18 Callisto's Katana

13 4 4
                                    


If she was that infamous bakit hanggang ngayon hindi pa rin nila ito nadadakip? Why and how did she stole the crown? Kung ibebenta niya iyon malamang nahuli na siya ngayon. As far as I remember, everyone and even the little kids know what the prince's crown looks like. Ang hindi lang alam ng lahat ay kung nasaan na nga ba ang prinsipe ngayon.

"*The thing is nobody knows her face...Well not until now."* Bumalik ang atensyon ko sa sinabi ni Fabian. I remained silent.

Lia was starring straight at me from the opposite seat. Siguro napansin niya ang pagbabago sa mukha ko habang naririnig ko ang boses ni Fabian sa isip ko. Who wouldn't?

*"Why aren't you answering? Nasaan pa ba kayo? Oh wait, you can't answer. Anyway, alam ni Denzel kung sino ang babae. Unfortunately he only knew her face. Stupid is—What the?! Bakit bigla-bigla ka nalang nananapak? I'm a freaking king Denzel!"*

Tuluyan ng nawala ang komunikasyon namin ni Fabian. Mukhang magkasama pa pala sila ni Denzel ngayon. Bakit nga ba sinasabi niya ito sa'kin?

"Ayos ka lang ba?"

Nagulat ako sa biglang pagdampi ng kamay ni Lia sa braso ko. I was too immersed with Fabian's words.

"Ah oo. Ayos lang ako." Bahagya akong napatawa at sumandal sa kinauupuan ko. "Kailangan ko lang ng pahinga."

Good thing at hindi na ako inabala pa ni Lia. She just sat there silent na para bang atat na atat na siyang makauwi.

Hindi na ako nagulat pa nang makababa kami sa kalesa at kahit madilim sa labas dahil sa likurang bahagi kami ng mansyon dumaan, ay patakbong nagtungo si Lia sa mga magulang niyang nag hihintay sa labas ng gate.

Bahagya akong napalingon sa mga kasama ko at napansin ang pag iwas ng tingin ni Sheldon, tipid na ngiti ni Aiden at ang blankong titig ni Vail sa mga magulang ni Lia.

Which reminds me, nasaan nga ba ang mga magulang nila?

They barely talk about their family. Alam kong matatanda na sila at kay na nilang mabuhay na hindi kapiling ang mga magulang nila pero hindi ko pa sila narinig na napag-usapan ito.

The way they look at Lia's family, I could sense there's something wrong with these men I'm with.

Pumasok na kaming lahat sa mansyon at bumungad sa amin ang apat na maid na siyang umasikaso sa amin.

High ceilings and golden statues, just as expected for a Callisto who owns most of the ships that were responsible for shipment of goods. Sa pagkakaalam ko sila rin ang may pinakamalaking bentahan mga kalesa sa Ibera. Talk about family that are business minded.

"Lia dear, mukhang may bago kayong kasama ah?"

Napansin kong napalingon sa akin na nasa likuran lang nilang mag anak ang mama ni Cordelia. She smiled at me sweetly hence I politely bow. Mukhang madalas ng pumunta dito ang ibang guardians kung kaya't kilala at sanay na sila rito.

"Kapatid siya ni Sheldon, ma." I could tell that there's a slight panic on her voice. Mabuti nalang matagal na kaming may mga palusot sa tuwing may magtatanong ng ganito.

"Oh stop stating the obvious. Of course we knew." She slightly lean on Lia's shoulder to whisper. Ewan ko ba kung bulong ba talaga iyon dahil rinig ko naman. "Why is she here?"

"She's uhm. Our team's healer and researcher?"

Healer and researcher? On the spot thinking Cordelia. Hindi namin ito napaghandaan.

"Good to know."

After a descent late dinner prepared by the Callisto's para kaming itinour nito sa mansyon nila. Katanas are hanged almost in every corner. They were on cases attached to the wall. May nabasa pa akong *Cordelia's first katana at 10*. That was so young.

Cordelia had different katanas in her lifetime. Pero agaw atensyon ang katana na nasa isang case pero nasa pinakaharap ng mansyon. It had silver and gold linings on its handle. With the looks of it it seems like its been used for ages.

"That was our family heirloom."

Napalingon ako sa mama ni Cordelia na siyang nakatayo sa likuran ko ngayon. Mukhang nahiwalay na naman ata ako sa iba. Mabuti nalang nandito siya. My sense of direction always fail me lalong lalo na't mansyon itong kina Cordelia.

"Wala pa po bang nakakagamit nito sa inyo?" By the looks of it, it's like locked in the case for a very long time.

"My husband's dad." Hinawakan ng mama ni Cordelia ang case na pinaglagyan nito. "He's the last weilder of this katana."

"Oh."

"Her father didn't feel like he's worth it using the katana. But he did think her daughter's worthy of it though. "

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. Cordelia will inherit their family's heirloom! That's a big news.

"Secret muna natin to. He'll give it personally to her tomorrow kapag pupunta na kayo sa Feu Follet."

I hastily nodded my head in excitement. She's having such important katana. Alam kong masisiyahan talaga siya nito. Who wouldn't? A family heirloom that wasn't.

That excitement didn't even last long.

Matapos akong ihatid sa mga kasamahan ko, we then eventually spend the few hours resting. Hindi ko na nga napansin kung nag oras na nga ba iyon dahil narinig namin ang nag nagkakagulong mga katulong sa labas.

"Nawawala ang katana!" One maid shouted to the other maids. "Nasa labas pa ang magnanakaw!"

Kung nasa labas pa bakit hindi nila masundan?

Nasa silid ako ni Cordelia kung kaya't sumilip ako sa bintana kahit madilim. Sa tulong ng mga alitaptap at iilang mga ilaw ay naaninag ko ang suot ng sa tingin ko ay ng magnanakaw. They're just simply walking in the patio as if they were just strolling for an early walk.

The black coat and shawl they were wearing also caught my attention.

Lumingon ito sa taas, sa mismong silid na kinalalagyan ko. Our eyes met and it struck familiarity to me.

Bago ko pa maalala kung sino ito ay mabilis na itong tumakbo at inakyat ang pader. They vanished like a blink of an eye. Parang may super speed siya kung kaya't mabilis siyang nawawala.

Speed. Wait I just met someone with speed.

It was her!

Mabilis akong tumakbo sa pinto ng silid ni Cordelia at naabutan sa labas ang mga magulang nitong sobrang nag aalala. I could sense fear, panic and disappointment on her father's face.

"That infamous masked theif stole it."

That wasn't me who said those words.

It was Vail na kalalabas lang sa katabi naming silid. Kasunod nito sina Sheldon at Aiden na halatang bagong gising lang. Talagang sinusulit talaga nila ang oras ng pahinga nila.

"Anong meron?" Napalingon ako kay Cordelia na kalalabas lang ng silid namin habang naghihikab. "What's with that faces? Ma? Pa? Ba't ang aga niyo?"

"The katana's missing."

"Sa dami ng katana sa mansyon ma hindi ko na alam kong anong katana ang nawawala. Ano nga ba?"

"Your family heirloom's katana." Si Vail na mismo ang sumagot sa tanong ni Cordelia.

Cordelia's eyes widened as if she just woke her senses up. The confusion, the anger and the dissapointment got her feelings mixed up. Kitang kita ito sa mga mata niya. I know she'll do everything to have it back and I'm in on it.

Into The Land Never Told (Aqaven Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon