Eight Pov (Fiona's Pov)
Isa-isa kaming humakbang papasok sa lagusan. Walang umiimik o nakuhang magsalita man lang. Lahat kami kabado! Alam kong natatakot din sila. Wala kaming alam sa mundong pupuntahan namin at isang kahibangan ang piliing pumunta roon! Ngunit wala kaming pagpipiliin hindi namin pweding hayaang mag-isa si Seven!
Athena na pala ang pangalan n'ya ngayon.
Nang makapasok si Leve (Six) sa lagusan hindi agad sumunod si Seven... I mean si Athena. Nanatili itong nakatitig sa lagusan, nakakunot ang noo at tila malalim ang iniisip!
Nararamdaman n'ya rin kaya ang nararamdaman ko? Ang pakiramdam na kapag pumasok kami sa lagusang iyon ay hindi na kami makakabalik pa!
Makakabalik pa nga ba kami?
Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Madilim na at kaunting minuto na lamang ay tuluyan ng mawawala ang liwanag. Tanging mga kawal at tagapag-silbi lamang ang naghatid sa amin! Hindi man lang sumama sila ama para ihatid kami.
"Mahal na Prinsesa Seven! Humakbang na po kayo papunta sa lagusan upang makasunod na si Prinsesa Eight." Untag ng isang taga-pagsilbi ng mapansing tila yata walang balak na humakbang si Athena.
Ngayon ko lamang siya nakitang balisa at tila nalilito. "Mahal na Prinsesa?" sambit uli ng tagapag-silbi."Hah? Ah patawad po! Mag-iingat po kayo. Babalik hu kami agad." mabilis n'yang tugon dito saka ngumiti. Kilala ko ang kapatid ko. Ang mga ngiting yung ay hindi totoo. Ano ba ang bumabagabag sa kanya?
"Tara?" Sumingit ako sa tabi n'ya saka ko hinawakan ang kanyang kamay. Nabigla pa ito saglit pero ngumiti rin ito pabalik. Naramdaman ko ang mahigpit niyang hawak sa kamay ko.
"Papasok na tayo?" Marahan kong tanong sa kanya. Ngumiti siya ng bahagya saka humakbang. Sabay kaming pumasok sa lagusan. Mainit sa pakiramdam ang bahagya naming naramdaman...
Hanggang sa umikot kami ng umikot at nawalan ng malay...
...
Seven's Pov (Athena Dela Cruz)
"Hoy lumabas kayo d'yan! Magbayad na kayo ng utang niyo..."
Naalimpungatan ako sa sigaw ng isang babae. Nakakabingi ang paulit-ulit nitong sigaw. Sinong lapastangan ang sumisigaw at nambubulabog sa oras ng aking pagtulog?
"Sandali lamang... Sino ba yan?" Nakapikit pa akong naglakad ng bigla akong mauntog sa isang matigas na bagay. Nawala ang pagka-antok ko dahil sa nangyari.
Puting kesame at mga larawang nakasabit ang bumungad sa akin. May kung ano pang umiikot sa gilid na nagbibigay ng malamig na hangin. Nasaan ako? Teka? Nasa mundo na ba ako ng mga mortal?
"Ano ba lumabas ka'yo diyan!"
Malakas ulit na sigaw mula sa labas. Hinanap ko ang pinto para lumabas. Naabutan ko ang isang babaing nakataas ang dalawang kilay habang nakapamaywang pa. Mukha itong gorilya kung makasimangot at parang mangangain na.
"Aba akala ko hindi ka na lalabas babae..." Umismid ito at tuluyang kinuha ang braso ko. Mahigpit ang hawak n'ya dito pero hindi parin sapat para masaktan ako. "Bayaran mo na ang utang mong renta sa kwartong to."
"Utang?" Nagtataka kung tanong sa kanya. Kailan pa ako nagka-utang?
"Aba wag mong sabihing kinalimutan mo na... Ano nga ulit pangalan mo?" Bahagya itong nag-isip na parang nakalimutan ang pangalan ko.
"Sev-- Athena Dela Cruz po!" Athena nga pala ang pangalan ko na dapat gamitin. Buti natatandaan ko pa.
"Oo nga pala Athena! Yung isang buwang utang mo para sa renta nasan na? Kailangan ko yun ngayon." Sabi nito saka binitiwan ang braso kong hawak nya kanina. "Alam mo kasi ang dami ko ngayon bibilhing sabon pangpaganda. Kaya magbayad kana Athena." Dugtong nya pa.