13 Selfish Love

16 5 2
                                    


The rumours about the iced fountain were almost forgotten. The current king's ability is to enter person's dream kung kaya't halos ilang araw rin itong ginawa ng prinsipe para mapasok lang ang mga panaginip ng ilan sa mga nasasakupan niya. He made them feel confused about the reality and the dream. I didn't know that was his scope of his ability.

Pumasok ako sa silid ng hari kung saan siya ngayon nagpapahinga dahil sa wakas natapos na rin ang pagbibisita niya sa mga panaginip ng mga taong naroroon. We used Sedna and Noden's ability to remember the faces of the people involved in that incident.

Tanging ako, si Vail at si Haring Fabian lamang ang nakakaalam na may iba pang ice elemental ability maliban sa akin.

"Greetings, King Fabian."

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na kapag tayo-tayo lang, you can call me by my name."

"Fabian."

"That's better." Umalis siya sa kamang kinauupuan niya at iginiya ako sa balkonahe ng kaniyang silid.

Hindi ko mapigilang mamangha sa tanawin na makikita mula sa balkonahe ng silid ni Fabian. Obviously his room had the best view. Tanaw ang grand golden gates mula rito at sa kabilang bahagi naman ay ang gubat na hindi na sakop ng palasyo.

Hindi ko alam kung bakit niya ako pinatawag. Hindi naman siguro para mag sight seeing lang ano?

"Hindi mo ba talaga kilala ang lalaking iyon?"

So he's still after that guy.

"His name is Denzel. Una ko siyang nakita sa barko noong nagtungo kami ni Lia sa Ibera. The second was during your coronation and the recent, last week where he froze the fountain."

"My fairies detected abnormality during the coronation. It's from that man."

Ang weird.

"Actually may nakalimutan akong sabihi―"

"Fabian!"

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng silid ni Fabian at bumungad ang pamilyar na babaeng maikli ang buhok at itim ang buong suot.

"Mirai? Anong meron?" nag-aalalang tanong ni Fabian sa kaniya.

I could see panic in her face. Kahit ako tuloy nag-aalala na rin sa kaniya. She's usually proud and confident pero ngayon halos hindi ko makilala kung sinong kaharap namin ngayon.

"Melian!"

"Anong meron sa Melian?"

Bago pa man siya makasagot ay sunod-sunod na nagsidatingan ang mga guardians.

"Wala bang side effects ang ginawa mo sa mga panaginip nila?" Mirai asked desperately.

"Wala. Ano bang meron?" Bumaling ang tingin niya sa mga guardians. "Sheldon? Vail? Aiden and Lia?"

"He proclaimed himself as the fifth element guardian."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Vail.

He?

Walang ibang tao ang kilala ko na maaaring magpakilala bilang guardian at sa fifth element pa. It's Denzel no doubt.

Nagkaroon ng kaguluhan sa entrance ng palasyo nang makarating kami. Karamihan ay mga taga Melian na nagsisigawan at hinahanap ang hari.

"Haring Fabian! Ang ikalimang guardian bakit ninyo inilihim sa amin?!"

Alam kong pareho kaming nagulat ni Har― I mean Fabian sa sinasabi ng mga tao. Mas lalo pang nag sigawan ang mga tao nang marinig nila ang isang boses sa likuran.

Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon