Unti-unti akong napadilat nang makarinig ng ingay mula sa paligid.Malamig ang kapaligaran at pakiramdam ko walang kahit anong liwanag ang sumisilip mula sa matatayog na mga puno. Pinakiramdaman ko ang katawan ko at napansing wala akong ni ano mang galos o bali. Sa taas ng talon nakakapagtaka at wala akong kahit ano mang sugat.
"Akala ko mahuhulog ang loob niya sayo. Literal palang mahuhulog siya sa'yo."
Umayos ako ng upo at napansing may lalaki pala sa ilalim ko.
Bakit siya nasa ilalim ko?! At isa pa nahulog ako sa nagyeyelong talon hindi sa isang kagubatan. Bakit ako nandito? Anong nangyari? Ilang oras ba akong nakatulog at halos maggagabi na? Ang creepy ng paligid at sa tingin ko tanging mga alitaptap lamang ang nagpapailaw sa amin dito.
"Pwede ba? Umalis ka sa ibabaw ko?"
Dali-dali akong tumayo at agad rin naman akong natumba. Nanghihina ang buo kong katawan sa hindi ko malamang dahilan, mabuti nalang at nasalo ako ng isa pang lalaki na siyang narinig kong unang nagsalita kanina.
Kulay kape ang buhok niya, wavy at magulo. Hindi ganoon kahaba at natatakpan nito ang isang mata niya. Maliban sa halatang mas matanda siya sa akin ng ilang taon ay kapansin-pansin rin ang kakaiba niyang suot. Kulay gray ito at brown at sa tingin ko ay parang pinagtampal-tampal na leather.
"Ayos ka lang?"
Tumango-tango ako habang inialalayan niya akong tumayo sa tabi niya. Kahit malaki ang katawan niya he seems to be gentle. Hindi katulad nung lalaking masungit na kanina pa abala sa pag pagpag sa suot niyang damit. Naka gloves rin ang dalawang kamay niya ng itim.
Medyo mahaba ang kaniyang blond na buhok. Sa tingin ko ay hanggang balikat ito, kung hindi niya lang tinali ang kalahati sa buhok niya. May suot siyang kulay berde na tunic at sa ilalim nito ay medyo maruming puting long sleeves. May belt pa siyang maraming tila mga maliliit na bag at naka brown leather boots rin siya.
Hindi naman kalayuan sa estilo nila ang nagkataon na suot kong puting dress. Mabuti naman. Pakiramdam ko mag-aagaw pansin ako kasi sa tingin ko ako lang naiiba sa kanila.
Napatitig ako sa likuran ng lalaking masungit. Siguro archer siya? Or may shoot siguro ngayon ng archery para sa isang drama kaya may mga pana siyang sukbit sa kaniyang likuran. Same with this rugged-looking gentle guy.
"Nasaan na ba ako?"
Tinanong ko ang lalaking may akay sa akin ngayon habang nakasunod kami sa lalaking masungit. Kanina pa iyan tahimik kahit naglalakad na kami patungo sa liwanag na kapansin-pansin dito sa gubat. Siguro crew iyon sa may shoot? May shooting nga talaga siguro ng historical drama rito.
"Sumama ka muna sa'min..." Napatigil siya sa pagsalita. Hindi nga pala nila alam ang pangalan ko.
"Eira. Eira Quinn."
"Eira." Napansin kong tila napaisip siya at umiling-iling. "Ako si Sheldon Andre at ang lalaking nasa harapan natin ay si Vail Caddel. Sa ngayon kailangan mo muna sumama sa amin bago namin ipaliwanag ang lahat."
"Ipaliwanag...ang."
Napatigil ako nang tuluyan na kaming nakalabas ng gubat at bumungad sa amin ang kabahayan na gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy. Ang iba naman ay gawa sa bricks. Kapansin-pansin rin ang kasuotan nilang kulay gray, pula at brown na mukhang pinagtagpi-tagpi rin kagaya ng suot ni Sheldon.
Hindi naman ang suot nila ang nakakuha talaga ng pansin ko.
Ang ginagawa nila.
Mas napakapit ako sa damit ni Sheldon.
BINABASA MO ANG
Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)
Fantasy"His hatred is something I could never change." - Eira ~~~~~~ Eira, was betrayed by her own bestfriend that leads to her so called 'death'. However, she woke up and finds out that she's an important subject-a missing piece for the Kingdom's glory or...