Nagmamadali kong hinabol si Mirai matapos nitong humiwalay sa mga guardians. Alam kong marami siyang alam. Sa dami niyang alam, wala akong maintindihan kung bakit kasali ako sa pag atakeng sinasabi nila. Ni hindi ko nga alam kung para saan iyon."Mirai!"
Nasa courtyard na pala kami ng palasyo. Kanina ko pa siya sinusundan at humahanap ng tamang tiyempo para lapitan siya. There are guards and maids everywhere that greeted her. Kung kaya't sunod ng sunod lang ako sa kaniya. Bahala na kung matagal na naman ako na makabalik sa loob dahil malamang mawawala na naman ako.
"Yep?"
Saka ko lamang napansin na may dagger pala siyang hawak at agad niya itong inilagay sa knife pocket na nasa hita niya. Wow? Is she bringing it everywhere?
"Bakit kailangan kong sumama sa kanila? Sigurado ba kayong ako ang fifth element? I can only freeze ice at hindi ko pa ito kontrolado." Hinawakan ko ang mga braso niya and looked at her like I'm asking her to save me and get me out of here. "I can't stay here."
"Eira." Napailing-iling siya dahilan para manglumo ako. Bakit ba? Anong kailangan nila sa'kin? Tama si Cordelia, they can attack whenever they want pero bakit kailangan kasama ako?
"Eira, listen." Bumalik ako sa reyalidad nang hinawakan ako sa balikat ni Mirai. "I shouldn't be saying this but there's a chance your parents are still there."
Napatigil ako. My parents? Akala ko ba wala na sila. There? Nasa Isla Agoza? Anong ginagawa nila doon?
"Isla Agoza?"
Tumango-tango siya bago ako binitawan. "I think you misunderstood Fabian." Oh, they're that close? Without Prince? "Umiling-iling lang ang prinispe. Hindi ba pwedeng hindi niya lang alam? Ikaw naman deads agad ang nasa isip."
Hindi na ako magtatanong pa kung paano niya nalaman ang tungkol doon pero bakit hindi alam ni Prince Fabian? Ako lang ba talaga ang may alam?
"Yes, dear. Wala akong sinabihan except sa'yo." Mirai replied as if she read my mind. "Wala akong choice baka mag balak ka na naman na tumakas dito." She knew.
"Bakit hindi mo sinabi sa kaniya? Sa kanila?"
Umiling-iling siya. "Someone will hate you...even more."
~~~~~
I decided to stay a little longer. Gusto kong malaman kung anong meron ang lugar na ito at bakit nasa Isla Agoza ang mommy ko at ang namayapa kong daddy. Only this kingdom could answer my questions.
"Tara na!"
Muntik pa akong matapilok nang biglang hilahin ni Lia ang braso ko pababa ng hagdan. Isasama na naman niya ako para sa pamimili kuno niya. Uuwi daw muna siya sa Ibera.
Sumakay kami ng kalesa patungo sa pinakamalapit na daungan ng barko, sa bayan ng Melian. Mabuti nalang talaga at wala sina Vail at busy daw.
Pagkababa namin sa kalesa ay nagsitinginan ang mga taong naka pila sa daungan.
Cordelia's long blue hair and very bright outfit would really caught anyone's attention. Brunnete, black and blond are the only hair colors existed in this kingdom. Akala ko talaga iba-iba ang kulay ng buhok nila. It's just that Lia asked someone to change her hair color. There's someone who has an ability that could switch colors. Cool.
Pipila na sana ako sa likuran ng mga taong nakapila pero hinila ako ni Lia at dumiretso na harapan.
"Lia! Ang haba ng pila oh ang unfair sa kanila."
She rolled her eyes. "It's my ship, Eira."
Wow, ang yaman.
Napagdesisyonan naming tumambay muna sa observation deck sa harapan ng barko. Everything in this ship is made out of wood and silver. May golden sculpture din na nasa harapan ng ship.
BINABASA MO ANG
Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)
Fantasy"His hatred is something I could never change." - Eira ~~~~~~ Eira, was betrayed by her own bestfriend that leads to her so called 'death'. However, she woke up and finds out that she's an important subject-a missing piece for the Kingdom's glory or...