06 Enchanted Forest

14 4 8
                                    


Kinabukasan maaga kaming nagtungo sa nayon ng Silas kung saan naroroon ang gubat. The same forest where I was found.

Nagulat pa ako nang makitang itim na ang mahabang buhok ni Lia. Mabuti nalang at may taga palasyo na may kakayahang makapagbago ng kulay. We need to blend well to the surroundings as possible kaya siguro itim na ang buhok niya.

Tall tress, cold breeze. Everything around the forest feels so relaxing at the same time threatening.

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko na ang agos ng tubig hindi kalayuan. "Ano bang hahanapin natin?"

"We're hunting foxes." Inabot sa'kin ni Vail ang pana at mga palaso ko. "You need to train."

Could I just tell them I don't know what I'm training for? I know that we'll be going to Isla Agoza to defeat this so-called 'conqueror' before they could step foot to the other islands, then what? Kung paniniwalaan ko ang sinasabi ng prinsipe at ni Mirai. My mom's on that island and is probably still alive at ako...ako ang susi kung mababawi namin ang isla na iyon o hindi.

But why? I don't want to be the damsel in distress na kailangang iligtas from time to time sa kadahilanang ako ang susi sa isang misyon. Why am I even the key kung hindi ko man lang mailigtas ang sarili ko?

Isang mahinang tapik ang naramdaman ko sa ulo ko at napagtantong ang palaso ito ni Vail. Sa ayaw at sa gusto namin kailangan niya akong turuan gumamit nito. He's the expert.

Nakarating kami sa pinanggalingan ng malakas na agos ng tubig na kanina ko pa naririnig. Agad na tumakbo patungo sa tubig si Lia at naglaro nito. When I say laro, it's forming, molding shapes out of water that I can't help but to be mesmerized.

"Ano ba?" Napaangat ako ng tingin kay Vail. "Gusto mo bang matuto o hindi?"

Hindi na ako umimik pa. Napapagod na akong makipagtalo sa mainit niyang ulo.

He teaching me from stance to the position of bow. Ngayon ko lang napagtanto na mahirap pala. Hindi ko na nga napansin sina Aiden at Sheldon na abala na kakatakbo sa gubat. I guess they already found some foxes.

"Too tight..." Tinapik ni Vail ang kamay kong nakahawak sa pana. "...relax."

"Sandali nga lang."

"Ano ba? Ayusin mo nga yang trabaho mo. Paghawak lang ng pana ang bagal pa."

"Pasensya naman first time eh." Sarkastiko kong tugon sa kaniya.

"I won't give a damn if you die first."

Bigla na lamang sumulpot ang nakabusangot na si Cordelia. "Aiden burnt the fox!" Agad na nagkaroon ng malakas na alon sa lawa na kaharap namin. "Nakakainis!"

Agad akong lumayo kay Vail nang lumapit sa kaniya si Lia at sa kaniya nagreklamo.

Sinubukan kong magpractice mag isa at ang pinakamalapit na puno ang ginawa kong target. Ilang beses na akong sumubok na makatama pero hanggang sa kintatatayuan ko lang talaga ang palaso. Kainis! Bakit ayaw umalis sa kamay ko?

Sinubukan ko ulit. Hinila ko ang string ng pana habang nakakunot noo. Masyado akong focus kung kaya't nagulat ako nang mapansin ang presensya ni Aiden sa tabi ko. Hindi ko sinasadyang mapalingon at mabatiwan ang palaso.

Nakarinig ako nang ungol at napansin na nakatama pala ako.

I should be happy dahil sa wakas umalis na rin sa kamay ko ang palaso. Pero si Vail...si Vail ang natamaan ko.

"Oh my gosh! Vail!" Nagmamadaling hinawakan ni Lia ang braso ni Vail kung saan ko siya nadaplisan. "May sugat ka!"

"Hindi ba obvious?" Vail answered sarcastically. Lumingon siya sa'kin na nakakunot noo. "I don't know if I should be proud of you or what?"

Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon