10 Runaway Guardian

13 5 3
                                    


Kinagabihan, pababa na sana kami ni Cordelia ngunit narinig namin sa labas ang sunod-sunod na mga ingay ng kalesa. Nasa pangalawang palapag lang kami pero nang sumilip kami sa malaking bintana upang tignan kung sino-sino ang dumating saka ko lang napagtanto na ang taas pala ng kisami sa unang palapag para manliit ang mga paningin namin sa ibaba.

Hindi ko alam kung sadyang mabagal lang ba ako kumilos o maaga lang nagsidatingan ang mga bisita. Marami ng mga tao sa ballroom nang makababa kami. Pahirapan pa sa kalagayan ko. Hindi ako sanay magsuot ng mga gown.

"Nasaan yung iba?" tanong ko kay Cordelia nang makalapit na kami sa may trono ni Prinsipe Fabian. Palinga-linga pa ako upang hanapin ang dalawa. They should be here.

"Eira."

Bumalik ang tingin ko sa harapan kung saan ngayon nakatayo ang prinsipe.

Bahagya akong yumuko. "Your highness."

"Drop the formalities. We're cousins remember?"

Cousins indeed but the stares of women surrounding us can't tell the difference.

Prince Fabian's grace and elegance outstands the room. Aminado akong perpekto ang paningin ko sa kaniya. His upturned gray eyes, perfectly straight nose and heart shape lips fits perfectly to his pale skin. Matangkad rin siya kung kaya't alam kong maraming nahuhumaling sa kaniya.

Saglit lamang kami nagkausap ni Prinsipe Fabian. Si Cordelia naman ay medyo abala na sa mga kausap nito. Mukhang sikat nga talaga siya. Nagpaalam muna ako sa kaniya at naglibot-libot sa ballroom. Maraming tao at bakas ang elegante sa mga ito. May musika ring tumutugtug mula sa itaas.

Hindi ko napansin na nakatingala na pala ako at may nabangga na ako.

Katangahan ko na naman. Ano ba, Eira?

"Miss? We met again. Same circumstances." A man offered his hand to help me stand. Tinanggap ko ito at humingi ng paumanhin. Nang tignan ko ang pagmumukha niya ay saka ko lang napansin kung bakit tila pamilyar ang boses niya.

"Ikaw?" Siya yung lalaking tumulong sa'kin noong nasusuka ako sa ship patungong Ibera. "You're a noble?" Only nobles could wear such fine luxurious set of suit.

"I guess so?" He chuckled.

Sasagot pa sana ako nang biglang tumahimik ang lahat at tumingala sa elevated na trono kung saan nakatayo ang prinsipe. Hawak ng dalawang fairy malapit sa ulo niya ang bagong koronang ipapasa sa kaniya. The coronation just started.

May naganap pang maikling speech bago inilagay sa ulo ni Prince Fabian ng mga fairies ang bagong korona nito. I guess that makes him King Fabian now. Wala na akong masyadong naintindihan sa sinabi ng bagong hari at nakatuon lang ang tingin ko sa mga guardian na nasa likuran nito.

Alam kong hinahanap na ako ni Cordelia dahil sa halatang palingon-lingon nito dito sa ibaba. Si Sheldon at Aiden naman ay pasimpleng sumilip-silip rin.

Si Vail.

Kinakabahan akong tumingin sa direksyon ni Vail nang maramdaman kong may tilang tumititig sa'kin. Tama nga ang hinala ko. He was looking to my direction. His face were definitely saying, "Your dead if you're near me."

"Parang ayaw mo ata rito? Wanna go outside?"

Walang pag-aalinlangan akong sumunod sa kaniya at lumabas kami ng ballroom. Alam kong may mga marka kami ng fairies kaya sigurado akong hindi siya masamang tao.

Naglakad-lakad kami hanggang sa makarating kami sa garden sa pinakagilid ng palasyo. Malalim na ang gabi at malamig ang simoy ng hangin. My gown's a white offshoulder golden laced ballgown. My hair's also in a bun kung kaya't ramdam na ramdam ng balat ko ang malamig na hangin.

"Here." Tinanggal ng lalaki ang suot na itim na coat. Napatingin ako sa golden linings nito nang ipanatong niya ito sa balikat ko. Alam ko hindi siya basta-bastang noble lang, isa siya sa pinakamayayamang tao sa kaharian ng Aqaven. People like them dress with gold as possible. "My bad. It's my fault I brought you here."

"No worries. Gusto ko ring lumabas doon. So thank you." I'll be dead with Vail's glares if I didn't go with him.

"The moon reminded me of someone," aniya habang nakatingala sa kabilugan ng buwan. Napatitig ako sa mukha niya. He looked so sad. Bakit? "My name's Denzel. You are?"

"Eira. Eira Quinn."

Tila nabigla siya nang marinig ang pangalan ko at agad na napalingon sa'kin. Bakit? Alam ba niya kung ano ang kakayahan ko? I don't know what threat my powers could bring if known by the people. Pero kung pilit na tinatago ang kakayahan ko, alam kong either hindi magiging maganda ang trato ng mga tao sa akin o magiging espesyal ako sa kanila.

"I see," rinig kong bulong niya at agad na ibinalik ang tingin sa kalangitan. Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla nang bumulong siya.

Tahimik akong tumayo sa tabi niya at pinagmasdan ang maze garden na nasa harapan namin. He was gazing at the moon while I looked at the moons light hitting the maze's grass. Hindi ko inaakalang mauudlot ang katahimikan naming ito.

"Eira."

That threatening voice.

Napalingon ako sa likuran ni Denzel at nakitang nakatayo na roon si Vail habang lumilipad naman sa gilid ng ulo nito si Sedna. My heart was almosy taken away.

Hindi dahil nai-intimidate ako sa kaniya but instead it's the otherwise.

The moonlight was enough for me to see Vail's eyeful appearance. His blond hair was neatly ponytailed. He is wearing white suit with silver and golden embroidery. His long silvery white coat was resting on his shoulders.

My fascination for Vail's look didn't last long, agad siyang humakbang papalapit sa'min at agad na dumaloy ulit sa utak at katawan ko ang takot sa kaniya kung kaya't agad akong napaatras. Napansin iyon ni Denzel kung kaya't tumayo siya sa harapan ko.

"Anong pakay ng isang guardian dito?" tanong ni Denzel at nakipagtitigan kay Vail.

Agad akong natauhan at hinawakan ang braso niya. "Ah, Denzel pasensya ka na. He's actually my acquaintance. Sorry, I'm taking my leave."

Nakayuko akong humakbang papalapit kay Vail. Tila naputol ang dila ko ngayon sa hindi ko malamang dahilan. He's angrier than usual kung kaya't hindi ko ilalagay ang peligro ang sarili upang magsalita pa. I bet if he also can deoxygenate I'm here dead at this instant.

"Eira."

Napalingon ako kay Denzel at agad na nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nito.

Nakabulsa ang kanang kamay nito at ang kaliwa naman ay nakalahad at may nabubuong mist sa paligid nito. Unti-unting may bagay na nabuo na tila isang bulaklak. A lily?

Humakbang siya papalapit sa'kin at ipinakita ng buo sa akin ang bulaklak. It's made of ice? How come? Akala ko ba ko lang ang may kakayahan sa elemento ng ice? Pero teka? As far as I remember his element was water?

"The flower of Alstroemeria, a symbol of new friendship."

The Alstroemeria-shaped ice made me and Vail stun. Saka pa kami nahimasmasan nang umalis na sa harapan naming si Denzel.

Vail clenched his fist. He seems confused. Kahit ako naguguluhan na rin sa pangyayari. Who is he? I was so sure with his water ability bakit ngayon ice na ito? What was going on?

Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon