Napakunot noo ako sa nakita ko sa ikapitong palapag. It's like the floor where everything in this place was a dump. May ilan na mukhang basura at ilang gamit naman na mukha pang maayos. There are even foods scattered from a certain area. Mukhang dito kinuha ni Vail ang mga prutas.Wala akong halos na maaninag na dugo mula sa kinatatayuan namin na malapit sa hagdan. Nagmumukha ng mga minature na mga bundok ang mga gamit na nandirito. I can't see anything aside from these seemingly pile of trash.
"Maybe they're here," saad ni Cordelia at tumingin sa akin. "May nadaanan ako kahapon. Mga—err should I say this to you."
"Ano?" Lumingon si Vail. "If it's helpful say it."
Tinuro ako ni Cordelia. "Pero siya? She probably haven't seen dead people be—"
"I've seen some on the 8th floor," sabat ko sa kaniya. "I'd be fine. Tiyaka expected na natin na may mangyaring ganito. I might hate the sight of it but we have no choice. So sabihin mo na."
"Okay?" Cordelia shrugged before pointing a pile of trash not so far away from our sight. "Behind that whatever thing. Dead people. Some are still strangled with vines and crushed while others are burnt. So I'm guessing they were here. Both of them."
Tumango-tango ako habang si Vail naman ay nagsimula ng maglakad sa direksiyon na sinabi ni Cordelia. Tahimik kaming sumunod ni Lia habang binabantayan ang mga galaw namin. Tanging mga yabag lang namin at mga naghuhulugang gamit sa kung saan lang ang naririnig ko. Sana naman nandito pa sila.
Nakita namin ang mga bangkay na sinasabi ni Cordelia. Her description was an understatement.
There's blood everywhere. Blood, ashes and some rotten corpses. Ang mga bangkay na sinasabi ni Cordelia na sinasakal ng mga vines ay halos mahiwalay na ang mga ulo. What a sight. Mukhang mas malala ang nangyari sa kanila kay'sa doon sa ikawalong palapag.
Gusto ko na silang makita. Ayokong may masayang kaming oras sa paghahanap. Before anything worse could happen I just want to see us all together.
"Eira?" Nakatulala na pala akong nakatingin sa kung saan. Cordelia knocked my senses out. "You okay? Tara na."
Agad akong sumunod sa kanila. I could feel my hands trembling kung kaya't itinago ko ito sa likod ko para hindi nila mapansin. Baka akalain nilang dahil sa nakita ko ito kanina. I had other reasons.
"Eira!"
Sabay kaming napalingon sa likuran at nakita si Aiden na kumakaway na naglakad patungo sa amin. Katulad namin ay may mga galos rin siya sa katawan at mukhang pagod na. Agad rin akong tumakbo papalapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. I didn't realize I'd missed him and I'm glad he hugged me back!
"Isa." Napabitaw ako kay Aiden nang marinig ang boses ni Lia. She just smiled and walk towards us. "Where's Sheldon?"
"Uhm. Nagkahiwalay kami kanina." Inakbayan ako ni Aiden na siyang nagpatigil sa akin. "Well, let's just find hi—"
Naramdaman ko nalang ang pagkabasa ng ilang parte ng katawan ko at ang pagkatilapon ni Aiden na ginamitan ni Cordelia ng ability niya. I glared at her. Nababaliw na ba siya?! She just worsened his current state! Nang sinubukan ko namang lumapit para tulungang tumayo si Aiden ay hinila naman ako ni Vail gamit ang kakayahan niya.
What's wrong with them?!
"Ano ba Vail?! Bitawan mo ako. Ano ba Lia?! Bakit niyo to' ginagawa?!"
"Hello?! Eira? Haven't you noticed? Something's off with him."
Vail finally lets me go. Pagkaapak ko sa sahig ay agad siyang naglakad papalapit kay Aiden at nilagpasan ako.
Aiden's still slumped on the floor. He didn't dare to stand up. Nakatutok sa kaniya ang mga kamay ni Cordelia as if she's ready to attack if he'll do something inappropriate. Ang hindi ko maintindihan ay kung paano nila nasabing may mali sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)
Fantasy"His hatred is something I could never change." - Eira ~~~~~~ Eira, was betrayed by her own bestfriend that leads to her so called 'death'. However, she woke up and finds out that she's an important subject-a missing piece for the Kingdom's glory or...