19 Beauty

10 4 5
                                    


Nabaling ang atensyon naming lahat sa isang lalaking patakbong nagtungo sa amin. He's pretty old at sa tingin ko siya ang butler na sinasabi ng mga magulang ni Cordelia. He wasn't around earlier.

"She's taunting the guards!" ani nito na hinihingal pa.

"She?" Sabay-sabay na tanong ng mga kasamahan namin. Maliban sa amin ni Vail na kanina pa ang sama ng titig sa akin.

Galit na papatakbong bumaba si Cordelia na agad naman naming sinundan. Tama nga ang butler. Hindi pa man kami nakakalapit sa gate ay naabutan na namin ang magnanakaw na nakaupo sa ibabaw ng pader habang nakasukbit ang katana sa kaniyang likuran. Balot na balot siya ng itim na kasuotan mula ulo hanggang paa. Her clothes were kinda loose kung kaya't hindi agad mapapansin kung babae ba siya o lalaki, lalong lalo na't mabilis siyang gumalaw.

"Okay, so one, two, three, four..." Nakadekwatro siyang nakaupo sa ibabaw ng pader at binabalanse ang sarili para hindi mahulog habang nagbibilang at pinagtuturo kaming mga guardians. Bumaling ang tingin at ang hintuturo niya sa'kin. "Of course, five. Hello, nagkita ulit tayo."

That sweet yet now eccentric voice. How could I forgot?

"Nagkita na kayo?" tanong ni Sheldon na nakakunot noong nakatingin sa akin. Para siyang kuya ko na may nagawang kapilyohan ang kapatid. And that kapatid was me.

"Hindi, kuya. I mean, aksidente ko lang siyang nakilala. Hindi ko alam na siya 'yun." I hastily explained. It's the truth I didn't know she's a theif not until Fabian told me.

"Ibalik mo sa'kin ang katana ko!" Cordelia shouted and ran towards the wall the theif was sitting. Both of her hands are forming water balls that are constantly growing. Mabilis niya itong ibinato sa pader hoping she could capture her but it didn't. Nawala bigla ang babae.

"Ialis niyo ang mga tao rito." Vail instructed. Agad namang pinapasok sa loob ng mansyon ang mga magulang ni Cordelia at ang iba pang guwardiya nina Sheldon at Aiden. Leaving us three and the theif here.

Matapos nilang makaalis ay agad akong lumapit sa pader at gumawa ng ice block para makatungtung ako ng maayos at tumayo sa tabi ni Cordelia. Lia's good with balancing kung kaya't hindi na ako nagtaka na kaya niyang tumayo sa pader.

Now where is that thief. Pahirapan pa at madaling araw pa naman. Mabuti nalang din at kahit papaano I was trained in cases like this. A dark environment.

"Got yah."

Cordelia raised her hand and showered heavy rains starting in a certain direction. Kasunod nito ang malakas na kalabog patungo sa pader na nasa ibaba namin.

The theif just slipped herself.

Bago pa man siya makatayo ay nakababa na ako at ang mga kamay ko ay nakatutok sa kaniya na nakaluhod pa rin sa maputik na lupa't nakasandal sa pader. Her face were still covered huh? Gaano ba katatag ang pagkakapin ng balabal niya?

"One wrong move..." A fire gradating from blue to white ignited in my hand. Not the fire that could burn but rather freeze. "Move or I'll freeze you 'till your unconscious."

"Can't you spare me just this once please?" The sweet innocent voice I heard from before were no longer here. Her voice still sounded so sweet yet now eccentrically taunting. How many facades does she even have?

Tumayo siya at humarap sa akin. Hawak ng isang kamay niya ang katana na siyang habol namin.

"Gusto mo bang malaman ang sekreto ko?"

Bumaba si Cordelia mula sa pader at tumabi sa'kin. I could almost feel her glares piercing right through the thief in front of us. Pero may dapat pa akong malaman.

"Sandali lang Lia." Pagpipigil ko kay Lia dahil alam kong nanggigil na itong bawiin ang katana.

Unti-unting yumuko ang babae at dahan-dahang tinanggal ang balabal na nagtatakip sa halos buong mukha niya. My curiousity emerges at alam kong ganoon din si Cordelia.

Una kong napansing ang halos namumuti niyang buhok. It was tied in a bun and seems like shining in this dark dawn. Our eyes met and that's when I realized how beautiful she was.

She had such small face, fair skin, straight eyebrows, plump lips and larger pair of reddish eyes. Hindi ito pula nang makita ko kanina. Sa tingin ko may ginawang illusion para matakpan ang totoong kulay nito kanina. Right here, right now this is her bare face.

"Ang ganda niya."

Cordelia seems to forgot that the girl in front of us was the theif who stole her supposed to be katana. Mukhang ang mga mata niya ay nanakaw na rin dahil sa titig niya rito. She was stunned, I was stunned. Who wouldn't?

Para siyang prinsesa na alagang-alaga ang katawan. All it takes was her in a crown and everyone

"My names's Anansi. Remember that well." Lumapit si Anansi kay Lia at may ibunulong rito. In this eerie dawn I could hear really well what she just said. "Catch me if you can."

As if in a blink of an eye she's no longer here.

Pareho kaming natulala ni Lia at huli na nang mapansin namin ang biglang pagtakbo niya papalayo.

Sinubukan pa siyang habulin ni Lia pero agad ring napatigil nang biglang sumulpot si Sheldon na nakatayo sa pader na pinanggalingan namin at pinigilan siya gamit ang vines na itinali sa baiwang niya. Bigla ring sumulpot si Vail at Aiden at umupo sa pader. Wow? Bakit ngayon lang sila?

I held both of my arms as I realized the coldness of the dawn. Inaantok na rin ako kaya ako napahikab and again I saw Vail's deadly glare na para bang mali ang maging antukin. Ano ba talagang problema niya? Siya pa itong may ganang magalit na hindi tumulong sa amin.

"Bakit ngayon pa kayo ha? Ninakaw na ang katana ko't lahat mga hinayupak kayo ang tagal ninyo." Pagrereklamo ni Cordelia. "Well, except for you Vail."

I felt irritated the way Lia gave importance to Vail. She's being unreasonably unfair.

"Chill. As if you aren't mesmerized with her beauty a while ago. Hindi ba Aiden?" Lumingon si Sheldon kay Aiden na tahimik lang na nakatingin sa gubat na pinasukan ni Anansi.

"Goodness. Mukhang tinamaan na rin si commander. Eira oh." Sheldon looked at me as if he was teasing Aiden.

Tila nagising si Aiden at natatarantang sumulyap agad sa akin. "No, hindi. Ano ka ba Sheldon? Stop with your nonsense."

Bahagya akong napatawa. "I'm not his girlfriend."

"She's not his girlfriend."

Halos sabay kaming lahat na napatingin kay Vail na hindi man lang nag-iwas ng tingin. Hindi ko naman masisisi, totoo naman ang sinabi niya. Aiden and I were not together.

"Eh? Vail?" Nagtatakang tanong ni Sheldon. "Ba't bigla kang nagkaopinyon?"

Vail didn't answer at ngayon ay nag iwas lang ng tingin bago bumaba na parang walang narinig. Here I thought he would just answer them straight.

"Hello? Sheldon tanda. Tanggalin mo tong vines mo naiinis na ako." Biglang sabat ni Lia. Sheldon immediately let her go. Pero wala pang isang segundo ay tumakbo na si Cordelia patungo sa gubat na napapaligaran ng puting hamog.

"Susundan ko siya," ani rin ni Aiden bago tumalon mula sa pader at sinundan si Lia.

"Argh, this two." Bumaling ang tingin ni Sheldon sa amin at agad na bumaba mula sa pader papalapit sa'min. "Tutal sa gubat rin naman na iyan ang tanging daan natin patungo sa Agoza, dalhin niyo nalang ang mga gamit natin. If you can carry them all then good and if not just bring the essentials."

"Okay ku—I mean Sheldon." I got carried away with that kuya thing.

Tinapik niya ako sa ulo bago ako nginitian. "You can call me kuya. I don't have a sister anyway."

"Stop with that cheesy stuff. Let's go Eira and you go follow them Sheldon. Hahabol nalang kami."

"Hopefully we could find each other once we're inside of it."

With that we parted our ways. Napahawak ulit ako sa braso ko bago tumalon ulit sa pader. Medyo napalayo na kami sa main gate kung kaya't dito na rin lang kami dumaan. Bahagya akong napalingon sa direksyon ni Sheldon hanggang sa tuluyan na siyang pumasok sa Feu Follet. The forest of different illusions.

Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon