Nagising ako dahil sa ihip ng malamig na hangin na tumama sa mga paa ko. I didn't realise na nakatulog na pala ako. Another thing that surprises me was the fact that I'm on Vail's back! What the—paano nangyari 'to?!
"Huwag kang gumalaw. Hindi ko pa nalalagyan ng healing herbs ang naging pasa mo sa likuran."
His voice was monotonous. Hindi ito katulad ng dati na tila laging galit kapag ako ang kausap. Well he's always not good at communicating so I'm quite surprised with his actions now. Lalong-lalo na't may nangyari kanina. He literally just broke down in front of me.
Inilibot ko ang mga mata ko sa kasalukuyang nilalakaran namin ni Vail. It's turning dark again at hanggang ngayon hindi pa namin nakikita ang tatlo pa naming kasamahan. Where are they? Sana naman walang nangyaring masama sa kanila. This forest is dangerous especially to those who had bad memories. Those memories can become their nightmares.
Sumilip ako mula sa likuran ni Vail at napansin ko ang bagay na nakalutang sa harapan namin. It was our bags. Vail used his ability just to float our bags. Kung sana naman ay ganiyan na ang ginawa niya kanina.
"Pwede mo na akong ibaba."
It's awkward being carried around like I'm his sort of a backpack. This just reminds me of the illusions of his past...our past perhaps.
"Sabing may pasa ka sa likuran. Mamaya na. As soon as we find the others." Lumutang ang mapang dala-dala niya kanina at bumukas ito sa harapan niya. He's looking the map while walking and carrying me on his back. "I know they're here somewhere. Kailangan natin silang makita bago tayo magpahinga."
Talk about multitasking.
"Mas madali kang makakakilos kapag ibinaba mo ako."
Tumigil siya sa paglalakad kung kaya't bahagya akong gumalaw.
"Suit yourself then." Dahan-dahan niya akong ibinaba bago tuluyang naglakad ulit. I thought I would do just fine. Maayos naman akong nakakalakad pero halos minu-minuto akong napapahawak sa tagiliran. My back's aching as well. Vail didn't notice it. Nakasunod lang din naman kasi ako sa kaniya.
Abala ako sa paglinga-linga at nagbabakasakaling makita sina Cordelia nang biglang tumigil si Vail at lumingon sa akin.
"Gaano ba talaga katigas 'yang ulo mo?"
"Ano na naman ba ha? I'm not doing anything."
"Exactly. Wala kang magagawa kung mananatiling masakit ang likuran mo." Lumutang ang bag sa harapan niya at may kinalkal siya rito. Nakita ko ang pamilyar na supot ng healing herbs at isang rolyo ng bandage na kaniyang inilabas. "This place should be safe enough to treat your wounds."
"Talikod."
"Huh?"
A gust of wind made me float towards him. Agad niya akong itinalikod sa kaniya habang nakalutang. I felt so light when I'm not on the ground. Kailangan pa bang gawin ito? These are just bruises that he caused me. Nakokonsensya ba siya?
"Lift your clothes—uh just around your stomach."
Hindi ako gumalaw nang dahil sa sinabi niya. Sino ba talaga sa amin ang nabagok ang katawan? He's here spouting words that I had bet he'd never say. Talaga bang gagamutin niya ang likuran ko? He'd rather give me shivers!
"Are you lifting? O ako na mismo ang hihila ng damit mo." His tone suddenly changes. "Who knows where my hands could go. So better lift that shirt yourself."
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa damit kong nakaangat hanggang sa ibaba ng dibdib ko. Alam kong sa panahon ngayon dapat nilalamig ang tiyan ko pero habang ginagamot ni Vail ang likuran ko, ang pakiramdam ng katawan ko ay mainit. My body's into something I hate.
BINABASA MO ANG
Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)
Fantasy"His hatred is something I could never change." - Eira ~~~~~~ Eira, was betrayed by her own bestfriend that leads to her so called 'death'. However, she woke up and finds out that she's an important subject-a missing piece for the Kingdom's glory or...