03 Planning

18 5 9
                                    


Today, was actually my nineteenth birthday. Wala namang may alam kung kaya't tumambay nalang ako sa terrace ng silid ko at dumungaw lamang sa ibaba kung saan nakakalat ang mga guwardiya. Everyone's seem to be alert kahit kahapon noong pumunta kami ni Cordelia sa bayan ng Melian at gumala sa nayon ng Koa at Silas, ang dami paring mga guwardiya.

Kahapon nag-ikot kami sa ilang lugar ni Lia. Nakita ko ang entrada ng gubat na nasa nayon ng Silas habang ang nayon ng Koa naman ay nasa unahan lang nito, kabilang dulo mula sa palasyo. Karamihan sa naninirahan ay mga guwardiya at mga tagapagbantay sa mga border ng Aqaven. Sa pagkakaalam ko tatlo ang isla ng Aqaven.

Ang isla na ito ay kung saan ang kaharian, dalawang nayon at isang bayan ang naninirahan. Sa kabilang isla malapit sa palasyo ay ang bayan ng Ibera at ang akademya. Taga Ibera si Lia kung kaya't kaninang umaga pa siya nakarating sa palasyo.

According to Lia, she was one of the elemental guardians. She's a year older than me.

Marami siyang sinabi sa'kin tungkol sa pagiging elemental guardians nila. She represents the element of water, Aiden was for fire, Sheldon for earth and Vail for air.

As she said that day I was the fifth element. The ice.

The elemental guardians are choosen by fate. Kahit ang angkan na karamihan ay mga special ability ang pinapanganak ay maaaring magkaanak ng isang elemental guardian.

May iba naman na kung tatawagin ay mga elemental users. Karamihan sa kanila ay nasa middle class ang pamumuhay at nasa mga bayan, though may iilan din namang nasa mga nayon. Ang pinagkaiba lang nila sa mga elemental guardians ay sa lawak ng magagawa ng kanilang kakayahan.

Lia can control waters, breath underwater, absorb water and can even make herself water. Her elemental ability has a wide range. Kung normal na water element user, isa lamang sa mga ito ang maaring gawin o tanging nagagawa.

So with that knowledge I know I'm just an elemental user. An ice elemental user who could only freeze things.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto kaya napabuntong hininga ako at lumapit para pagbuksan ito. Mukhang breakfast na ata and at the same time ay meeting ng apat na guardians at ng prinsipe.

Ang akward nang hinatid ako ng katulong sa napakahabang dining table kung saan kumpleto ng nakaupo ang lahat at mukhang ako nalang ang hinihintay. This is embarassing. I just made the guardians and the prince wait for me.

Nakaupo sa gitna ang prinsipe at nasa magkabilang gilid nito si Aiden at Lia. Katabi ni Aiden si Sheldon habang si Vail naman ang katabi ni Lia. I better sit beside Sheldon.

Iikot na sana ako sa kinauupuan nina Sheldon nang maramdaman ko na naman ang pamilyar na hangin na tumutulak sa akin patungo sa upuan na katabi ni Vail. Kay'sa magprotesta ako sa pinaggagagawa ni Vail sa harapan ng prinsipe ay umupo nalang ako ng matiwasay.

Vail's like my school's bully, kung kaya't isinawalang bahala ko nalang ang ginagawa niya. If he doesn't like me, then don't. I'm not born to please anyone who hates me, especially if the feeling is mutual.

Pagkatapos naming kumain ay tumikhim ang prinsipe bago bumaling ang tingin nito sa'kin.

"How's nineteenth?"

"Ayos lang...naman."

He knew? Magsasalita pa sana ako nang biglang may sinenyas siya sa butler. Nagtungo ito sa kusina at pagbalik nito ay may dala ng cake and my name was engraved.

"Wait—what? It's your birthday? Happy Birthday!" Lia greeted cheerfully as well as Aiden and Sheldon. Natural na hindi bumati ang masungit kong katabi.

"Aside for her birthday, I gathered you all here for clarification of plans." Naging seryoso ang mood ng lahat, especially Vail kahit kanina pa naman naka kunot ang noo niya. Mas lalo yata nitong nilukot nang marinig ang salitang plano.

"The attack will take place on Isla Agoza, six months from now."

Isla Agoza, I think that was the third island unknown to the people.

Aiden slightly raised his hand looking seriously to the prince. "Bakit sa anim na buwan pa? Why not now?"

"Whoever's leading the Isla Agoza seems to be lying low recently."

"Ain't that a perfect time to attack?"

Bumaling ang atensyon ko kay Sheldon. He's serious right now. The friendly reliable sheldon I met was gone. So this is Sheldon, work mode.

Lahat sila seryosong nakikinig habang ako naman ay palipat-lipat lang ng tingin sa kanila. Anong plano? Seriously? Bakit ba ako sinali sa meeting na ito? As if I'm really the fifth element.

"Excuse me. Kung magme-meeting kayo. Lalabas muna ako."

Tumayo na ako para lumabas. I guess they're too immersed into the 'plan' they were discussing. Paano nalang kung ispeya ako? They're talking as if I belong to that plan.

Bubuksan ko na sana ang pinto mula sa dining hall nang bigla itong bumukas. May nagbukas sa labas. Napaatras ako at bumungad sa akin ang babaeng sa tingin ko ay kaedad ko lamang.

She has short black hair barely even reaching her shoulders. Her very extra high leather brown boots reaching half of her legs just above her knee caught my attention. Her black bodysuit has shorts that's way too short for my liking. Her black leather cape covered half of her shoulder down to her waist.

This girl's a little too extra. Sino ba siya?

"What's up my prince and dear guardians!"

Her energetic voice echoed the whole dining hall. Hindi niya ako pinansin at dumiretso sa tabi ni Sheldon. She called a maid and asked for breakfast na para bang sanay na siya sa rito. Siguradong makikita ko pa siya kung kaya't aalis nalang muna ako. Surely, with her sitting on that table she's probably someone important to them.

"Hey birthday girl, sit here for a while."

Muntik na akong mauntog sa pinto nang lumingon ako sa babaeng kumakain sa mesa. Lia and Vail's glaring at her habang ang tatlong iba pa ay tila sanay na sa ginagawa nito.

"Leave her alone, Mirai."

"Vail, you know she's involve in to this war." Bumaling ulit ang tingin ng babae sa'kin. So her name was Mirai. "We have some discussions with you, Eira dear."

War? Discussions? Anong kinalaman ko na naman dito?

Napailing si Vail at ilang saglit lang naramdaman ko na naman ang pamilyar na hangin na tumutulak sa'kin patungo sa kinauupuan ko kanina. Due to instinct, napapiglas ako dahilan upang muntik na akong mapasubsub sa mesa. Napatawa tuloy ng bahagya ang prinisipe. Shame on me.

"You don't have to be so harsh, Vail."

"I just want this to be over." Same here Vail. As if gusto kong tumabi sa bully na katulad niya. He can't just use his wind to make me go wherever he wants.

Mirai started with how she knew I'll be waking and sents Vail and Sheldon to the Enchanted Forest. She told the exact spot as if she already saw what will happen that day.

Nakatulala lang ako sa pinagsasabi niya.

"Oh by the way I'm the palace's oracle. If you want to know."

Tumango-tango lang ako. Maybe that's why she knew it's my birthday. The prince greeted me earlier. Mukhang nakita na niya iyon sa pangitain niya.

"I'm the one who suggests the date of attack. It's still tentative but one thing's for sure..." She looked at me straight in to my eye. "You'll be needed."

I didn't know what will happen but I felt like the word was an understatement. I could feel it from the other guardians' look. My role would either be the easiest or the hardest.

Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon