09 Secret Guardian

12 3 3
                                    


Hindi ko alam kung paanong nangyaring pati sa palasyo ay nagpapanggap parin kami ni Aiden, na meron talagang ganap sa'min dalawa. Saka ko pa lang naalala wala palang nakakaalam sa pagkatao ko maliban sa guardians, Prince Fabian at ni Mirai.

"Ayan na ang kasintahan ni Commander Aiden."

Sawang-sawa na ako sa pangalan na binigay ng mga tao sa akin, kahit ilang araw pa lamang ang nakalipas nang simulan nila akong tawagin sa pangalang iyan. Hindi ko magawang magpakilala sa tunay kong pagktao.

I can't go tell them, 'Hey, I'm the fifth element's guardian'.

They can't know whether or not I possesed an ability or element. My elemental ability should have already ceased to exist, based on what they knew.

"Ms. Eira." Bakas ang pa-aalala ng guwardiya nang dumaan ako sa gilid niya. The guards had been cautious as ever since the news about Aiden and I spread out.

"Ayos lang ako." Ngumiti ako sa kaniya bago tuluyang pumasok sa public library at dinaanan ang dalawang babaeng kanina pa nakatingin sa akin. Kulang nalang ay lamunin nila ako ng buhay.

Napatingala ako sa mga nagtataasang shelves at pinagmasdan ang ilang librong lumulutang sa ere. Probably by someone with an air element or something related to manipulation ability.

Humakbang ako papalapit sa shelves at sa kasamaang palad ay natapilok ako. Tumama ang noo ko sa kalapit na mesa bago ako tuluyong lumagpak sa sahig.

Deja vu?

No.

Huling beses akong nadapa ay noong panahong kasama ko pa si mommy. I thought my ill-fated life had already left, hanggang dito ba magiging mamalasin pa rin ako?

"Ops, I'm sorry," sarkastikong saad ng babaeng siyang pumatid sa'kin. I saw her fire themed brooch pinned on her dress, why is it familiar?

"Ayos lang." Tumayo ako hinawakan ang noo kong may bukol na pala. "Medyo lampa rin naman ako, so I guess this is kinda normal to me."

Bahagya akong nagbow bago siya tinalikuran at bumalik sa paghahanap ng librong mababasa. I'm here to kill some time. Masyadong boring sa loob ng palasyo. My life had always been boring before I came here. Ngayong may pagkakataon na akong baguhin iyon ayoko ng maging boring ulit.

Isa pa ayokong masira ang mood ko ngayong araw. Sinuswerte ako ngayon na walang Vail na laging galit sa tuwing nagpapractice akong gumamit ng pana. Abala ang guardians para sa gaganapin na coronation ni Prinsipe Fabian bukas, at kahit si Cordelia na may klase pa ay nagawang bumalik dito sa palasyo.

Kinuha ko ang librong may makapal na leather cover na siyang kumuha sa atensyon ko. Umupo ako sa kalapit na mesa at doon na napagdesisyonang magbasa. Pinipilit kong intindihin ang binabasa ko, pero sadyang kinukuha talaga ng mga babaeng ito ang aking atensyon.

Apat sila at ang isa sa kanila ay sinipa ang mesang pinagpatungan ko ng libro.

Goodness. Wala naman ata akong ginawang mali?

"Ikaw ba ang babae ni Commander Aiden?" aroganteng saad ng babaeng maikli ang buhok na siyang sumipa sa mesa.

Napalingon ako sa paligid. Nasaan si Miss Minphy? Ayokong kumausap sa babaeng to'. Pakiramdam ko isang maling salita ko lang malalagotan na ako ng hininga.

And I meant it literally.

Alam kong deoxygenation ang kakayahan niya, an air element. Nakita kong ginamit niya ito sa kasamahan niya kanina. She's a litte cruel.

"I'm his girlfriend." Tumayo ako at bahagyang nag bow, "Excuse me."

Patakbong nagtungo sa direksyon namin si Miss Minphy. Just in time. Mukhang maling desisyon ko pa ang pumunta sa library. Ano naman ang gagawin ko rito? I planned this day to be my rest day from training pero masyadong boring sa silid ko.

Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon