04 Failed Escape

16 5 5
                                    


Nagtanong-tanong ako sa mga maids at guards ng palasyo kung may roon bang library na malapit. Sa kabutihang palad naman ay may roon. Itinuro nila sa akin ang public library na nasa west wing ng palasyo. Muntikan pa akong mawala habang nag-iikot. Hindi nakatulong ang mga mapa na nasa bawat corridor. Kahit sa lugar na ito wala pa rin akong kwenta.

To my relief nakita ko na rin ang library, hiwalay ito sa palasyo at habang naglalakad ako sa mabatong pathway ay napansin kong nakabukod ito sa pathway ng mga taong nagmumula sa labas. Kitang-kita ko kung paano ako tignan ng ibang tao na para bang nagtataka kung sino ako o kung anong koneksyon ko sa taga palasyo.

"Excuse me miss? Sino ka po?" Napatigil ako sa pagkamangha sa estraktura ng library nang mapalingon ako sa batang babaeng humihila sa damit ko. "Bakit mula kayo sa palasyo?"

This kid.

Sinilayan ko ng tingin ang grupo ng babaeng nasa isang mesa malapit sa mga naglalakihang shelves. Sabi ko na nga ba inutusan nila ang batang ito.

Gusgusin nag suot niyang damit at alam kong taga nayon ito at inutusan lamang ng mga babaeng nasa mesa. Naririnig ko ang pagtagingting ng mga barya sa bulsa niya.

Umupo ako upang maging magkalebel kami.

"Eira. My name's Eira."

Napaatras ako nang may maliit na supot ng tila mga barya ang sumulpot sa pagitan ng mukha namin ng bata. Napalingon ako sa tabi ko at nakita si Lia na siyang may hawak nito.

"Mi—miss Cordelia." Tila nagningning ang mukha ng bata nang umangat ang tingin nito kay Lia. "Tagahanga niyo po ako!"

Nagulat ako nang umupo sa tabi ko si Lia at kinausap ang bata. They we're having joyful conversation at kitang-kita sa mata ng bata ang sobrang pagkamangha nito. She's even shreding a tear. Cordelia's that famous?

"Ibibigay ko itong barya pero sa isang kondisyon."

"Ano pa iyon Miss Cordelia?"

"Huwag ka ng bumalik sa mga babaeng nag-utos sa iyong lumapit kay Eira okay?"

"Opo, miss! Maraming salamat po!"

Ilang saglit lang ay lumabas na ang bata at habang sinusundan ko ito ng tingin napansin ko si Vail na nakatayo lang pala sa likuran ko.

"You two done?"

"Bakit kayo nandito?" Binalik ko ang tanong kay Vail. "Sinusundan mo ba ako?"

"Never in a million years." Nilagpasan niya ako at dumiretso sa mga nagtatangkarang mga shelves. "I'm sent here by the prince. You wanted to know about this world right?"

"Ikaw naman?" Bumaling ang tingin ko kay Lia. "Bakit ka nandito?"

"Of course to follow my beloved Vail," she said dreamingly. "He also hates the fifth element which is you, Eira. So I guess I'm here to neutralize you both?"

"I'm not the fift—" Hindi ko pa tapos ang sasabihin ko nang sinamaan niya na ako tingin. It gave me creeps.

So I guess I'll stick to being this so called 'fifth element'.

Lumapit ako sa table kung saan nilapag ni Vail ang mga makakapal at maabong libro. Saan ba niya ito kinuha?

"No one reads Aqaven's history and stuff. Kung kaya't nakatengga lang iyan sa pinaka tuktok ng shelves," bulong ni Lia. Umupo kami sa tapat ni Vail at kinuha ang isang libro't pinagpagan bago ko basahin.

So far ang nababasa ko ay nasabi na ni Prinsipe Fabian. That elemental guardians were only born, once the former guardian of that certain element dies. Pero hindi sa lahat ng panahon ay agad na pinapanganak ang bagong guardian. Halos isang dekada ang hinintay ng mga tao para ipanganak ulit ang bagong water guardian and that was Cordelia.

Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon