pakiramdam.

"Makakaupo na po ang lahat," usal ng emcee para sa linggong ito, kaya naman naupo na ako. Saktong may nagmamadaling naupo sa aking tabi.

"Paupo sa tabi mo, ha? Hindi naman tayo kita rito, e," gulat na gulat ako nang mapansin na si River ang tumabi sa akin. "Kasama ko kasi si As pero iniwan ako at pumwesto roon sa tabi ng ama," he added. Sa unahan siya nakabaling.

He licked his lower lip at inalis ang suot na sumbrero. Gulat na gulat ako nang makita na... nagpagupit na siya. Hindi na ito ganoon kahaba pero undercut pa rin naman.

Umiwas ako ng tingin nang lingunin niya ako.

He chuckled. "Ano, bagay ba? Sinunod ko utos mo. Magaan sa ulo," he said.

Nilingon ko siya at nakitang nakatingin na uli siya sa unahan at inaayos ang kaniyang buhok.

"Better," mahina kong usal. "Para iba naman ang buhok mo sa new endorsement mo," I added.

Nanlaki ang mata niya at bahagyang napanganga. Binalingan niya ulit ako at ngumiti siya.

"You knew my new endorsement!" he exclaimed. Medyo napalakas iyon kaya mabilis ko siyang sinenyasan. Natawa siya at makulit na tinakpan ang bibig. "Well, ang tapos pa ng kontrata ng buhok ko na mahaba ay next year pa pero pinaputol ko na—"

"Contract ng buhok? What?" gulat kong tanong.

Namangha siya sa bahagya kong sigaw. I gulped and looked at the stage again. Pinilit na magpokus doon.

A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon