07 The Bet

19 4 1
                                    


Isang linggo na akong hindi nakakalabas ng palasyo at isang linggo na rin ang nakalipas nang magsimula akong mag ensayo para sa sarili ko. Kung maninitili ako sa lugar na ito at least I should learn how to defend myself.

"Kaasar!"

Ilang araw na ring masakit ang braso ko kakagamit ng pana. Nasa underground training room ako ngayon ng palasyo. I don't even remember my way here. Nagpahatid pa ako kay Lia kanina bago siya umalis. Her and the other guardians has businesses other than being just called guardians.

Cordelia's a senior student of Aqaven Academy, Sheldon's patroling the streets for unwanted crimes, Vail's no where to be found while Aiden's of course in the palace. He's the palace guard commander. Hindi naman ganoon kalayo ang edad namin pero nasa mataas na siyang position ng palasyo. I heard from the maids that he's really witty but sometimes socially awkward, in which they find attractive.

Seriously?

Binitawan ko na ng tuluyan ang mga palaso ko at napaupo nalang sa malamig na sahig. Nag echo sa lawak ng training room ang mga palasong binitawan ko. Kanina ko pa sinusubukang asintahin ang mga dummy na nasa dulo ng training room. Out of my twenty attempted shots halos apat lang ang umabot sa dummy at daplis pa talaga.

"How's training?"

Agad akong napalingon sa pinto at nakitang nakatayo na roon ang prinsipe at katabi nito si Vail na ang sama ng tingin sa mga dummies. He's here?

I was about to use my element though. Mabuti nalang hindi ko pa sinubukang magpalabas ng kakayahan ko. Vail would probably laugh at me —

"Hindi mabuti." Tumayo ako at pinagpagan ang suot kong damit. "Isang linggo pa naman, I'll get better."

"You should be."

I secretly rolled my eyes and mumbled. "I'll be better than you. You asshole."

I didn't realise na napalakas pala ako ng sabi.

Nanlaki ang mata ko nang maalala na nandito nga pala ang prinsipe. Napailing siya sa sinabi ko at ibinaling ang tingin kay Vail na prenteng nakasandal sa pader. Ang sarap niyang ingudngud sa pader.

"Vail."

"What?" Iritadong sagot ni Vail. Why is he even always irritated when I'm around?

"Vail." This time, mas naging strikto at maotoridad na ang pagtawag ni Prinsipe Fabian sa pangalan nito na siyang nagpatahimik sa kaniya. "Train her."

Nakipagtitigan pa ito sa prinsipe bago tuluyang bumuntong hininga't naglakad papalapit sa kinatatayuan ko at pinulot ang pana't palaso na nasa sahig. Mabilis siyang pumustura para tirahin ang dummy.

He swiftly and gracefully move his hands close to his body while pulling the bow's string. His fingers flickered while he's seriously looking to his target.

Ramdam kong gustong-gusto niya ang ginagawa niya. The way he grinned to his target, it wasn't being boastful. He just love what he was doing. He was proud and confident.

Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kaniya. He just looked so elegant. Ngayon ko pa siya nakitang tumira ng maayos.

"You're mesmerized, Eira."

Napatingin ako sa prinsipe na siyang nagsalita. Napataas ako ng kilay. "Him? No, I'm not." Umiling-iling pa ako bago ako nagsalita ulit. He's delusional. "I'll be better practicing alone. Thanks."

"You're mesmerized by his skills Eira, hindi siya." Prince Fabian said teasingly before he want back to being serious. "I understand that you hate him but he's best at archery. He could teach you pretty quickly."

Lumapit siya sa'kin at tinapik ako sa balikat. "I'll tell you everything soon. Just bare with it for a little while, okay?"

"Okay?" I don't even know what is he expecting me to understand in the future. Kaunti na lang at pakiramdam ko mababaliw na ako sa mundong ito lalong lalo na't may taong katulad ni Vail.

Tinitigan ko lang ang likuran ng prinsipe matapos nitong magpaalam sa amin. May mga kailangan pa siyang gawin bago ang coronation niya bilang hari.

Saka ko pa lamang naalala. Nasaan ang hari at reyna? Kung kokoronahan si Prince Fabian na hari does that mean the king and queen's no longer with us? I almost forgot that not even once did I meet them. Yet, I assume they're still here. Are they?q

Magtatanong pa sana ako kay Vail pero ang sama na ng titig niya sa akin na para bang kinamumuhian niya talaga ako. I want to ask him why pero alam kong impossible na makatanggap ako ng matinong sagot sa kaniya.

"Rest your fingers here. Stand here..."

Rinding-rindi na ako sa pagtuturo ni Vail sa'kin but I have no choice. Prince Fabian was right Vail was good—scratch that, I mean he's probably the best archer one could ever meet. Sa isang dummy na pinapana niya, lahat tumama...in the same exact spot!

"Sandali."

Napasandal ako sa pader at iniinat-inat ang mga braso kong kaninang umaga pa nangangalay. Hindi ko na napansin ang oras. Kanina pa malamig ang pagkain na dinala para sa amin. Masyadong seryoso si Vail magturo kung kaya't hindi nakapagtataka na mas may matutunan nga ako mula sa kaniya.

"Eira." He looked at me with a displeased look. "So you're better than me now?" He uttered mockingly.

"I don't care." Napaupo ako sa sahig dahil biglang nanghina ang mga paa ko. I saw him flinched but he just wavered.

"Whatever." Binaba niya ang hawak na pana sa mesa na nasa tabi ko at agad na nagtungo sa pinto. "Tapos na ako sa'yo."

"Edi tapos," pagmamaktol ko na sana hindi niya narinig. Napainat ako at hindi ko sinasadyang may lumabas sa kamay ko. Should I be thankful na tumama ito sa kamay ni Vail na pipihitin na sana ang doorknob ng pinto?

"Anong problema mo?"

That scary tone. It's not good.

"Hindi...hindi ko sinasad—Sandali!" Mabilis akong napagulong nang makitang may palasong pabulosok sa kinaroroonan ko. Mga palasong mula sa dummy na tinamaan niya! Since when did he managed to pull them?!

Nakita kong nahulog na ang mga ito sa gilid ng pader na kanina lang ay sinasandalan ko. Tumayo ako at padabog na humarap sa direksiyon niya. "Are you trying to kill me?!"

"Am I?"

"Hindi ba halata?!"

Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang nagsilutangan ulit ang mga palaso.

"Tigilan mo ako Vail." Unti-unti kong tinatanaw ang mesa hindi kalayuan sa akin. "Hindi na magandang biro 'to."

He just smirked. "Hindi ako nagbibiro. Aalis lang ako kapag nasugatan mo ako."

"Edi wag kang umalis!" Mabilis akong nakaatras mula sa palasong patungo sa akin. At the same time mabilis rin akong natapilok. Masakit, pero kailangan kong tumayo ulit. "Anong gusto mo?!"

"The one who could injure someone first wins."

Akala ko ba tapos na siya sa akin? But here he is, wasting time on me.

"I can't!"

"Why?" His voice soften—or so I thought.

"Bobo ka ba?!" I can't help but to shout at him. Agad rin akong napatigil nang umikot na sa direksyon ko ang mga palaso niya. "Mas...mas magaling ka. Siguradong matatamaan mo ako," mahina kong sambit.

Napakunot noo ako nang makitang gumuhit siya ng bilog sa kinatatayuan niya. A meter in diameter, probably.

"Hindi ako aalis sa bilog na ito. So show me what you can do."

Why do I have this feeling that he is enjoying every inch of this scenario? It's nowhere visible in his expressions but a girl's gut feeling will always be right.

Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon