Night time would probably the worst case to travel pero wala akong magawa kung hindi ang sumunod nalang. Ngayon ay nag alsa balutan na kami ng mga gamit namin para sa mahaba naming paglalakbay, I guess?Nasa daungan kami ngayon ng barko patungong Ibera at iilan lang sa mga tauhan ng palasyo ang nandirito. To my surprise even Fabian sent us off himself. Katabi nito si Denzel na kanina pa tahimik. Ang akala ko kasama namin si Denzel but for some reasons he wasn't. I wonder why?
Habang abala ang ibang guardians sa pagkausap sa ilang tauhan ng palasyo ay lumapit naman sa akin si Fabian.
"Pwede ba kitang makausap?"
"Sure. Bakit?"
Bahagya niya akong hinila papalayo sa ibang guardians at iniwan si Denzel kasama nila.
"Remember this spell, eril snad tirpse'l," seryoso nitong saad. "Say my name first before the spell."
Spell? Isa ba ito sa spell na nasa grimoire?
"May alam ka pang spell? Paano mo nalaman? Hindi ba dapat si mom—" agad niyang pinutol ang sasabihin ko. Great.
"I only know two spells. Levitation and mental communication or should I say telepathy." His voice lowered as if whispering the next words he uttered. "Don't tell them about this."
Ipinaliwanag niya sa akin kung paano ito gumagana. The spell he told me could help us communicate even in great distance. I could ask him questions along the way as we go to Agoza.
"Also to stop us from communicating say, retêrra then my name," he added.
"Tanong ko lang. Is there something about Denzel I need to know? Kanina pa siya tahimik. Ang weird niya ngayon."
Instead of answering he just smiled and pat my head. "I'll answer it as you go. Kanina ka pa nila tinatawag."
Lumingon ako kung saan tanaw ko ngayon si Cordelia na ngayon ay pasakay na ng barko habang ang tatlong guardians naman ay nakatingin sa akin. Si Denzel na nasa tabi lang nila kanina ay ngayon papalapit na sa kinaroroonan namin.
"You better do what you have to do, Eira. I'm wishing you luck. May the God of Aqaven guide your journey," seryosong usal ni Denzel bago ako nilagpasan at nagtungo sa kalesa na sinakyan nila ni Fabian.
Hindi ko alam kung bakit tila ang seryoso niya ngayon pero agad na akong tumakbo patungo sa kinaroroonan ng iba pang guardians at sumakay na ng barko. Hinanap ko si Cordelia na nasa isang pribadong silid ng barko. Magkasama kaming dalawa habang sa katabi naming silid naroroon ang tatlo pa naming kasamahan.
Maliban sa aming lima ay tanging mga tauhan lang ng barkong pag mamay ari ng pamilya ni Cordelia ang kasama namin. Umabot ng ilang oras ang byahe at hindi ko alam kung ilang beses na ba akong naduwal. Sea sickness again. I'm starting to hate this journey.
"Mabuti nalang talaga dadaan muna tayo ng mansyon. You'll get better if you rest there for a while."
Mansyon? The Callisto's mansion? Their family's mansion?
Sa kadahilanang maraming kabahayan malapit sa daungan ng Ibera ay bumaba muna kaming lima sa isang bangka hindi kalayuan patungo sa mismong daungan upang hindi makuha ang atensyon ng taga-Ibera. Sa daungan ay may tatlong lalaking naghihintay at may naka-antay na ring dalawang kalesa na sa tingin ko ay ang sasakyan namin.
Malayo-layo pa mula rito ang mansyon ng mga Callisto pero ramdam ko na talagang gusto ko ng magbanyo.
"Lia?"
Napatigil siya sa pagkausap sa lalaking sa tingin ko ay parang boss ng dalawang lalaki. Iniwan niya ang lalaki kay Sheldon na siyang kumausap rito at tuluyan ng lumapit sa akin na kanina pa nakatayo sa gilid. Abala rin kasi sa pagkuha ng gamit namin mula sa bangka sina Aiden at Vail kaya ako lang ang naiwan na walang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)
Fantasy"His hatred is something I could never change." - Eira ~~~~~~ Eira, was betrayed by her own bestfriend that leads to her so called 'death'. However, she woke up and finds out that she's an important subject-a missing piece for the Kingdom's glory or...