20 Feu Follet

12 4 4
                                    


The sun started peeking from the mountains. Hindi ko na alam kung gaano na sila kalayo sa loob ng gubat. All I've been thinking of is how to stop Vail from ranting early in the morning. Alam kong tatanga-tanga ako sa mga direksyon but he didn't need to remind me about it every single step we take as we draw near to the forest's entrance.

"Sabing lumapit ka rito para hindi ka mawala." Vail complained again.

Gaanong lapit pa ba? Halos isang metro lang ang layo namin sa isa't isa. Nasa likuran niya ako para makita ko kung saan siya patungo. May malaking bag pa na nakasukbit sa balikat ko kaya medyo mabagal akong maglakad.

"Ang bilis mo kasing maglakad," sabi ko sa kaniya at medyo binilisan ang lakad. "Alam mong nawawala ako tapos ganito ka pa."

"So kasalanan ko pang tatanga-tanga ka? You better keep up your pace. Kailangan natin silang maabutan."

My whisper did not escape from his ears. Kulang nalang pati hininga ko marinig pa niya. Bahala siya. I'm tired, sleepy and my mind's probably on its hazy state. I'm just hoping we won't encounter any troubles with only the two of us. Hindi ko alam kung magkakasundo ba kami kung ganoon.

He opened the map as soon as we reached the forest's entrance.

"Supposedly there's a maple tree here." Lumingon-lingon siya sa paligid. Kahit ako rin nakilingon na at hinahanap ang maple tree pero wala akong nakita. "Kailan ba to last na update? Was it just a year ago? Bakit hindi na natin mahanap ang lecheng entrance na iyon?"

Napatitig ako sa isang puno hindi kalayuan. Bahagya akong umatras at itinuro ito kay Vail. "Hindi ba mapple tree iyon?"

I saw a tree with reddish leaves. Hindi ko alam kung anong shape nito dahil sa layo namin.

"Idiot. Maple trees shouldn't have leaves already. It's nearing winter."

I almost forgot about the coming season. Mukhang maabutan kami ng winter sa lugar na ito.

I haven't experienced being in winter. Sa pinanggalingan ko tanging tag-araw at tag-ulan lang ang meron. Based on what Fabian had said, the place where I came from doesn't even exist in this world.

Minsan napapaisip ako bakit ginawa ng mga Quinn ang mundong pinanggalingan ko. They are really creative in nature.

Vail scanned the trees from its branches to barks. Hinawakan niya ito na para bang may pinag aaralan. Hinawakan ko rin ang puno at baka malaman ko kung anong binabalak niya.

"Kung nahihirapan ka paano nalang kaya sila Cordelia? Hindi ba sila mawawala rito?" tanong ko habang nakasunod lang sa kaniya.

After touching one certain tree he started to walk across it kung kaya't agad ko siyang sinundan. Napailing-iling lang siya at tila bingi na hindi ako pinansin.

"Ang lalim ba talaga ng galit mo sa'kin?"

He stopped. Akala ko sasagutin na niya ako but...

"Nakita na ni Cordelia ang mapa noong nakaraang buwan pa. She somehow bribe the king para makita niya ito. So don't worry, she memorised the forest like it's in the palm of her hand."

Tumango-tango ako kahit hindi niya ako nakikita. That wasn't even the question I was hoping for him to answer. Ever since, his hatred towards me never falter. It may slightly fade but at the end of the day his scorn at me will always tell me he hates me.

As we walk, he reminded me that there might be faint illusions appearing at the side of the path we were taking. Tama nga siya. Nakita ko ang ilang illusion na nagpapaalala sa'kin kung saan ako nanggaling. Muntik ko pang pulutin ang cellphone na nasa ilalim ng kalapit na puno mabuti nalang nahila agad ako ni Vail.

Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon