Chapter 13
Win"You like architecture that much, ano?"
Humikab si River habang nasa tabi ko siya at nakapangalumbaba na isa-isang tinitignan ang mga designs na nagawa ko.
Mula sa pagiging abala sa laptop ay nilingon ko si River at tinanguhan.
"Since I was a little," I replied. Muli akong bumalik sa ginagawa.
Narito kami sa library ng Saint Avenue. Kami lang yata ang tao dahil wala na nga talaga halos napunta rito para mano-manong mangalap ng impormasyon. Malapit na rin ang end ng school year.
I'm doing a research for our group thesis this school year. Malapit naman nang matapos ito at inaayos na lang. Sana lang ay huwag na kaming pag-ulitin pa. Malapit na rin ang bakasyon at kailangang pumasa kami sa defense.
Si Troye ay parating pa lang. Ang alam ko kasi ay inihatid pa niya ang bago niyang nililigawan. Talagang hindi na niya sinubukan pa iyong una dahil naapakan daw ang ego niya.
"Sa Stanford ka kukuha ng entrance exam?" tanong ulit ni River habang nakatitig na sa akin at pinaglalaruan na ang aking buhok. "Good luck, then. Babalikan mo ako kapag architect ka na, ha?" marahan pa niyang sabi kaya napangiti ako at tumango na lang.
Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Si River naman ay itinuloy na rin ang pagbabasa ng kaniyang notes dahil may quiz daw sila bukas.
Mauuna siya sa quiz kaysa mga kaklase niya dahil hindi na siya makakapasok sa myerkules. Last game na ng finals iyon kaya naman excuse na silang mga players maghapon.
Malapit na siyang makapatapos sa pag-aaral. Ang dami na niyang achievement sa buhay kahit ang bata pa niya, kung tutuusin. He's from a well-known family na, obviously, ay hinahayaan siya na gawin ang mga gusto n'ya.
"Margarita. The older it gets, the tastier it becomes."
Iyan na naman siya sa phrase na iyan. Simula noong nagsabi siyang manliligaw na siya ay palagi na niyang basta-bastang binabanggit iyan. Hindi ko alam kung bakit.
Nangunot ang noo ko at saka ako pumangalumbaba. Nilingon ko siya.
"Kapag sinagot kita ay hindi mo na itutuloy ang kontrata mo sa company na pinagtatrabahuhan mo?" bigla kong tanong.
Natigilan siya at inalis sa notebook niya ang kaniyang mata at saka niya ako binalingan.
"Hindi sa inyo iyon, 'di ba? Pwede kang idemanda?" tanong ko ulit. "And you love modeling, right?" sunod ko pang tanong.
Nagtataka na niya akong nilingon ngayon.
"I love my work si much, Margarita," may diin niyang sabi na tinanguhan ko. "I don't get you. What is it?" he licked his lower lip. Pinakatitigab niya ako.
Ang braso niya ngayon ay nakapatong na sa aking sandalan. Para akong hindi mapakali bigla.
Napabuntong hininga ako at nilingon ang sapatos naming dalawa na magkagaya. Magkatikit ang nga dulo noon.
"That's your dream modeling company, right?"
"Yes, Maria," naiinip na niyang sabi.
I nodded. "Then, I won't make you my boyfriend as long as your contract with your dream company isn't done—"
"I told you, I can quit it," putol niya sa akin.
I pouted. I shook my head. "No. You won't quit your dreams just to have me. I won't accept that."
"But, how about our relationship —"
"Love can wait, River. If that's love, you'll wait till it's the perfect time. If you have to push it, then no, it's not love at all," bumaling na uli ako sa aking ginagawa. "You finish your contract, I'll wait. We'll both wait 'cause that's worth it, after all."
BINABASA MO ANG
A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)
Teen Fiction5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's friends with some but closer to her cousins, brothers, and sisters. She's a bit of antisocial and afraid of the world but a pageant monster at th...