23 Chase to Agoza

10 3 5
                                    




Halos limang araw na kami sa gubat at kapansin-pansin talaga ang pagbabago ng lahat matapos nilang malakabas sa kani-kanilang ilusyon. Tanging si Aiden lang ang umaaktong normal...o normal ba talaga ang magpasaring kay Vail?

"Aid—"

"Eira."

Katabi ko si Lia at sa katapat kong puno naman ay si Aiden at Sheldon. Si Vail ay nakasandal sa puno hindi kalayuan sa amin at nakahalukipkip. Napabuntong hininga ako at agad na tumayo mula sa kinauupuan ko mula sa ilalim ng puno. Lumapit ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Hindi ko alam kung ano na naman ang sadya nito. Kagigising ko lang at mukhang kasabay kong gumising si Aiden habang si Vail mukhang kanina pa wala sa mood. Sina Sheldon at Cordelia ang himbing ng mga tulog.

"What do you think of Aiden?"

Napakunot noo ako sa bungad na tanong ni Vail. Anong kinalaman na naman ni Aiden dito?

"Anong kinalaman na naman ni Aiden dito? Pwede ba Vail? Ilabas mo nalang kami sa gubat na to'?"

He sighed. Akala ko may isasatsat na naman siya sa'kin pero wala akong narinig na reklamo. This past few days sinasadya ko talaga minsan na siya'y barahin o di' kaya ay pagsasagutin sa hindi ka aya-ayang tono. Back then at the kingdom we always bicker when I'm starting to act like this but this days he was so patient.

Kung may tao man siyang kinaiinitan ng ulo ngayon ay masasabi kong si Aiden ang taong iyon. He's been glaring at him and for some odd reason and Aiden didn't even waver. I would even catch him smirking at Vail. May nangyari ba noong araw na silang dalawa lang ang magkasama?

"Sure thing." Kinuha niya ang backpack na dala ko na nasa tabi ni Cordelia. "Let's go. Everyone move. Mag-uumaga na. Hindi pa natin nahahanap ang katana ni Cordelia."

Tinatamad naman na tumayo sina Sheldon at Cordelia na parehong kagigising lang. Si Aiden naman ay tumayo at lumapit sa akin. He waved his hand in front of my face when he noticed I was staring at him.

"May problema?"

"Wala naman. I just find Vail weird this days."

Nagkibit-balikat siya at sinundan na ang lakad nina Vail. Pareho kaming dalawa na nasa hulihan. He secretly pointed Cordelia with his index finger while looking at me.

"I forgot to tell you this but Aero wished to see Lia using the katana."

"Oh...you mean this?"

Halos napapitlag ako sa boses na bigla naming narinig. Sabay-sabay kaming napatingin sa likuran namin at nakita namin si Anansi na hawak ang katana na siyang sadya namin. She wasn't wearing any disguise. Her white-blond ombre̒ hair flowing over her shoulders caught my attention. Seeing it on its full glory made me mesmerized by her beauty even more.

"Maganda nga magnanakaw naman. Ibalik mo sa akin ang katana ko!"

"Dear, why impatient?" Sunod-sunod na mga bolang gawa sa tubig ang nagsitungo sa direksyon ni Anansi na madali lang niyang naiiwasan. She even manage to talk again as if nothing happened. "Ang tagal ninyo ilang araw na akong naiinip."

I was right. She's been watching all along.

Napatitig ako sa kaniya at agad na iniangat ang mga kamay ko. I noticed her faint smile before Sheldon attempted to capture her by his vines. Aiden throws his bomb-like fire balls and even how quick he throws the balls she still manages to evade it.

"Ano? Tatayo nalang ba kayo diyan? Boring. Hulihin niyo kaya ako?"

She didn't attack us but instead she's taunting and dodging our attacks.

Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon