11 Escape to Melian

12 4 3
                                    


First and foremost, hindi ko alam kung bakit ako ngayon ang habol ng habol kay Vail habang pabalik kami sa ballroom. He was cursing kung kaya't nasa balikat ko ngayon si Sedna na takot na takot sa kaniya. Vail asked her to find me kaya kasama namin ngayon ang fairy.

Sa loob ng palasyo kami nagtungo at hindi sa main entrance ng ballroom. Sigurado akong kapag doon kami pumasok ay agaw atensyon itong si Vail. Mabuti nang sa loob na mismo kami ng palasyo dumaan.

"Binibini, ang ginoo'y kanina pa naaakit. Sa ganda mo siya'y nagagalit," mahinang bulong ni Sedna sa may tainga ko ngunit sa tahimik ng daan na tinatahak namin ay narinig ito ni Vail.

"Shut up, Sedna. You're making up lies."

Agad na sumiksik sa buhok ko si Sedna dahil sa takot sa mapagbantang boses ni Vail. Kahit ako naman matatakot sa asta niya ngayon.

Pagkarating namin sa ballroom, ay bumungad agad sa akin ang nakakunot noong si Cordelia. Agad niya akong kinausap na parang isinasalang ako sa isang interview. It turns out may naramdaman sina Sedna at Noden na kakaiba sa isang taong namarkahan nila. Bigla-bigla kasi itong nawawala sa presensya nila at bigla-bigla nalang na babalik.

Hinala nila may espiyang nakapasok sa palasyo. Akala nila ay nakuha na ako ng kung sino mang espiya na iyon.

"Saan ka ba kasi galing?" tanong ni Cordelia na siyang nagpatahimik sa'kin. Sasabihin ko bang may nakilala akong lalaking katulad ng kapangyarihan ko?

"Did you made that flower?" dagdag pa na tanong ni Aiden.

Ano na naman bang isasagot ko?!

"Yeah. I found her wandering around making that flower." Napatingala ako sa sinabi ni Vail. Did he just lie? Tumingin siya sa'kin at mas lalo akong nagulat sa nakita ko.

He looked confused. Tinitigan niya ako na para bang may gusto siyang malaman mula sa'kin. Umiwas agad ako ng tingin at hinayaan na lang siyang magpaliwanag sa kanila.

~~~~~~~~~~\~~~~

Dalawang linggo ang nakalipas at balik training ulit ako. Sa kabutihang palad naman ay minsan ko na lang nakikita si Vail. Ang kasama ko lagi sa ensayo ay si Sheldon at kung minsan naman si Aiden. Si Cordelia bumalik na sa academy para sa edukasyon niya. How I wish I could attend school.

Alam ko namang hindi iyon pwede sa akin dahil hanggat maaari ay dapat walang makaalam sa kakayahan ko. I don't know how long could we even hide my elemental ability.

"Eira!"

Agad akong nakagawa ng barrier mula sa ice nang muntik ng tumama ang dagger na itinira ni Aiden sa'kin. This is isn't the right time to be at dazed! Ano ba Eira!

Mula sa repleksyon ng ice na gawa ko, nakita ko si Aiden na patakbong lumapit sa'kin. Naman Eira! Muntikan ka na naman! Tinunaw ni Aiden ang yelong ginawa ko gamit ng apoy niya. Hinawakan niya ang braso ko at tinulungan akong tumayo. Hindi ko napansin na napaupo na pala ako dahil sa kaba.

"Ayos ka lang? Ba't bigla ka nalang nakatulala kanina?"

"Sorry."

"Maybe we should take a break."

I think so too. Pakiramdam ko mawawala na naman ako sa focus kapag nagpatuloy kami sa training. Maybe I'm just tired.

Sabay kaming naglakad palabas ng training room. Hindi masyadong maliwanag sa hagdanan patungo sa ground floor ng palasyo, kung kaya't wala ako ideya kung anong oras na. My basis of time while training would come from the schedule of food deliveries during my training.

Pagkarating sa ground floor ay bumungad agad sa akin ang kulay berdeng kagubatan na nasa likuran ng palasyo. Kitang-kita ko ito dahil sa naglalakihang bintana ng palasyo. Mukhang tanghali pa pala.

Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon