Prologue

60 7 8
                                    

I felt like I was born in the wrong world.

Hindi ko alam kung may sira ba talaga ako sa isip katulad ng sinasabi nila pero sa tingin ko hindi talaga ako nababagay dito. Masyado akong malas para sa lugar na ito. Ill-fated enough to only have a few people trust me.

Napatingin ako sa litrato na nakalagay sa mesa ko. Litrato namin ng mga magulang ko at ang isa naman ay ng bestfriend kong si Emily. We've been friends since I can remember.

She's a little bit bully pero siya lang nakakatiis sa kamalasan ng buhay ko. Siya rin lang ang may alam ng kung ano man itong bagay na pilit kong itinatago at pilit na isinasawalang bahala. This ability or magic that only me in this world have.

Kinabukasan ay muntikan na naman akong malate sa klase matapos kong madapa sa front gate. Great. Unang araw ng klase kamalasan agad ang bumungad sa'kin.

Kumaway ako kay Emily na nakita kong nakaupo sa pinakalikurang bahagi ng classroom. Tatabi na sana ako nang bigla niya akong sinamaan ng tingin at lumipat sa upuan kung saan katabi niya ang pinaka bully ng klase namin. Mas bully pa sa kaniya.

May mali ba akong nagawa?

Uwian na namin nang napagdesisyonan ko siyang kausapin pero naudlot ulit ito nang kinausap ako bigla ni Akihiro, ang dati niyang boyfriend.

"Eira, pwede ba kitang ayain kumain sa labas?"

Ano ba itong pinaggagawa niya?!

Kamakailan lang sila naghiwalay ni Emily! Hindi dapat ako ang kausap niya. I don't even like him. Never in my mind struck that someone would like and ill-fated like me.

Bad timing rin at ang eksenang ito ang siyang nakita ni Emily nang dumaan siya sa harapan namin.

"Wait! Emily!"

Sinubukan ko siyang habulin pero dahil medyo la-lampa lampa ako ay napasubsub ulit ako sa gate. Kung hindi rin ako natumba tatamaan naman ako ng kable ng kuryenteng biglang naputol.

Blessing in disguise ganun?

"Living disaster talaga si Eira ano? Buti natitiis ni Emily?"

Oo na, ako na minamalas.

Hindi ko na naabutan si Emily kung kaya't dumiretso na ako sa bahay. Nakita ko pa si mommy na nagluluto ng cake sa kusina. She loves baking cake or basically she loves cooking anything. She loves being in the kitchen.

"My, naniniwala ka ba sa magic?" Umupo ako sa stool sa harapan ng countertop namin. Close kami ni mommy pero pag usapang kaweirduhan ko na talaga napapataas siya ng kilay. Katulad ngayon.

"Eira, anak mag di-disinuwebe ka na magic magic pa rin ang na sa utak mo...speaking of disinuwebe, sa makalawa na ang birthday mo. Anong plano?"

"Sa a—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang nag ingay ang phone ko. Hindi ko nga pala ito na i-silent.

"Eira?"

"Emily!"

"Pwede ka bang pumunta sa favourite place natin bukas ng umaga? May sasabihin ako sa'yo."

Ang favourite place namin ay nasa tuktok ng isang talon. Sa gubat na malapit sa bahay nila. Naligaw kaming dalawa noon, siyam na taon ng nakararaan kung kaya't nadiscover namin ang napaka gandang talon na iyon.

Hindi ko na nga lang maalala kung paano kami nakabalik, neither Emily remembered.

Sa lugar rin na iyon nasabi kong hindi ako bagay sa mundong ito.

"Emily!" Kumaway ako kay Emily na nakatayo sa isang puno hindi kalayuan sa talon. Tanaw ko na rin ang napakalawak na lawa sa ibaba na puno ng buhay at kulay.

Everything here calms me. Mga huni ng ibon, malakas na agos ng tubig at iba pang aspeto ng kalikasan. Ang ganda pa ng panahon ngayon dahil maaraw ngunit malamig ang hangin dahil sa anyong tubig at gubat na malapit dito.

"Eira." She faintly smiled at me and offered me a drink na agad ko ring ininom. Still the same old Emily. She loves handing out foods or drinks to anyone if ayaw na niya. She turned her gaze to the lake below. "I had to make this quick."

Ang ano?

Agad niya akong hinila patungo sa pinakagilid ng talon.

Hindi ako makapalag. Hindi hamak na mas matangkad at mas malakas siya sa akin. Medyo payat ako at hindi gaano katangkaran para makapiglas sa kaniya.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko sa likuran. Nakalimutan kong black belter nga pala siya sa taekwando.

"Emily, ano ba? Anong ginagawa mo?!" I snapped. "Mahuhulog tayo rito!"

"Oh, shut up Eira. Inagaw mo sa'kin ang boyfriend ko. You slut."

Ako? Wala nga akong pakialam sa mga lalaki tapos mang-aagaw pa ako? Hindi ko alam paano niya nasabi ang mga salitang iyon. Bestfriend niya ako! She should believe me! She knows me well...better than I know myself.

"Rumours? Again? Emily, alam mong wala akong interest sa mga lalaki. Kaya umatras ka na at baka madisgrasya pa tayo rito."

"Maniniwala na sana ako pero nakita ng mga mata ko mismo, Eira!" Sinipa niya ang mga binti ko kung kaya't napaupo ako sa mabatong lupa na tinatapakan namin. I didn't know she can be this brutal! Alam kong bully siya at hindi naman ako sumasama sa pambubully niya kung kaya't wala akong halos alam. So this is the bully Emily everyone knows. This is the first time in a decade.

"Alam mo bang kinaibigan lang kita dahil sa yaman ninyo?"

Damn! I shoud've known it! Kaya pala ako ang laging bumubili ng mga gamit niyang mamahalin. I didn't mind it before. Kaibigan ko siya. She's the only person who accepts me and my weirdness so I thought she deserved the luxury I could offer.

"Now, use it. This is the only place you could use it right?"

Naiyukom ko ang mga kamaong naitukod ko sa lupa. All this years I was betrayed.

Unti-unting nagyeyelo ang lupang tinatapakan ko hanggang sa harapan ni Emily. Napatingin siya sa akin at ngumiti.

"It's the border, Eira. Hindi lumalagpas sa linyang ito ang kaweirduhan mo." She grinned, a devilish one. One that I've never seen before. This is Emily the bully, one I never saw and met before.

Napahawak ako sa tiyan ko. Something's going on in my stomach.

"Nga pala I put something in your drink. So I guess it made me do less work."

Napapilipit ako sa sakit ng tiyan ko kung kaya't napahiga nalang ako sa nagyeyelong lupa na nagawa ko. It was cold. Hindi ko alam kung ang katawan ko ba ang dahilan kung bakit ako nanlalamig o ang nagyeyelong bato na hinihigaan ko?

I barely opened my eyes but I saw her moving towards me. With all my force I shouted.

"You're insane!"

"I prefer creative."

Agad niya akong itinulak patungo sa nagyeyelong talon. Mabilis akong nadulas patungo roon at nawawalan na ako ng lakas para kumapit o gumawa ng paraan para hindi mahulog dito.

It's ice! Kapag mahulog ako doon malamang katapusan ko na!

Sinubukan kong gumawa ng barrier para hindi ako dumiretso roon pero sinong niloloko ko?! I can only freeze things and can't build ice itself!

Kahit ano pang gawin ko mahuhulog at mahuhulog talaga ako sa nagyeyelong talon! Sinubukan ko ulit pero mga fragments lang ang lumalabas and I can't focus well dahil masakit ang tiyan at mga tuhod ko.

I closed my eyes and waited for me to fall down.

Tama nga ako. Hindi ako nababagay sa mundong ito. Everyone was cruel and fake. Walang naniniwala sa'kin. May naniwala nga pero isa siyang traydor. Isang traydor na kaibigan. Everything about me is weird. Isa akong living disaster kaya siguro dapat lang itong mangyari sa'kin.

I'm bound to dissappear.

Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon