Chapter 5
TiktokTahimik akong naupo sa harapan ng aking tukador at pinakatitigan ang kwintas na bigay ni River. Ikinabit ko ito sa akin at talaga namang sobrang nakakamangha.
Katatapos lang ng party at ang mga pinsan ko ay mga pagod na pagod nang nagkanya-kanyang higa sa sala. Hindi na ako nakisali pa dahil pagod na rin naman ako matapos ang makipagbatian sa ilang bisita.
"Gago talaga si River."
Gulat na gulat ako nang pumasok si Kuya Reego sa aking kwarto at dumeretso ng higa sa aking kama. Mabilis ko namang itinago sa loob ng aking blouse ang kwintas.
Nilingon ko si Kuya Reego na ngayon ay nakapikit habang yakap ang aking unan. Halatang lasing.
"Pumunta ng saglit dito, 'di ba?" masungit niya akong nilingon. Mabilis akong umiwas ng tingin.
"H-hindi—"
"Don't fool me. Alam ko ang mga galawan ni River," Kuya shook his head. Tumango na lang ako. "I get it. He's gentleman and a girl would ever dream of. But, please, learn to guard your heart. You are young and still fragile."
"River's like you. He's a goal-orriented man that's why he never take a serious relationship. He's plain stupid!"
Hindi ko alam kung bakit nasabi ni Kuya Reego ang lahat ng iyon pero isinaksak ko sa isipan lahat ng mga salita niya.
The situation may not be like that as of this moment but at least I'm ready.
And...
This necklace is his third gift, to be honest.
Hindi ko mawari kung bakit sa bawat birthday ko ay may regalo siya sa akin. Walang sinasabi pero basta ko na lang nakikita ang pangalan niya sa mga regalo na binubuksan ko.
Ngayon lang siya nag abot ng personal kaya nagulat din talaga ako. Ang una niyang regalo ay pair of plain black earrings. Unisex. Noong 14th birthday ko iyon. Last year naman ay purselas. That's a round metalic silver bracelet. At ngayon ay itong kwintas.
I gulped.
I hope this ends already. It's creeping me out.
He's five years older than me. Ayaw kong mag mukhang batang musmos na iniwan ng magulang kapag nagkataon.
He's River. He's not just River.
He's a known man with so much accomplishments already at the age of... twenty-one.
"Dito, T! Huwag d'yan!"
Frustrated kong itinuro kay Troye ang divider na nasa may sala. Naglilipat na ako ngayon dahil senior high school na ako. Required na kaming manatili sa dorm habang dito kami nag aaral. Lahat naman ng saint students ay ganoon. Pwede ka namang umuwi kapag weekends, huwag lang weekdays.
They've provided this rule para hindi na kung saan pa magpunta ang mga estudyante at makapag pokus lang sa pag aaral. Kumpleto naman kasi sa facilities ang bawat campuses. Pwede namang gumala o lumabas ng dorm at campus kahit weekdays basta ay nakauwi na dapat before curfew hours.
I'm now seventeen at nararamdaman ko na kahit papaano ang kalayaan sa kamay ng aking mga kapamilya.
"Oo, Madam, sandali ha! Sandali!" inirapan ako ni Troye kaya natawa ako. Si Ate Mira na abala sa laptop ay napangisi na sa amin ni Troye na kanina pa nagkakagulo.
Hindi ko mawari kung bakit kami inaasar ni Ate at ni Shawntell.
Bukas pa raw lilipat ang isang ito dahil tutulungan daw muna niya ako sa aking mga gamit. I'm glad.
BINABASA MO ANG
A Subtle Art of not Falling Apart (Saint Series #5)
Novela Juvenil5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's friends with some but closer to her cousins, brothers, and sisters. She's a bit of antisocial and afraid of the world but a pageant monster at th...